Wednesday, January 9, 2013

own

nakatulog ako ng pasado 1am tapos nagising ako ng pasado 8am. mejo mahaba tulog ko ngaun kumpara kahapon. 1 hr difference. malaki laki din. sobrang bihira na ko makatulog ng lagpas 8hrs. putol putol pa ang tulog ko. di ko alam kung bakit. wala naman ako iniisip. blangko lang. wala na kasi laman ang utak. paggising ko, hinintay ko muna umalis si dragon. ayoko talaga makita nya ko. nakakatakot sya. kaya 9:45am na ko bumangon. pero bago yun, nakapagcheck na ko ng fb, twitter, at nakapagpost na sa instagram. prusisyon ng itim na nazareno, di pa rin nakakarating sa quiapo church. hindi pala yun tuwing friday kung kelan quiapo day. sinabay sa baclaran day. dahil independent na ko mula pa nung 6 months ago, naghanda ako ng sarili kong almusal. nung nasa bahay ako, meron na sopas nakahain gawa ni mama pag off ko. ngayon, ang brunch ko ay tinapay, pritong itlog at mansanas with milo drink. yun lang available. di ako marunong magluto eh. at wala ng tym.papanuorin ko pa sa youtube yung lulutuin ko. papasok na ko maya maya.

for

pagkatapos ng apat na oras ng trabaho ay uuwi nanaman. kakain at matutulog. may inuman pala mamaya kasi birthday nung kapitbahay namin. nag-abang ako ng pasyente, walang dumating kahit isa. meron dumating na indian na inaalok ako ng credit card. sabi ko hindi ako interesado. naghanap pa sya ng iba ko pang kasama, sabi ko mag isa lang ako. ayaw maniwala at sumilip silip pa sa loob. bukas kaya meron na. sana bilisan nila. baka makalimutan ko na mag ultrasound.

Tuesday, January 8, 2013

every


ang sabi nung kaibigan kong mas payat at bata sakin? nag extend daw ang planner deadline. kung alam ko lang. *iyak* sabi nila di daw nakakapogi ang pagpaplanner ng starbucks planner. pero di naman ako nagpapapogi. nagpapa swerte ako. pampaswerte kasi yon. at saka gusto ko lang ng planner nila. taon taon iba iba naiisip nilang disenyo. ang tataba lang ng mga utak nila. sana magkaplanner na ko ng starbucks ng wagas. para swerte. wagas talaga ang gastos ko ngayon. sabi ko magtitipid na ko ngayong 2013. kaso ang sale, nagmumura sakin. p*tang *na utang na loob bumili ka na. nasa sakin kung bibili ako o hindi. e sa ayoko bumili kahit mag sale. kaso lang iba eh. parang magnet ang effect. sing bilis ng kidlat ang sama ng pagkakatingin sa magagarang bagay na mas pinamura pa ng panahon. kakaasar. sana swertehin din ako.

cut me off

ngayong araw ay natuloy ang MOA trip. gulat ako. ang daming sale. shet. ang waldas lang. lahat ng shop na aming napasukan ay meron kaming nabibili. lahat nga ng shop ay sale. super sale lang. yung the body shop sale nga, di naman nag sale ng blush on. yun yung kailangan ko eh. nakabili ako ng mga damit at bag na ipapadala ko kila mama at tonton at whimpy at sa mga pamangkin kong bata pa. pagka uwi ay nag jogging ako. pagkatapos ko mag jogging ay naabutan kong gising pa ang iba kong kabahay. sinabihan nila ako na pumayat na daw ako. hahaha. sabi ko weh. sinabi pa nila na ang bilis ko daw pumayat. hindi naman ako nagpapapayat. healthy living lang. diet diet at exercise exercise din. para swerte. sana wag akong malasin. naligo ako dahil pinawisan ako. at nagba blog habang nagpapatuyo ng buhok. hanggang ngayon, gising pa rin si dragon. sabi nila mabait na daw sya ngayon, pero para sakin, ganon pa rin sya. first impressions last ika nga. ewan ko kung bakit ganon. basta hindi ako kumportable pag anjan sya. ayoko syang kasama. sabi nila magreresign na daw sya. sana magkatotoo naman yon. pero sabi nila, ilang taon na nyang sinasabi yon. so, malabo. tiis tiis din. dahil sya ang leader dito sa flat. magpapaalam muna sa kanya kapag magpapakabit ng cable. gusto kong tumawa pero di ko magawa. nagpapatawa ka ba. nakakatawa. hindi kasi yon biro pero nakakatawa.

Monday, January 7, 2013

wala

pinalitan ko ang template sa classic. para swerte. meron akong siyam na koi. invisible yung dalawa. pero anjan lang talaga sila. swerte to. kagabi nanaginip ako ng hayop. nakalimutan ko kung anung hayop, pero parang lamb yon. ano kaya magiging papel nun sa buhay ko.

Monday, December 24, 2012

salamin sa loob ng aparador

bisperas na ng pasko bukas dito sa middle east. pero sa pinas, huling araw na ng simbang gabi at magpapasko na. advance dun ng limang oras. natanggap na nila ang pamasko ko sa kanila. nagpasalamat na sila. nalulungkot ako dahil wala ako sa bahay. unang pasko na wala ako dun. pangalawa na pala. nung una ay kila ralph ako nagpasko. pero nasa pinas pa rin ako nun kaya ok lang. ngayong dito na ko, ramdam ko ang limitadong galaw na di katulad pag nasa sariling bansa. discrete lang kasi ang mga christmas party dahil hindi sila nagcecelebrate nito dito. wala ring simbang gabi. dahil muslim country. malungkot nga magpasko dito. gayunpaman, dito sa bahay ay magkakaroon kami ng party at sama sama naming sasalubungin ang pasko. kahit paano ay macecelebrate ko ang pasko na parang nasa bahay lang. pero mas masaya pa rin kung nasa bahay. namimiss ko na ang pamangkin kong makulit. si chikimon at si bujik. mahilig sila makipaglaro sakin at sinasakyan nila ako likod ko na parang kabayo lang nila ako. natutuwa ako pag naririnig ko ang malakas nilang pagtawa. namimiss din kaya nila ako ngayong pasko.
 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo