Monday, November 19, 2007

teary-eyed..curse.

last night, nagpunta kami sa grandfinals ng muziklaban. akala ko magiging ayos ang lahat. at first ansaya ko kasi maayos kami nakadating sa venue. hindi kasi namin alam pareho yung daan papunta dun, buti nalang mabilis namin naintindihan ang mga direksyon na itinuturo nung pinagtanungan namin. habang nasa pila, matagal. natapos na ko mag-group message sa mga kaibigan ko pero konti pa lang ang inuusad ng pila. naiisip ko na natatagalan lang siguro yung mga guard sa pagche - check ng mga bag. naisip ko din na sana pala hindi nalang ako nagdala ng bag. nagsisisi talaga ako. nung bag ko na yung ichi - check, kinuha nung babaeng gwardya yung kikay kit ko mula sa loob ng bag ko at binuksan. sabi nya, bawal daw yun lahat sa loob. kaya itinapon nya yun lahat sa trashbag na kulay green. tapos kinalkal nya pa ulit yung bag ko. nakita nya naman yung alcohol ko. bawal din daw yun kaya direcho din sa trashbag. pati yung toothpaste ko at payong. tsaka lang sya tumigil nung wala na talaga laman yung bag ko. huhuhu. kaya sa ngayon, wala muna ako blush on, eye shadow at lip gloss. wala na din eye liner,at eye shadow na kulay black kapag nage - emo ako. ang kikay kit ko... kaya naman mula ngayon, kapag pupunta ako sa gig, hindi na ko magdadala ng bag kahit kelan.

pero ayos lang. bibili nalang ako ulit nun. sabi nga ni ralph, makakabili pa ko nun ulit. kaya napatigil nya ko sa pag - iyak. hindi tuluyan nasira ang gabi ng tugtugan.

at ang naging RED HORSE MUZIKLABAN ROCK CHALLENGE 2007 CHAMPION ay ang bandang gayuma. tinapos namin kahit umuulan. hindi naman kami nabasa kasi napapalibutan ng mga tolda ang loob ng venue. expected siguro ng organizer na uulan. kasi last year umulan din. mula nung mangyari yung stampede sa amoranto na ikinamatay ng ilan nung last last year na muziklaban ay lagi na umuulan ng malakas. sa gabi na yon.

Sunday, November 11, 2007

panaginip




tinatamad ako maglakad.kaya kahit malapit lang sumasasakay parin ako ng tricycle. minsan, nakakalimutan ko magbayad ng pamasahe. wahaha. pasensya na sa mga drayber na di ko nababayaran. makakalimutan kasi ako..

naging maayos naman ang linggong ito. gumugising ako ng maaga para hindi mahuli sa duty. pero nung inakala ko na male-late na ko, ako pa rin ang pinakamaagang pumasok.hwahaha!!!

nalulungkot ako para sa yo. siguro ako ganon din na merong dinaramdam pero hindi ko lang pinapansin. ilang beses mo na din ako sinabihan na magpakunsulta nuon pero hindi ko ginagawa. hinahayaan ko lang. kaya masasabi kong manhid na ako sa lahat ng bagay. ayoko kasi matuklasan kung ano man yun. dahil wala rin naman ako pakielam.

sana malagpasan mo ang yugtong ito. ipinapangako kong kasama mo ako kahit ano pa ang mangyari. and i love hanging out with you.

Wednesday, October 31, 2007

koprehensiv

nung bata pa ako mahilig ako maglaro ng tau - tauhan. wala ako kasama sa paglalaro nito. ayoko kasi maging kalaro nuon ang mga kapatid ko. kasi dinadaya nila ako. ayun. kahit anung bagay ginagawa kong tau - tauhan sa kwentong ginagaya ko lang sa mga napapanuod ko sa tv. tapos binabago ko yung boses ko. boses bata at nagboboses matanda din ako. astig!

...

ngayong matanda na ako,aba yung kapatid kong 4 years old naman yung ganon. dahil sya na lang yung nag - iisang bata sa pamilya, wala na talaga syang kalaro. hindi namin sya pinapalabas ng bahay kasi meh sakit sya. naaawa ako kasi kapag meh mga bata sa labas, sumisilip lang sya sa screen na pinto namin. tapos kanina naglalaro sya mag - isa ng tau - tauhan gamit yung mga bote ng gamot nya at vitamins. parang natatawa ako at naaawa. natatawa ako kasi naaalala ko yung ako nung bata pa ako. naaawa ako kasi mag - isa lang sya. at tulad ko masasanay din syang mag - isa at di kelangan ng iba paglaki nya. loner.

...

kanina ay nagkaroon kami ng meeting sa skul. ito si april, pwede naman pala umattend ng hindi naka - uniform, ni - txt pa ko na kelangan daw na naka - uniform..badtrip at umulan pa at naputikan ang unipormeng puti pero ayos lang kasi hindi lang naman ako yung nag - iisang naka - uniporme. pati din sya. dalawa lang kami pero at least meh kasama ako sa mga ganong sitwasyon. kung hindi kasi, at nalaman ko na pinagtripan lang pala nila ako, ay maaaring umuwi na lang ako sa bahay. buti nalang at hindi. kasi baka kung umuwi ako, ehdi hindi ko nalaman na sa Philippine Heart Center ako makduduty para sa senior internship ko. bwahaha. kasama ko pa si april. dun kami makduduty for 5 months. balita ko wala masyado pasyente dun kaya ayos. at puro chest x - ray ang mga kadalasang request. ayos.

...

HAPI HALUWEEN!!! :o)

ngayong sasapit ang undas. tayo'y magnilay nilay at ipagdiwang ang araw nila. wag natin sila paglaruan tulad ng paglalaro ng spirit of the glass. igalang natin sila. tama!

Monday, October 22, 2007

accident prone

kapag ganitong wala akong magawa, mas gumagana ang utak ko. madami akong naiisip sa loob ng apat na sulok ng kwartong magulo. nakakagulo din sa pag-iisip ang magulo.

sa wakas natapos na ko magpa-enroll. iyon na ang huling page-enroll ko eskwela na iyon. at sa wakas senior intern na ako. bago pa ako makapag-enroll ay meh aksidente pang nangyari gawa ng katangahan ko. kasi pagbaba ko ng jip, hindi ko napansin ang isang bisekletang mabilis ang takbo na pasalubong sa akin. at ganun na nga ang nangyari. binagga ko sya. at tumalsik yung lalakeng nakasakay sa bisekleta. nagkaroon ako ng mga pasa sa tuhod at braso dahil sa lakas ng impact ng pagkakabanggaan namin ng bisekleta nya. dahil nga tumalsik sya tinulungan ko sya tumayo at yung bisekleta nya at pumasok na ko sa skul. sobrang gulat ako pagpasok ko ng skul. dahil dun sa nangyari. kinuha ko yung cp ko kasi tatawagan ko si ralph kasi sabay kami kakain ng lunch. pero patay ang cp dahil siguro dun sa pagkabangga. natamaan. buti na lang nagawaan ko ng paraan at napagana ko pa ulit. astig. natawagan ko sya at habang kausap ko sya ay umiiyak ako. hindi ko alam kung bakit. siguro kinabahan ako. dumating naman sya agad. tapos kumain na kami. he he he..

dahil wala talaga ako magawa, in-edit ko ang larawang ito..

larawang walang kupas.........


sablay ako a. reyna ng sablay. likas na accident prone at palaging bumabangga sa kung saan. nauuntog maging sa kisame ng fx na sinasakyan ko pauwi. dapat na siguro magbago. kumilos ng hindi makakasagi at makakapangdamay ng ibang tao.

Sunday, October 21, 2007

extraordinary..

I was a bay tree
Quiet and unseen
I lived in stories but inside I kept a mystery
I was a starling
Nobody's darling
Flying in perfect circles just for company

And now I'm ready
And now I'm ready
And now I'm ready to be extraordinary

A midnight airplane
A window blowing
I know I am another sparkle in the sky
I shine on copper
Still undiscovered
But you might see me in the corner of your eye

And now I'm ready
And now I'm ready
And now I'm ready to be extraordinary

Waking up to wake up someday
I am my own parade
Stopping off at a sidewalk cafe
Wind is playing in the trees
Kick up confetti leaves
Seems as if it's all to say

And now I'm ready
And now I'm ready
And now I'm ready to be extraordinary

And now I'm ready
And now I'm ready
And now I'm ready to be extraordinary



Amanda "Mandy" Leigh Moore (born April 10, 1984) is an American pop singer, songwriter and actress. She grew up in Florida and came to fame as a teenager in the early 2000s, after the release of her teen-oriented pop albums So Real, I Wanna Be with You, and Mandy Moore. Moore has branched out into a film career, starring in 2002's A Walk to Remember and later appearing in the lead roles of other movies also aimed at teenage audiences. Two of her later films, American Dreamz and Saved!, were satires in which Moore portrayed darker characters than in her previous roles. Moore's private life, including her relationships with tennis player Andy Roddick and actors Wilmer Valderrama and Zach Braff, has been much discussed in the media. Moore's fifth album, Wild Hope, was released in 2007.

Moore was born in Nashua, New Hampshire, to Stacy (a former newspaper reporter) and Don Moore (a pilot for American Airlines). She has Irish and Cherokee heritage on her father's side, and Jewish and English heritage on her mother's side. Moore has two brothers, Scott and Kyle; she grew up in Altamonte Springs, Florida, outside of Orlando, moving there shortly after her birth because of her father's job. She was raised in the Catholic religion (although she is no longer a practicing Catholic) and attended Bishop Moore High School, a Catholic school in Orlando, as well as Lake Brantley High School in Altamonte Springs.

Moore's interest in singing grew after seeing the musical Oklahoma!; she was also encouraged to perform by her maternal grandmother, who was her inspiration.Some of Moore's first public exposure occurred when she sang the national anthem at several Florida sporting events. She subsequently came to the attention of the head of A&R at Epic Records after his friend, a FedEx employee, overheard her as she sang at a recording studio. She was then signed to a record deal with the label.


asteeg!

Saturday, October 6, 2007

suddenly..





kanina hinatid ko sya sa bus terminal sa buendia. pauwi kasi sya sa laguna. first time ko ginawa yun. nakakatuwa. kasi sya yung madalas na naghahatid sa 'kin sa sakayan tuwing pauwi ako taz ngayon naisip ko na sya naman yung ihahatid ko sa sakayan. ang pakiramdam e parang gusto ko nalang sumama sa kanya he he he. ayos naman. para pa ngang ayoko pa umalis dun sa sakayan hanggat hindi pa umaalis yung bus na naghihintay pa ng mga pasahero. tulad ng ginagawa nya. yung hindi umaalis sa kinatatayuan hanggat natatanaw pa habang paalis. sobrang nakakatuwa yung ganon. aliw talaga. sobrang nakakatats..

yey natapos na ang kontrata sa east avenue medical center. kaya lang babalik pa ko bukas para sa huling lecture at exam. after nun, mage-enroll na ko para sa senior internship. senior na ko bwahaha!!

hindi ko pa masyadong alam kung saan ba talaga ako magsisenior. kahit saan basta sa private o semi-private na hospital naman. sa ust o sa philippine heart center. kapag sa ust, madalas ko sya makakasama. kasi dun sya nagwowork e. madalas ko sya makikita. hindi daw nakakahawak ng pasyente yung mga intern dun, panay observe lang. kapag naman sa heart center, makakasama ko mga kaibigan ko kung mapapag-usapan na dun na nga mag-iintern. makakahawak daw dun ng pasyente at hindi puro observe lang. mas astig siguro sa heart at medyo malapit lapit pa sa bahay namin..

dalawang magkasunod na araw kami nagkasama. kahapon at nung isang araw. pero ngayon pa lang, nami-miss ko na sya.. nami-miss ko sya kahit na nakatingin na ko sa kanya. taz napapatingin ako sa kawalan. habang iniisip ang mga masasayang alaala nuon. na parang nauulit lang pero mapapansin ko na mas masaya yung ngayon. kasi kapag nagkakasama ko sya, parang ambilis ng oras. kasi ayaw pa dapat mag-uwian pero kailangan na. at mananabik nanaman para sa araw ng muling pagkikita. half a year pa lang kami pero pakiramdam namin, sobrang tagal na..

para sa mga nagdaang panahon ng pagkawala sa sarili para lamang sa 'yo..
 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo