Sunday, October 31, 2010

worth

I almost forgot that I actually have a blog. I got concentrated to much with my work and forgot about myself. except from being busy with facebook, I also have been into tumblr. and that was where I've been posting my photos. and I updated it more than this blog.

kahit ganon namimiss ko pa rin ang blog ko na to. kahit paminsan minsan na lang ako mag-update nito, hindi ko pa rin to magagawang iwan at burahin na lang. nagsimula ako dito at nagpatuloy pa. matagal tagal na rin. nakapagpalit na nga ng boyfriend. hehe.

madami na nangyari simula nung huli. buti nagkaroon muli ng oras. off ko kasi ang linggo at bukas (Monday) ay november 1 at legal holiday ay wala rin akong pasok. kaya nakapagblog na muli. nung nakaraang buwan ng August ay napadpad nga pala ako muli sa Singapore. Muli ako nakalaboy at nakanood pa ng tugtugan ng Chicosci sa meh Esplanade. doon ko nakilala ang bandang an honest mistake. nagustuhan ko ang tugtugan nila. emo. depende sa mood ko nun. habang naririnig sila. mula sila sa bansang Malaysia. muntik na ko makapunta dun kung di lang ako nasermonan ng tita ko nun. kasi lagi daw ako wala at uuwi na pala daw ako sa Pinas di pa nila ako nakakasama. matampuhin sya minsan. nagagalit din sya kapag di mo sya pinapansin. istrikta. kailangan yung ginagawa mo alam nya at makabuluhan. isang sakay sa bus lang ang pagpunta sa Malaysia kapag nasa Singapore ka.

nakakain ulit ako ng chicken rice. yung pagkain na madalas ko kinakain dun. pwede ka mamili at sabihin kay uncle kung steamed o roasted yung gusto mong kainin na chicken. at yung sawsawan nung chicken yung gusto ko. kulay orange sya tapos maanghang. di lasang orange. lasang maanghang lang talaga.

nitong September ay na-rotate na rin ako sa wakas sa ibang section sa trabaho. mula sa xray section ay nasa mammography section na ako ngayon. nalipat ako dun gawa nung nagresign na taga dun dati. ang lungkot din nung nawala sya. isa kasi syang model employee. masakit lang sa bangs yung dahilan ng pag resign nya. dahil lang dun sa ex-bf nya na nagpakasal na. ang masaklap kasi, nagpakasal sa iba yung lalake kahit sila pa at hindi nya alam. ang sama nung lalakeng yun. ang isa pang masaklap ay katrabaho lang sya namin. pero nasa ibang department naman. pero di rin naman maiiwasan na makita mo ang lalakeng nanakit sayo kasi nasa iisang hospital pa rin kayo. kaya siguro mas pinili nyang magresign na lang at mag-abroad. para sa katahimikan.

hay buhay. tsk tsk!

Friday, July 9, 2010

hmm..

4 years ago mga ganitong araw yun siguro kasi di ko na matandaan. Umuulan pero maaraw naman. Mukhang meh kinakasal na kapre. suot ang pangraker na get up. Naka eyeliner ako at itim na eyeshadow. Sabi ng prof ko meron akong uling sa talukap ng mata ko. Bagay sa lips kong maputla. Mukhang zombie. Papunta na ko sa susunod na klase. Nang makita kita. Di pa kita kilala nun. Pero lagi na talaga kita nakikita dun. Mukha kang tanga. Di na kita pinansin. Ilang araw na lang magkakaroon na ng battle of the bands sa school. Todo praktis na yung mga kakilala kong may banda. Wala akong banda kaya hindi ako rocker. Isang araw meh ikinukwento sa akin ang kaibigan ko na crush daw nya. At magaling daw mag gitara. At isang araw nga pinakilala ka nya sa 'kin. Nang minsang sinama nya ko na manuod ng praktis ng banda mo. huh! Ikaw pala yun. At tapos hindi rin tayo naging ganon ka-close. Kasi crush ka ng kaibigan ko. At may boyfriend ako. Hindi kasi ako flirt eh. Pero humanga na ko syo nung napanuod kitang tumutugtog ng gitara at di lang basta gitara kundi bass guitar. Astig. Ang galing. Nung foundation day at halos araw araw na kitang nakakasama tuwing pumapasok ako sa school kasi ikaw una kong nakikita at nalalapitan. Nagkausap tayo tungkol sa mga gigs. At niyaya kita sumama sa kin manuod sa tugtugan ng mga underground na banda. At pumayag ka. At nagustuhan mo pa sila. Ayos. Meh kasama na ko. Di na ko magisa manunuod. Hindi na ko loner. Mula nung dumating ka sa buhay ko. Apir!

Monday, June 21, 2010

;-(

nakakapagod. ang saya gawin pero nakakapagod. pero naging masaya naman. gusto ko ulitin. kahit ako mag-isa lang. mag-isa lang naman talaga ako. kahit kasama ko naman yung pamilya ko pakiramdam ko mag-isa pa rin ako. hindi ko matanggap ang riyalidad. bakit ganon. anung mali ko. naguguluhan ako ng husto. hindi ko na alam gagawin ko sa buhay ko. anak ng tokwa. suko na nga ako! gusto ko nalang umalis. maging libre at magawa ang gusto ko. yung walang taong maninita sa 'kin. yung walang mga taong pagtitinginan ako kasi ganun at ganito yung ginagawa ko. saan kaya yun. masama bang haluin lang yung pintura mix? di ko naman ikakalat eh. hinahalo ko lang para maghalo halo na lahat. tapos ako na lang yung matitira. yehey! solo ko na ang mundo. kung maaari lang sana, bumalik ka na. ikaw na lagi akong sinasamahan sa mga trip kong gawin. ikaw na sinusuportahan ako kahit mali ako. ikaw na lagi akong ginagaya pero hindi ako magaya gaya. kasi hindi mo lang alam, mas higit ka pa sa 'kin. mas magaling yung mga ginagawa mo kesa sa 'kin. paraparaan din. kaya lang humalo ka na sa lahat. kaya naiwan ako dito nag-iisa at walang kasing lungkot. ang tibay mo rin. natitiis mo ko ng ganito. pero ikaw hindi ko matiis. ang hina ko. mahina ako kapag mag-isa lang ako. mahina ako kapag wala ka. hanggang kelan ako maghihintay sa iyo. mahihintay pa nga ba kita o tuluyan na ko mawawalan ng pag-asa at katinuan. mas pipiliin ko na lang ba na mag-isa kahit nagbalik ka na. tulungan nyo ko! tulungan nyo ko... :-(

hindi ko na to gusto. samahan mo na sana akong muli...

Friday, June 18, 2010

noon

ei! bc.

paggising sa muling pagtulog, nakamulatan ang isang bagay na hindi naman dating ginagawa. napapaisip ng malalim hanggang sa mawala at muli nanamang makatulog. sana nga ay muli pang magkita. hindi naman yun inaasahan pero marahil iba na nga ang panahon. wala ring nakakaalam na mangyayari basta basta nalang nagaganap. subalit sa mga pangyayaring yon, mababatid ang pagkauhaw sa atensyon na tuluyan nang nawawalan. hindi naman sa nag-aalangan ngunit wala nang patutunguhan ang ganitong eksena. hindi rin magtatagal ay mangyayari ang hindi inaasahan at mawawalan ng saysay ang bawat paghihirap na dinanas. marami pa naman ang maaaring pagtuunan ng pansin. subalit bakit ganito. hindi na makahanap ng walang kapantay na tulad mo. saan man humantong ang bawat mapagusapan ay iisa lang ang nais ko. mapasaya mo at muling mabalik ang dating gilas mo. noon.

Saturday, May 29, 2010

kasal

lapit na month ng June. Lapit na birthday ko. sana nasa Session Road na ko nun. hehe. ang month rin na ito ang buwan ng mga kasalan. marami ako kakilalang gustong maging June bride. sabi din nila sa dami ng gustong maging June bride ay meh nagpapa - schedule na ng kasal sa mga simbahan ng mas maaga. napupuno daw kasi kaya kahit June next next year pa yung bakante eh nagpapa - schedule na para lang maging June bride. sabi ni Ralph the SINGAPORE BOY, try na daw namin magpakasal next year. ang pagpapakasal ay sadyang pinaghahandaan. kasi once lang ito nangyayari kadalasan sa buhay ng groom at bride. kahit hindi engrande basta meh nangyaring kasal. sabi rin kasi nila kung gaano kaganda yung kasalan na nangyari ay ibig sabihin, katumbas nun yung pagmamahal ng groom sa kanyang bride. well, sabi lang naman nila yun. opinions. ang opinion ko naman, ang kasal ay isang sakramento na nagaganap sa dalawang taong nagmamahalan at gusto na nilang maging magkasama sa habambuhay sa hirap at ginhawa. isa itong seremonya na kailangan muna nilang pagdaanan bago sila nagiging mag-asawa. engrande man o simple lamang. at ito ang magiging simula ng kanilang masayang buhay. sa kasalan pa lang masaya na.

natutuwa ako sa kasal ng pinsan ko. ang cute kasi. eto yung highlight ng kasal nila...


John B and Donabel from Mayad Studios on Vimeo.


ang cool talaga. sana ikasal na rin ako. hahaha! tawa ng tawa gusto ng mag-asawa hehe

Thursday, April 1, 2010

people

There are many kinds of people. There are people who thinks about themselves and other people who thinks about everything around them. And there are people who loves music and loves to draw. There are people who hates music and who don't know how to draw but they love drawings. But there's one person who enjoys being alone. And he is a loner. There is a person who is weird and he is a weirdo. A weirdo is a person who is different. He make things that are unexpected a person could do. Such as freezing a live cat in the freezer until it dies. Keeping a dead body inside a closet, and other weird things. Weirdos are often called as a crazy ones. Because they are not normal in thinking. They have different thoughts that are out of this world. Nowadays, weirdos are everywhere. They might scare you but for them it is just normal. It's what they want to do and it is what they feel. We just have to do a consideration to them. Because still, they are people.
 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo