Monday, April 20, 2009

mere-ly

pagkatapos ng mahabang panahon, muli kami nagsama. yung mga kaibigan ko nung first year college pa ako. yung mga naging first friends ko sa college. nagsama sama kami para i-celebrate ang kaarawan ni Ellen. kasama namin yung mga anak nila si Jaren kay Tashe at si Ehren kay Ellen. mga inaanak ko sila pareho. nakakalungkot nga e kasi wala ako gift kay Jaren.. nag-bless pa naman sya sa 'kin.. di ko kasi naisip agad eh.. tsaka wala din ako masyado pera kasi hindi pa ko sumusweldo ngayon. nahiya tuloy ako. wala akong kwentang ninang sa inaanak ko. anyway, ang hirap pala magpalaki ng anak. si Ehren isang taon at kalahating gulang pa lang, kaya mahirap alagaan. hindi alam ni Ellen minsan kung ano gagawin. nakikita ko si Ellen na pagod na sya pero iniintindi nya pa rin ang anak nya. choice nya kasi yun. buti na lang si Jaren 4 years old na hindi na nahihirapan si Tashe.

niaasar nila ako kung gugustuhin ko pa ba daw magkaroon ng anak. haha. natawa na lang ako. at sinabi ko na kung ganyan din lang, siguro hindi na lang. pero hindi naman ako seryoso tungkol dun. syempre gusto ko din magkaroon ng sriling pamilya. pero bago yun, mage-enjoy muna ako sa buhay na walang hinaharap na responsibilidad.

hindi pa rin ako nakakapag-rehistro para sa eleksyon. nagbabayad ako ng buwis pero hindi naman ako bumuboto. haha sa wednesday nalang ako magpapatala.

ambilis ng oras. araw araw hindi nagbago. nag-iiba lang ang mga taong nakakasama at nakakasalamuha.

sarap mag-foodtrip. lechong sisig sarap..Ü

Wednesday, April 1, 2009

my reply

nagtitipid ako kaya naglalakad lang ako dati kapag papunta sa skul. sa espanya. kaso lang, meh nakikita akong pagkain tapos napapabili ako. ganon din.. yung pamasahe ko sana eh naipambili ko ng pagkain na tinitipid ko sana. sana.

sana estudyante ulit ako. para nanghihingi lang ako lagi ng pera sa tatay ko. tapos sesermunan nya ko na magtipid ako, direcho uwi wag papagabi. ngayon kasi wala na sya pakielam sa buhay ko. pag umaalis ako ok lang sa kanya. hindi na nya ako pinipigilan. dati kasi tumatakas ako para lang makapunta sa gig kasi di nya ko pinapayagan. tapos pag-uwi ko gulpi abot ko sa kanya. nakaka-miss din..

nung college may kaklase ako sa isang subject. Panitikang Pilipino. katabi ko sya. tinanong nya kami ni ellen kung marunong kami mag-keyboard. o organ. kasi bubuo daw sya ng banda. kaya kailangan nya ng marunong tumugtog ng keyboard. sabi ni ellen..
"si juvil marunong, yung twinkle, twinkle little star haha!".
sabi ko..
"pati yung are you sleeping brother john. hehe"
tawa lang sya ng tawa haha. ang cute nya. kras ko sya dati eh. kaya lang lagi sya absent. pero pumapasok sya kapag may exam. at pumapasa sya. husay! nagma-magic.

tropa sya ni ralph. ka-banda nya. hindi ko na sya kras ngayon. hahaha

para makatipid, lagi ako nagpapalibre. libreng yosi, libreng softdrink, libreng palabok. ang galing. salamat sa mga mabubuting kaibigan na nanlilibre sa 'kin. nami-miss ko na sila. yung isa nasa amerika na. yung isa, magreresign na sa trabaho at mag-aasawa na. ang kulit. yung isa pa malapit na manganak. at yung isa pa, pupunta na sa singapore ngayong april. ang galing nga eh, nakakuha agad sya ng passport. at hindi daw sya pumila kasi government employee daw sya. ayos. sana nag-apply din pala ako dati sa pgh para naging government employee din ako.

nakakamiss.

ok..

anung ok?

wala lang.

ang labo mo.

Monday, March 30, 2009

ube

sa wakas nagkaroon ako ng dalawang araw na off na magkasunod. kaya naman nai-celebrate ang "2nd year anniversary".

ang Baguio. sobrang lamig habang naliligo. haha. kaya nakakatamad maligo dun. may heater di naman gumagana. bulok! kahit sinarado na namin buong kwarto para di makapasok yung lamig, malamig pa rin. sarap..

meh nag-alok sa 'kin na ii-sketch nya portrait ko sa botanical garden. 15 minutes lang daw. hindi ako pumayag. kasi 15 minutes ako hindi dapat gumalaw. kakangalay yun... mahuhusay sila magpinta. bilang isang frustrated na pintor, ang masasabi ko lang. magyosi tayo habang nagpi-painting.

sa mines view, andaming bading. nakakatawa yung bading na nagsuot nung native na costume ng mga igorot. meron kasi dun, 10 pesos yung bayad kapag magpapalitrato ka suot yun. hehe. wala kasi sya ginawa kundi humiga sa bato at picture-an yung sarili nya. adik. buti hindi sya gumulong pababa ng Baguio.,

nag-wish ulit ako dun sa wishing pool sa mines view. ganon pa rin. sana makabalik ulit ako sa Baguio. haha. ganon pa rin pati yung view. pero sa pagkakataong yon, hindi foggy. tamang tama lang ang lahat.

sumakay kami sa bangka. mejo na-badtrip pa nga ako sa kanya kasi gusto nya sya lang lagi mag-sagwal. gusto ko din kaya.

yung bahay namin malapit lang sa session road. malapit lang din sa sm baguio. malapit lang din sa burnham park.

todo walkathon.

syempre hindi mawawala ang ube jam mula sa good sheperd. at silver na singsing. at gulay. at strawberry. ukay-ukay. peanut brittle. 6 hours na byahe.

ang saya. adventure. akyat baba. yosi.

damn!

Thursday, March 5, 2009

ikot

sa lahat ng nangyayari isa lang ang masasabi ko. tadhana yun. sino makapagsasabi na makikita ko sya ng hindi sinasadya. ng wala ring dahilan. malaki na ang ipinag-iba nya sa personal. nakikita ko lang kasi sya sa mga larawan. sa internet. hindi nya naman ako pinansin eh.. siguro hindi nya lang ako nakita. haha.

minsan naiisip ko na dapat gawin ko na lang ang lahat. para hindi ko maisip na hindi ko kasi ginawa yung best ko kaya nangyayari ang mga kabiguan ko sa buhay. para sa bandang huli ay wala akong pagsisihan.

nanalo ako sa raffle. haha. ito ang kauna-unahang pagkakataon sa buong buhay ko na may napanalunan ako. ngayon lang din kasi ako sumali. haha. nung una wala lang sa'min yung pag-fill up ng mga coupon at paghulog nito sa dropbox. siguro tataya na din ako sa lotto mula ngayon.

swerte daw ako ka-duty sabi nung isang ka-trabaho ko. kasi daw lagi meh nagbibigay ng pagkain o maliit na halaga na pasyente sa 'min kapag ka-duty nya ko. nakakainis nga eh. kasi ayoko talaga tanggapin pero makulit yung pasyente. hay. tuwang tuwa naman yung kasama ko. ako naman nakokonsensya kasi feeling ko masama talaga tumanggap ng gift o kahit na ano mula sa pasyente sabi nila. pero sabi naman ni sir, dahil daw yun sa good service namin kaya sila nagbibigay. habang kumakain ng cookies na malaki na gawa ng seattle's best mula sa pasyente. haha

gusto ko ng tsinelas. kaya lang out of stock yung gusto ko na disenyo. kaya hindi na muna ako lalabas ng bahay. kasi wala pa ako tsinelas. mag-shoes na lang ako.

dati, sumali ako sa poster making sa school. on the spot yun at time pressure. dahil na-pressure ako ng time, naubos na ang time, hindi ko pa rin naiisip yung gusto kong disenyo ng gagawin kong poster. syempre wala ako premyo.

off ko ngayon, bukas trabaho nanaman. good news hindi na ko panggabi. pang-umaga na ko haha. mas marami ako mapapanuod na dvd. sa pag-uwi ko.

sa lahat ng oras. isa lang ang ipinagdadasal ko. sana maging maayos na ang lahat.

magulo. basta yun na yon..

ang totem pole ay isang pole ng mga indian. basta ginawa namin yun nung grade 4 kami. nagmolde kami ng kahit ano gamit ang clay at tinuhog namin sa stick ng barbecue. maganda naman.

Friday, February 27, 2009

music

Birthday na pala ng papa ko ngayon.salamat sa wi fi dito sa hostipal, nakapag-log in akong muli sa aking blog. muli ko ipagpapatuloy mamaya ang aking ginagawa. ngayon ay kakain muna ako.

Tuesday, February 3, 2009

february

ang bilis ng panahon. february na..

oo nga hehe ibig sabihin?..

march na next month! anniversary na ulit.

hindi, valentines day pa muna..

ahh..ok..


bwahaha


february na...U.P fair nanaman. shawarma day everynight. at tsubibo, yung maliit na ferris wheel. hehe. kaya lang hindi ako makakapunta kasi night duty ako ngayong buong feb. makakapunta pala ako sa feb 13 kasi off ako hahaha. ok na yun kesa hindi ko matikman man lang ang shawarma. at iba pang fudtrip. habang nanunuod ng tumutugtog na paboritong banda.

mahilig ako sa bata. lapitin din ako ng mga bata. pero ayoko pa magkaanak. haha. kasi gusto ko pa maranasan yung mga bagay na hindi ko pa nagagawa. kapag siguro nakapunta na ko sa abroad, sa hongkong, sa singapore, sa china, sa australia o sa russia ok na. kapag nakapagtrabaho na ko sa mga lugar na yun. babalik ako sa pilipinas at saka muli tatambay. haha.

gusto ko din mapuntahan ang bayang sinilangan ni edward anthony masen cullen.


madami pa ko gusto gawin. at mapuntahan. bago ang lahat. bago ako manahimik.
 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo