sumabay ako sa pagkain sa kanila. kasi inaya nila ako eh. dinner. nakakahiya namang tumanggi. ang dinner ko, 1 pc burger steak ng jabi at isang skyflakes. yun lang trip kong kainin eh. may nasabi nanaman sila. dapat daw ganun din kainin nung isa.na hindi nya daw naisip yon. sabi naman nung isa, na parang nagpaparinig na ang sarap sarap daw kumain, gustong gusto nya daw kumain. hmm.. anung pakielam ko, bakit kailangan pang sabihin yun. ikakaunnlad ba ng pinas kung kakain sya ng kakain lang sa buong buhay nya. haha. badtrip nanaman ako. ayoko na nga talagang sumasabay sa kanila sa pagkain. pinagtatawanan lang nila ako kung ano kinakain ko. ayoko nalang magsalita, kasi nagtitinginan lang sila kapag may sinasabi ako. ewan ko lang kung sa likod ko, pinagtatawanan talaga nila ako. pero sa itsura ng mga pagmumukha nila ay parang ganon na nga sila. nasa itsura lang din. pero depende lang din yun sa isang bagay. pag sila ay alam na. next time, di nalang ako magpapakita sa kanila para di na nila ako ayain. meh kanya kanya naman kasing gusto. bakit kailangan pagtawanan. kung bakit yun lang kakainin ko, gusto ko eh. sana wag nalang nila ako pansinin. lalo lang ako naaasar sa buhay ko dahil malungkot na nga dito meh mga kasama pa akong ganitong mga tao. kelan pa kaya ako suswertihin.
0 kumento:
Post a Comment
where have you been. Ive been so alone. i dont know how ive lasted this long.