Saturday, August 2, 2008

tulog

ang pagtulog ay isang paraan ng pamamahinga. bukod sa pagbabasa habang nagrerelax. kulang ako sa tulog kaya lagi ako pagod. umuuwi ako ng bahay ng gabi na. kasi bilang isang trainee na gustong makapagtrabaho ay nagpapapansin ako ng husto. haha

kaya kulang pa sa dapat ng 9 na oras na pagtulog ko.

marunong na ko mag-ultrasound. Ü

kaya kasi ako nag-oovertime ay para magpractice nun. ini-scan ko yung mga radtech dun sa pinagti-training-an ko. haha. ambait nga nila kasi pumapayag sila na pagpraktisan ko sila haha. kaya ngayon, marunong na ko. Ü magi-scan na ko ng mga patients kapag ss tuwing hapon. Ü para lalo pa ko matuto. hehe

kaya lang dahil dun, late na ko nakakauwi ng bahay. tapos antagal ko parin matulog kahit inaantok nako. ewan ko kung bakit. andami kong kaepalan. kaya ayon, sa umaga laging wasted kasi nga inaantok pa ko. ambagal bagal ko kumilos, di ko namamalayan na mali-late na pala ako. buti na lang di pa nangyayari yun.haha

kaya gustong gusto ko kapag weekends. nakakatulog ako hanggang sa hapon. haha

Wednesday, July 30, 2008

red head posporo

nakakaaliw yung ginagawa kong pagtingin sa malayo. kasi di ko namamalayan na lumalagpas na pala ako. haha kaya ayun, nakarating ako sa malayo. natuklasan ko na pwede pala ako dun dumaan haha.

nakakatuwa lang kasi nakatuklas ako ng bagong gagawin kapag hindi ko na alam gagawin ko hehe.

patungkol sa red head, uso ngayon ang makulay na buhok. popular ang pula. meron yung pula talaga at meron din yung pumupula lang tuwing nasisinagan ng sikat ng araw o naliliwanagan. kundi pa mangyayari yun, hindi mo pa makikita na kulay pula pala yung buhok nya haha. meron din highlights na red lang. haha. sabi pa nila, emo daw yung ganon. ang masasabi ko naman, lahat ng art ay maganda. pangit man sa paningin ng iba, para sa 'kin maganda pa rin. kapag pangit naman para sa 'kin, siguradong maganda yun parA sa iba. at bawat art meh ipinapakitang kahulugan. kapag red, di ba kakulay yun ng blood. so siguro kaya sya naiiugnay sa pagiging emo. hehe

walang sense.

Thursday, July 24, 2008

masanay na muling nag-iisa

sa dinami dami ng makakasama sa pagtatarbahuhan yun pang meh gusto sa'yo nung nagdu-duty ka noong senior internship mo kasi co-intern mo sya. haha. pano na ko nyan. baka lang kasi pag-initan nya ko kasi tinanggihan mo sya noon. baka akalain nya dahil sa 'kin pa yun kaya mo ginawa mo. nalulungkot ako. bakit kahit saan ako mapunta laging ganon. laging merong meh kaugnayan sa'yo. hehe. napapaisip ako ng malalim sa mga ganoong bagay. bigla na lang natitigilan ng hindi namamalayan. hahanap ng dahilan para lang maiwasan. lagi sya nakangiti sa 'kin. pero what if na lang kung kapag nakatalikod ako hindi na pala ganon. duh!

papayat kaya ako ng husto sa loob ng 25 days. sana...

gumigising ako ng maaga para hwag ma-late. kaya lng sobrang aga ko naman dumating. sarado pa pala. he he.

mag-isa na lang ako ngayon. wala na kong kaibigan. sana maging katulad ulit ng dati ang buhay ko. nami-miss ko na...

para akong nanghihinayang. kasi hindi ko masyado pinapansin yung mga ganong pagkakataon noon kasi akala ko hindi na magbabago. akala ko hindi na mawawala. pero hindi pala ganon. mali ang akala ko...

bumabalik ako sa umpisa. mag-isa. nanaman.

Saturday, July 19, 2008

nail cutter

malapit na oath taking namin. bwahaha. makukuha ko na license ko.
yehey!

sa lunes na ako mag-uumpisa sa in-apply-an ko bilang trainee. grabe tatlong beses o apat din yata ako nagpabalik-balik dun.

nung una nagpasa ako ng resume. kasama ko nun si princess kami dalawa sabay nag-pass. tapos sinabihan kami nung masungit na babae sa HR na tatawagan na lang kami. kaya umuwi na kami. akala ko matagal bago tumawag pero nung hapon din ng araw na yun, tinawagan din ako. haha. pero si ces hindi tinawagan. haha, sabi pa nawala daw yung resume nya. pero tinawagan din naman sya nung isa din nya pinasahan ng resume kaya ayos lang. at nauna pa sya magkatarbaho sa 'kin ngayon, ako sa lunes pa haha.

nung ikalawa kong balik, para sa interview at exam. dalawa ang interview, initial at final. sa initial interview, yung hr manager yung umusisa sa 'kin. tinatanong nya ko ng madaming tanong. tapos kapag nasagot ko na yung tanong nya, humuhiling pa sya ng iba pang sagot. ang weird. tapos pag wala na kong masagot, sya na yung sumasagot sa sarili nyang tanong haha. nung tinanong nya ko kung ano ang weakness ko, sabi ko,
my weaknesses are interviews like this hehe..
tapos sabi nya ha? e pano na blah blah di ko na maalala hehe. kinahapunan, interview naman w/ VP. mas madali sya kausap kesa dun sa manager. sya ang nagsabi na magstart na ko next week.

sa ikatlong balik, pa-medical na. ang mahal dun magpamedical pero buti na lang may discount na 60 percent. binawasan pa nila yung kakaunti kong dugo. kumain kami ng madami at mahal sa picha hut para makatae. pero hindi pa rin ako natae. kaya umuwi na lang ako at nagpasyang sa bahay na dumumi para sa fecalysis. mas madaling masuka kesa sa matae.

ikaapat na araw, nagpasa naman ako ng requirement. ayos kumpleto ako haha. pagkatapos ako kausapin ni training officer, pinauwi na nya ako.

sana naman maging ok ako dun. sana hindi nila ako awayin. haha

hindi na ko magiging childish. kasi matanda na ko. haha

sa nailcutter na ito magsisimula ang lahat...

Wednesday, July 16, 2008

ralphina

ang mga kamukha ni ralph. the guy i really love.





naks! hehe sikat..

Wednesday, July 9, 2008

kulog at attire ni hwang lee

wahaha kalyado na ang paa ko kakahanap ng tarbaho. ang saya. bukas mage-exam nanaman ako at interview pagkatapos nun hintay ulit ng tawag mula naman sa iba pang hospital. sana tanggapin nila ako lahat para magtatarbaho ako 24 oras. yung mga shift ng 6-2, tapos sa isang hospital 2-10 naman, tapos 10-6 sa isa pa. hahaha sugapa. gusto ko ng maraming pera ko na sarili para pambili ng mga pagkain at dvd na 28 in 1 na puro horror at korean movies na comedy at romantic na pinagsama sa iisang disc lang. bwahaha astig. dvd marathon. sabi ng nanay ko buti pa daw pag mag-isa lang sya sa bahay namin wala daw gumaganang kuryente. haha. minsan lang naman ako manood tuwing hapon lang. haha

maaga ako matutulog para hindi mukhang sabog at wasted sa interview daw kaya pinagko - corporate attire ako. ano ba yung corporate attire magkaiba pa ba sila ni business attire. ang dami pa lang attire. nakakalito. pauso ko lang si hwang lee. kumukulog kanina at kumikidlat ng malakas. nagising tuloy ako sa masarap kong pagtulog. groggy..
 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo