Monday, December 10, 2012

nasaan ang ballpen ko

meron akong kras. all time super kras. grabe. natutunaw ako tuwing nakikita ko sya sa internet. bigla na lang napapangiti at parang lumulutang sa ere. hay sucks! naalala ko nung college meron akong kras. mahaba din ang buhok nya pero lalake sya. makakasalubong ko sya sa yosihan. napatigil ako sa paglalakad at nagtago. ayoko makita nya ko eh nahihiya ako. kaso nakita nya pa rin ako at nakipag apir sakin. gusto ko tumakbo pagkatapos. sobrang mas nakakakaba pa kesa sa pagsakay sa battlestar galactica. yun ang weakness ko. mga lalakeng mahahaba ang buhok. astig galing nila magpahaba ng buhok  eh. idol. isa lang yung hiling ko sana replyan nya ko sa viber. hahaha. talo si pacquiao. masyado nya minaliit si marquez. sya na mismo nagsabi sa unang interview sa kanya na naging overconfident daw sya. marami yung nanghinayang. pero sakin lang, aral na to sa kanya. kasi pansin ko tuwing nananalo sya lalo sya madaming gustong gawin sa buhay. sabi nila naalog daw yung utak nya. kahit pano mas sumikat mga pinoy gawa nya kaya sana OK lang sya matapos nyang ma KO.

Friday, December 7, 2012

niloloko mo ba ako

wow! nadagdagan ako ng follower. lima na sila ngayon. infairness, wala pa rin efffect ang emo emohan kong eksena. effort much yun dahil hindi talaga ako emo dahil emo is gay. hindi ako bakla. lalakeng lalake ako. ganon lang siguro talaga. ano naman pakielam nila sakin kung maging taong grasa ako. actually pangarap ko talaga, maging taong grasa. sinubukan kong huwag maligo ng dalawang buwan. magsuot ng itim na damit at hindi nagsusuklay. mukha lang bagong gising araw araw. hindi ako naging successful kasi hindi ako nagkaroon ng grasa sa katawan. hindi kasi ako lumalabas non. nahihiya kasi ako. hindi kasi ako naliligo nun at pangit ako. hanggang ngayon pangit pa rin. consistent lang. anti social pa rin at super idol si jam bumanlag ng even. hay nako. idol kong rocker, kung alam mo lang lagi ko pinapanood sa youtube mga guitar effects mo at sobrang galing mo. subscriber mo ko at walang pagsidlan ng tuwa at saya tuwing tumitingin ka sa video cam mo para ngumiti. minsan nakikita ko na kumindat ka. nung ni rewind ko, hindi pala. idol............... grabe! ang ganda ng the walking dead. ni-marathon ko yung series nya ng tatlong araw. ihi lang ang pahinga at mabagal na internet connection. yung tipong kakagat na yung zombie tapos patigil tigil kasi nagloloading. tapos sa february pa yung susunod na episode? antagal naman nun AMC... dito sa kinaroroonan ko parang ghost town. na katulad dun sa georgia at yung mga locals dito ay parang walkers maglakad. grabe bigat. naiisip ko talaga na walkers sila. hanggang kailan ako magiging tigang. sa paghihintay ng kay tagal. asskicker.

Monday, November 19, 2012

kamatayan

himala. umulan. kasabay ng kalungkutang bumabalot sa loob ng ospital. napakatahimik. naka-tape ang mga salaming pintuan. madaming pasyente sa labas nito pero hindi na sila pinapapasok. iniisip kung paano na yung mga pasyenteng may follow up na check up sa mga duktor dito.

bago lang ako dito at nangangahalahating taon pa lang. pero ramdam ko ang kalungkutan. madami ang naluha at nalungkot. sobrang lumbay nila. buong buhay na rin ng maraming pinoy ang naging haligi ng ospital na ito. nung dumating ako dito ay parang nasa pinas pa rin dahil lahat halos ng empleyado ay kabayan. si dragon na isang matandang dalaga na aking kabahay ay sya umanong nagbukas ng hospital na ito. at nitong nakaraan ay naulinigan kong sinabi nya na sya raw ang nagbukas, sya din ang magsasara ng ospital.

kanina ay nagkaroon ng meeting ang sangkatauhan. napagalaman na pansamantala lang naman isasara ang ospital ng dalawang buwan. ipinatigil muna ng batas na namumuno sa bansang ito ang operasyon. walang pasyente kaya wala rin kaming magiging trabaho. pero sinabi ng may ari sa naturang pagpupulong na patuloy pa rin ang pasahod sa lahat. at habang nakasara ang ospital ay bibigyan daw ang lahat ng mga activities o mga lectures na may kaugnayan sa aming mga trabaho. nagpalakpakan ang lahat at nagpasalamat. lubhang napakabait ng may ari ng ospital kaya naman ay minamahal sila ng mga empleyado nito.

ano kaya ang gagawin ko dito sa loob ng dalawang buwan. ang swerte lang nung isa naming kasamahan na nakabakasyon ngayon at nasa pinas. gusto ko din sanang umuwi kung maaari.

araw araw ay may namamatay. nakatadhana ito at mangyayari sa lahat ng tao. meron din kanya kanyang dahilan, kung kelan at kung paano ito nangyayari. yung nangyari ay isang halimbawa na nagkataong dito naganap sa ospital. hindi naman yun ginustong mangyari nung mga taong involve sa kaso. kung ito ang nakatakda ay mangyayari at mangyayari pa rin. naging kasangkapan nalang ang ospital para mangyari ang nais ni kamatayan.

ngunit naging aral na rin yung nangyari para sa mga hospital staff. na sana ay hindi na muling maulit pa.

Thursday, November 1, 2012

salamat october

ang haba nga ng october. wala naman nagbago sa mga araw araw ng buhay. nag away at nagkabati. nag away ulit pero hindi nagtatagal ng iilang mga araw ay nagkakaayos pa rin. hindi nga siguro kita matiis pero ikaw natitiis mo ko. kung sino nang away sya ang makikipagayos. deal. naranasan ang sobrang lungkot. na dahil nag iisa sa kinaroroonan, na may mga kaibigan nga pero di nila naiintindihan. di tulad sa manila, kapag may problema, alam na. bigla bigla nalang meh nag aaya ng inuman at magdamag na diskusyon habang inom. kumbaga, meh nakakausap at napaglalabasan ng sama ng loob. di tulad dito, di mo alam kung nakikinig ba sya o oo nalang sya. tapos malalaman na rin ng buong department kinabukasan ang sikreto mong naibahagi sa isang di masyadong kakilalang tao. kakilala ko naman sila, yung iba nakasama sa eskwela, at ospital na rin pero di na tulad ng dati, self centered na ngayon. yung tipong di papayag na maungusan mo sila. ang haba nga ng october. buti nalang november na. at magsosolo night duty na ko. hindi ko alam pero bahala na nga siguro. di ko ginusto pero andito na. mangyayari na. kung ano man ang mangyari, Diyos na ang bahala sa lahat. unang beses ko magpa bagahe. sana makarating sa kanila ngayong magpapasko at sana matuwa sila kahit pano sa mumunti ko lang na handog. ngayong november na, more serious na tayo. susubukan ko na. sana maging ayos naman ang kalabasan. november, astig ka lang sana.

Saturday, October 27, 2012

walang magawa. long weekend sila. ako hindi. lagi naman. dahil hajj sarado ang mga mall. walang malapit na makainan ng japanese foods. di katulad sa kinaroroonan mo ngayon. meron japanese food district. sobrang naiinggit na talaga ako sa buhay na tinatamasa mo ngayon. na lahat ng gusto mo ay halos na nasa paligid mo lang. lahat ng gusto mong kainin. gustong makita. samantalang ako, di makakain dahil di ko gusto ang mga pagkain dito. o di lang ako makakain dahil nalulungkot na ko ng husto. isipin nalang kita nakakalungkot na eh. na wala ka sa kung saang gusto ko makita na nanjan ka. hindi ako makakain kapag ganito. sana hindi na kita maisip. hindi ko na kasi kaya. nasasaktan nako. siguro dapat kasi, wala. naiisip nanaman kita at ayoko na munang huminga. gusto ko na munang di ka kausapin. kahit saglit lang para di na kita maisip. alam mo kasi sobrang nalulungkot ako pag naiisip kita. nasasaktan. ayoko na muna. pahinga lang. makakabawi din naman.

Friday, October 12, 2012

Why me

Bakit ganon. Ok na sana ang buong linggo. Kaso lang hanggang sa huling sandali ay ginulo mo. Anong nagawa. Sa harapan pa ng ibang lahi mo pinagsabihan kung saan natutuwa sila kapag may pinoy na pinagagalitan. Ibang klase ka rin. May araw ka rin. Mamamatay ka rin. Akala mo kung sino ka. Hindi mo ako kilala. At wala akong balak na kilalanin ka. Wala akong pakielam sayo. Hindi kita gusto baka inaakala mong patay na patay ako sayo. Kadiri ka lang. Napapansin mo lang yung mga mali na nagawa. Ungas ka. Hindi na kita titignan. Hanggang matapos ang trabaho ko sa ospital na to. Bahala ka sa buhay mo.

Naglalabas ng sama ng loob bago matulog. Sana wala na ito pagkagising ko. Sana matapos na.
 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo