Wednesday, January 16, 2013

reel

at natapos ko na basahin sa wakas yung catching fire. nabitin ako at naguluhan. paanong nawala bigla yung district 12 na city nila katniss. kaya sinunod ko agad basahin yung mockingjay. nakakaadik din. parang wala ng gustong gawin kundi maupo sa isang sulok at magbasa nun. ang bilis ko ngang magbasa ngayon, kaka start ko lang nasa chapter 4 na agad ako ng part 1 nung mockingjay. ginaganahan lang. exciting din kasi subaybayan yung mga susunod na mangyayari sa kanila dun. kumain nanaman ako ng madami. lumobo ng husto ang chan ko. umiral nanaman ang katakawan ko. hassle nanaman to. patawarin ako sa pagiging matakaw ko. di ko napigilan. kakaasar din talaga. yung mga kabahay ko kasi na nagda diet, luto ng luto. ang sasarap pa ng luto nila. ayan na nga. nakakain ako ng madami. pero sinabihan ako ng bisita na ang slim ko daw. wow. ngayon nya lang ako nakita haha. ang taba ko kaya. since di ako tumatanggap ng compliment, di ko masyado pinansin. pero napatingin ako sa whole body na salamin. nakita ko ang aking sarili. nakausli ang chan ko. imposible talaga. nabubulag din yung mga tao minsan ng mga bagay na gusto nilang makita. pero nagbabagong buhay na talaga ako. ayoko na maging matakaw. iniiwasan ko rin ang mga bisyo, kaso lang, ayaw nila ako layuan.

Sunday, January 13, 2013

basa

nagpunta kami sa bookstore. bumili nanaman ako ng book. bumili ako ng mockingjay, 3rd book ng the hunger games. di ko pa tapos basahin yung 2nd book na catching fire na binili ko pa nung siguro 5 months ago na. so babasahin ko na ang mga libro na binibili ko. hindi na muna ako manunuod o magmamarathon ng mga tv series tulad ng the walking dead. seriously. habang hindi pa nakukumpleto yung 16 episodes ng season 3 nun, magbabasa muna ako. sa february 10 pa ipapalabas yung episode 9 ng season eh. basa basa muna, bago pa ipalabas yung movie ng catching fire sa november, nawa ay matapos ko na yung libro. hahaha. ang galing lang ni FBG, ang dami nyang alam sa dslr cameras. sya na ang tunay na magaling. Godbless her. i-broadcast nanaman nya yung nangyari sa kanya ngayong araw sa fb. nangangati na talaga akong i-block sya sa fb kasi nandidiri na ko sa mga status nya, kaso baka tanungin nya ko kung bakit di na kami friend dun. actually hindi ko lang alam, baka ayaw nya din akong maging friend dun. pero sya yung nag add sakin, hindi ako ah. haha sana maliwanagan na sya. lahat nalang ng nangyayari sa buhay nya ginagawa nyang status update. sabagay yun naman talaga silbi ng fb, yun nga ba. ewan ko lang. kasi ako nagshi-share lang ako ng mga dapat i-share sa fb friends ko. katulad ng pag may napanuod akong movie na maganda, naiisip ko na sana mapanuod din nila para guminhawa ang buhay nila. haha

Saturday, January 12, 2013

parang bumabagal ang takbo ng mundo. napapatingin sa malayo. walang masabi. tahimik lang. kulang nanaman sa tulog. tulog tulog din.

Friday, January 11, 2013

let

sumabay ako sa pagkain sa kanila. kasi inaya nila ako eh. dinner. nakakahiya namang tumanggi. ang dinner ko, 1 pc burger steak ng jabi at isang skyflakes. yun lang trip kong kainin eh. may nasabi nanaman sila. dapat daw ganun din kainin nung isa.na hindi nya daw naisip yon. sabi naman nung isa, na parang nagpaparinig na ang sarap sarap daw kumain, gustong gusto nya daw kumain. hmm.. anung pakielam ko, bakit  kailangan pang sabihin yun. ikakaunnlad ba ng pinas kung kakain sya ng kakain lang sa buong buhay  nya. haha. badtrip nanaman ako. ayoko na nga talagang sumasabay sa kanila sa pagkain. pinagtatawanan lang nila ako kung ano kinakain ko. ayoko nalang magsalita, kasi nagtitinginan lang sila kapag may sinasabi ako. ewan ko lang kung sa likod ko, pinagtatawanan talaga nila ako. pero sa itsura ng mga pagmumukha nila ay parang ganon na nga sila. nasa itsura lang din. pero depende lang din yun sa isang bagay. pag sila ay alam na. next time, di nalang ako magpapakita sa kanila para di na nila ako ayain. meh kanya kanya naman kasing gusto. bakit kailangan pagtawanan. kung bakit yun lang kakainin ko, gusto ko eh. sana wag nalang nila ako pansinin. lalo lang ako naaasar sa buhay ko dahil malungkot na nga dito meh mga kasama pa akong ganitong mga tao. kelan pa kaya ako suswertihin.

Thursday, January 10, 2013

way

hanggang ngayon, blangko. tuwing nababasa ko mga wall post sa fb. mabait sya kaya madaming nalungkot dahil sa pagkawala nya. maging ako ay nakakaramdam ng bigat ng kalooban. kaso ganon talaga, may mawawala. meron darating. sana makilala ko rin kung sino man yon. mahaba tulog ko ngayon, natulog ako ng 1am ginising ako ng ka kwarto kong payat ng 11am pasado. kaso lang inaantok pa rin ako hanggang ngayon. nakakaantok pa rin pala kahit sobra sa tulog, o baka nakakaantok lang talaga dito dahil wala magawa. wala pa rin pasyente pero kailangan pa rin pumasok ng tig 4 hrs para lang tumao dito sa hostipal. parang tanga yung mga ka bahay ko. namamangha sila sa brunch ko kanina na katulad sa kinain ko kahapon. hindi ko alam kung pinagtatawanan nila ako kasi yun lang kakainin ko o ewan. wala nalang sana pakielamanan. parang tanga. nakakainis. ayoko nalang tuloy magpakita sa kanila minsan at magsasasama. eh sa yun lang yung gusto kong kainin e. buti nga kumakain pa kesa wala. tinatamad na rin ako kumain. ewan ko isang araw nagising na lang ako at sinabihan ko yung sarili ko na tama ng pagiging gluttonous ko. haha

hanggang sa muli

nagulat ako sa status update sa fb ng friend ko dun. ang sabi, rip jc palad. woah! binasa ko ulit at nag back read sa mga comments na nasa status na yon. kinumpirma ko sa isang kaibigan kung totoo. at nagbigay sya ng link na naglalaman ng balita. tugma sa kanya ang description. 25 years old, tattoo artist, tiga pasay, tinambangan. huli ko sya nakita nung event ng dutdutan noong year 2011. hindi na kasi ako nakapunta nuong last year dahil nandito na ko. kinukumbinse nya ako na magpatattoo na rin. ngunit tumanggi ako kasi hindi ko kakayanin ang sakit. duwag ako noon. sayang, sa paguwi ko sana, magpapatattoo na ko. dahil matapang na ko. sa kanya sana para may discount. nang mabasa ko ang balita, hindi ako makapaniwala. kasi ang bata bata pa nya. mas matanda lang sya sakin ng isang buwan. pero dahil sa mga maling akala ng mga tao, na madaling manghusga, meh mga eksena na nangyayari na ganito. kung idinaan lang sana sa mabuting usapan, sana ay nagkaka ayos pa. at hindi na kailangang may mawala at dinadaan ang hustisya sa sariling kamay. sana naging malinaw at mas mapapanagot ang sino mang nagkamali. sa ilang beses din na pagsasama sa mga event tungkol sa art sa katawan, masasabi ko na mabuti syang tao. pag muli pa kami nagkita sa kabilang buhay, magpapatattoo na ko. pangako.
 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo