Sunday, October 5, 2008

huwad

lahat ng bagay ay nagbabago. kasi madali lang daw magsawa. may iba-ibang sitwasyon ang nagaganap. nagbabago ang tao dahil sa pera. naiinis sya kapag wala na syang pera. kasi hindi na nya mabili ang mga gusto nya. at natututo syang makisama. dahil meh kailangan sya. pera.

sabi ng kaibigan ko, itinuturing ko na syang kaibigan kahit nung isang araw ko lang sya nakasama, kung gusto may paraan kung ayaw may dahilan. kaya gagawin nya lahat makuha lang ang gusto nya pero wala syang gagawin kung wala naman talaga syang pakielam.

ang tao ay hindi isang bagay. dahil tao sya. at handa syang magbago para sa isang bagay.

Wednesday, September 10, 2008

shared

natutuwa si juvil kapag nililibre sya. haha. masaya sya kapag madaming kasama na magtatago sa kanya. kapag magisa lang kasi sya parang wala syang buhay. nagsusumigaw ang katotohanang duwag sya.

Saturday, September 6, 2008

buhay pa.

dahil sa traumang naranasan. naisip ni juvil na hindi na muling bumalik pa sa nauna. sobra syang nasaktan sa mga nangyari. ang mga salitang binitiwan ng isang taong hindi naman talaga nakakakilala sa kanya at walang kaugnayan. minsan pa nga lang silang nagkakasama. ganon ba talaga. sa kaunting panahon lang, mga sandaling araw. masasabi na ba agad.

pero nagawa nya. meh mga tao pala talagang ganon. walang konsiderasyon. hindi ko naman hinihiling na maging bahagi ng mundo nila. hindi ako nakarinig ng magagandang salita mula sa kanila. hindi na ko maghihintay. hindi na ako aasa. hindi ko na iisipin pa. ang mga ginawa kong katangahan para sa kanila. hindi ako humingi ng kapalit. wala naman kasi talaga akong kwenta. siguro nga tama yung mga sinabi nya. hindi ako nararapat sa mundo nila.

anyways, mabuti na siguro ang ganon. isang masamang karanasan na hindi makakalimutan. sana hindi na ulit yun mangyari sa isang katulad ko. na mahina at hindi matatag. sobrang na-down. walang kalaban laban. mabuti nalang natapos na. hindi na ko babalik dun. sa buong buhay ko noon lang ako nakaranas ng ganong salita mula sa isang taong kinikilala ko na mabait pero hindi naman pala talaga. mga taong sobrang bilib sa sarili nila. oo magaling sila lahat. hahaha.

hindi naman ako nagsisisi. kasi sa kaunting panahon na itinagal ko dun, madami naman ako natutunan. yun na lang ang maganda dun. at yung mga taong naging malapit sa 'kin. naging masaya akong nakasama ko sila..

muntik na ko maglaslas ulit..

Tuesday, August 26, 2008

his family

nagpunta kami sa batangas upang tugunan ang imbitasyon ng aming matalik na kaibigan. sya daw kasi ay magpapainom. agad kami ni princess ay nag-usap para sa aming kitaan. aming napag-usapan ang 7eleven sa espanya sa kanto ng dela fuente st. ang usapan namin ay 4am ang kitaan pero dumating ako ng alas 5am. haha. delayed kasi ako palagi ng isang oras. kasama si ralph ay nagpunta agad kami sa buendia kung saan meh terminal ng bus patungo sa aming pupuntahan. sa aming paglalakbay, mabilis ang byahe. agad kami nakarating ng wala pang tatlong oras na aming inasahan. dahil sa maaga naming pag-alis ay wala pang trapik sa SLEX. pagdating namin sa bahay nila jm, ay naroon na din ang iba pa naming kasama. hindi ko sila na-litratuhan dahilan sa ayaw nila kaya yung mga kasama ko na lang sila princess at ralph...



nakainom na si princess kaya mejo bangag na sya. pagkatapos naming mananghalian nagsimula ang inuman. kami lang tatlo ang uminom kasi nag-inuman na daw sila nang nakaraang gabi nung kami ay wala.

naidlip kami sandali dahil ubos na ang alak. si ralph naman nakatulog habang nanunuod ng laro ng spain vs US na basketball. at syempre US ang panalo. bwahaha

alas singko ng hapon umalis kami kila jm. meh duty pa kasi sila kaya lumuwas na sila. ako naman ay sumama kay ralph sa bahay nila sa laguna. nakilala ko ang ilan sa kanyang mga kamag-anak. yung pinsan nya, na mami ni Dwayne, yung madaldal nyang pamangkin. nakakatuwa sya kasi 2 yrs old pa lang sya pero madaldal at nakikipaglaro sa 'kin. ang bait ng pamilya nya sa 'kin kasi inasikaso nila ako. sa isang araw na pananatili ko sa bahay nila ay nami-miss ko na sila ngayon. nagluto pa yung dadi nya ng paborito kong kare kare kaya natutuwa talaga ako.

sana nga makabalik pa ko dun sa bahay nila. para makasama kong muli ang pamilya nya.

Saturday, August 9, 2008

am i going or not.

hindi ako mahilig magdesisyon. ayoko na ginagawa yun parati. lalo na kapag yung meh kinalaman sa magiging hinaharap ng buong mundo ko. kasi mahilig ako magsisi. mahilig akong sisihin ang sarili ko kung bakit ganito na lang yung kinalabasan ng lahat. parati kong ginagawa yun. lalo na kapag yung nangyari talaga ay wala sa hinagap ko na mangyayari. tunay ngang nasa huli parati ang pagsisisi.

nahihirapan na nga ako sa ginagawa ko pero sabi naman nila ganon talaga. sa ganong pamamaraan nag-uumpisa ang lahat. kailangan muna maghirap bago maabot ang gusto. kung gusto mo ang isang bagay, dapat mo muna itong paghirapan. pareho lang yun. pinaulit ulit ko lang para di ko makalimutan. pero nung umpisa kasi sinabi ko lang sa sarili ko na susubukan ko lang. di ko akalain na magiging ganon. hindi ako nagsisisi. mejo lang. kasi bigla na lang meh nagtxt sa 'kin na sa hospital nila nangangailangan sila ng radtech na katulad ko at nagmamadali sila. at gusto nya ko na magtrain na dun. at makakapasok daw ako dun dahil tutulungan nya ko. isa nga iyong pagkakataon. siguro hindi ko na kailangan maghirap ng katulad ngayon doon. kasi sabi nya
naman tutulungan nya daw ako. daw..

dati na ko nag-intern dun kaya kilala ko na yung mga tao dun at kilala na din siguro nila ako dahil sa loob ng limang buwan ko sila nakatrabaho nung nag-aaral pa ako. di katulad ngayon na muli ako nakikisama at nakikipagkilala. bagong mundo.

hanggang ngayon di pa rin ako nakakapagdesisyon. sa ngayon, hihintayin ko na lang muna yung kakalabasan ng pagti-training ko sa st.lukes medical center. bago ako mag-isip ulit na bumalik sa philippine heart center.

Saturday, August 2, 2008

tulog

ang pagtulog ay isang paraan ng pamamahinga. bukod sa pagbabasa habang nagrerelax. kulang ako sa tulog kaya lagi ako pagod. umuuwi ako ng bahay ng gabi na. kasi bilang isang trainee na gustong makapagtrabaho ay nagpapapansin ako ng husto. haha

kaya kulang pa sa dapat ng 9 na oras na pagtulog ko.

marunong na ko mag-ultrasound. Ü

kaya kasi ako nag-oovertime ay para magpractice nun. ini-scan ko yung mga radtech dun sa pinagti-training-an ko. haha. ambait nga nila kasi pumapayag sila na pagpraktisan ko sila haha. kaya ngayon, marunong na ko. Ü magi-scan na ko ng mga patients kapag ss tuwing hapon. Ü para lalo pa ko matuto. hehe

kaya lang dahil dun, late na ko nakakauwi ng bahay. tapos antagal ko parin matulog kahit inaantok nako. ewan ko kung bakit. andami kong kaepalan. kaya ayon, sa umaga laging wasted kasi nga inaantok pa ko. ambagal bagal ko kumilos, di ko namamalayan na mali-late na pala ako. buti na lang di pa nangyayari yun.haha

kaya gustong gusto ko kapag weekends. nakakatulog ako hanggang sa hapon. haha

 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo