Friday, August 5, 2011

Sana naman

Sa wakas nakapag off din. Eto ang mga araw na hinihintay ko linggo linggo. Matapos ang limang araw na pagtatrabaho ang dalawang araw na pahinga ang nagpapasaya sa linggo ko kahit papano. Sobrang stress sa trabaho. Mga pasyenteng makulit, supervisor na maarte, kasamahan sa trabaho na sumbungera na gagawan ka ng kwento kahit wala naman ginagawang iba. Sa panahon ngayon, bakit pa meh mga taong ganon. Hindi makuntento kapag di sila nakakapanggulo ng buhay ng tao. Sa paninira na ginagawa nila, hindi lang iisang tao ang naaapektuhan. Kundi ang lahat ng meh kaugnayan sa taong yun. Ang hirap din pala makisama. Kasi meh mga tao na mahusay sa pakikiharap pero pagkatalikod mo marami na masasabi tungkol sayo.

Sana wag na bumagyo next week. Gusto ko makasama ang taong matagal ko ng hindi nakakasama sa buhay kahit dalawang araw lang. Gusto ko maging masaya at hindi magka hassle pag kasama ko na sya. Eto nalang yung mga araw na nandito sya ulit. Kaya kahit isang linggo lang, pagbigyan nyo ko mahabaging Neptune.

Wednesday, August 3, 2011

Pagkain

Mahina ako sa lahat ng bagay. Mabagal ako mag isip. Takot ako magsalita dahil baka meh masabi lang akong hindi maganda. Sa katunayan, wala lang talaga akong gustong gawin. Kahit ang pagkain ay kinatamaran ko na. Pero minsan lang yun. Dahil wala nang mas sasarap pa sa pagkain.
:-)

Tuesday, August 2, 2011

...

August na. Ambilis naman ng oras. Naiiwanan na ako ng panahon. Uhaw ako sa tulog. Masandal tulog. Babalik ka na ulit. Kahit pano makikita at makakasama kang muli. Kahit sandali lang. Masaya ka na ulit...

Sunday, July 17, 2011

Movies done once more

July na pala at panahon na ng Cinemalaya. Kahapon ay aking napanood ang pelikulang hango sa nobelang aking nabasa na isinulat ni sir Eros Atalia na Ligo na ü Lapit na me ang pamagat. Ako ay sobrang natuwa at namangha sa galing at husay ng pagkakagawa nito. Kung anung aliw ko sa pagbabasa ng librong yun noon ay ganon din ang aliw ko habang nanonood. Lahok ang pelikulang ito sa cinemalaya film festival 2011 sa ilalim ng new breed category. Natural ang pag arte nung mga gumanap. Lasap at damang dama ang kurot ng di malayo sa katotohanang pagganap. Hindi ako masyado mahilig manood ng mga pelikulang Pilipino pero mahilig ako manood ng mga indie movies. Masasabi ko kasi na mas mahusay ang mga ito kesa sa puro iyakan at drama. Yung mas totoo at mas makatotohanan. Mas naipapakita ng mga indie films ang tunay na sining at ginagamit nila ang natural na resources sa paligid. Tulad ng mga pagbabahagi nila sa kanilang munting pelikula ang mukha ng tunay na buhay ng ating bansa. At may mga titulo ang mga pelikulang ito na laging nakakaagaw ng atensyon at rekta sa tema ng kwento. Ang susunod na aking papanoorin ay Ang Babae sa Septic Tank. Husay talaga. At sa sabado naman ang screening ng Rakenrol na gawa ni Quark Henares na 4 years yta in the making. Sa wakas.

Matagal pa naman mapi-phase out sa sinehan ang harry potter 7 part 2 kaya tsaka na yun. Isang linggo lang ang Cinemalaya festival.

Sunday, June 26, 2011

*gong

Nakakalungkot ang bawat eksena. wala akong kamalay malay unti unti na pala akong lumulubog. Malapit na akong hindi makahinga. At tuluyan ng mamahinga. Saan ako nagkulang ng ginawa. Nagkamali sa iisang tao na pilit ko namang pinakisamahan kahit wala na kong lakas at panahon na para sa kanya. At dahil dun sa kahahanap nya ng mali sakin, nakahanap sya ng butas na ipanlalaban nya sa akin. Nasira ako sa isang iglap. Nawasak ang aking buong pagkatao. Nalugmok sa pinakailalim ng hukay. Nagiisang hinaharap ang lahat pero hindi na yata kakayanin ng pagal kong katawan ang lahat ng bawat dumarating na sabay sabay akong sinasapol ng palakol. Unti unti na kong nalulusaw. Habang hindi pa ako nawawala, sana ay meron pang sasagip sa nalulunod kong laman. Sana ay may bumuong muli sa akin. Muli akong hubugin. Umaasa ako na sa huling pagkakataon na ito na aking muling ilalaban ang pagod ko nang isipan ay mapanumbalik pa ang nawala ng tiwala sa sarili. Kahit walang dumating na sasagip sa akin ay kakayanin ko pa rin ng nag iisa.

Saturday, June 25, 2011

>:-/

i feel really sad while watching the will time big time. the show is live in Cebu right now. i saw many people around the stage. they really seem to have a hard time. because it is really overcrowded. just to have a chance to get money from the show they all gather. just hoping like that. the host of the show uses money to get that crowd's attention. and the people not aware of the situation they got involved. they only got hurt while squeezing each other. is that what the show really wanted. if I were them I will ask the people to fall in line and give money to each of them. so that not only one man can have money but all and equally. in that way at least they may be all happy. why do they do that. noontime shows. they only want the people to suffer before having the money. why do they want to see the people trying hard to get the prize to be won. and all they do is laugh at them.

 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo