Wednesday, March 20, 2013

Umepal

Isang araw ay nanood ako ng band practice nung tropa ng kaibigan ko. Tahimik lang ako. Tinugtog nila yung two trick pony ng sandwich na sobrang paborito ko nung mga panahon na yon. At nangyari ang nakakahiyang gawain. Sa sobrang saya ko na di ko napigilan ay naagaw ko yung mic dun sa vocalist nila at ako yung kumanta. Shet! Pag naaalala ko yon pahiyang pahiya pa rin ako dahil sa sarili ko. Hahaha. Sablay lang. Nakalimutan ko ata nun na may mga kasama pala ako at nasa isang studio kami sa recto na kung tawagin ay bodega noon. Akala ko yata nun ay nasa kwarto lang ako at magisa nag sa soundtrip. Saklap. Pahiya lang. Di maganda yung boses ko kaya di rin sila natuwa. Haha

Saturday, February 9, 2013

Silay

Hindi maiwasang maikumpara ang sarili sa iba. Kung palakasan ang labanan ay wala akong sinabi dyan. Dahil mahina ako. Hindi ako tulad ng iba na malakas sa lahat ng bagay. Maging sa trabaho, mas nakikita yung mga malalakas sa boss at sa mga senior kesa sa hamak na katulad kong mahina lamang. Hindi ko nalang pinapansin at sawa na rin ako sa buhay. Kung mawawala man ako di ako matatakot. Hindi naman ako mapapansin dahil hindi ako malakas. Walang mapaguusapan na interesante tungkol sa akin.

Bago mag chinese new year ay dapat mabayaran ang lahat ng utang. Kaya naman, sana ay wala na akong nakakalimutan bukod sayo na malayo naman. Sana ay wag ako malasin nang dahil dun. Hope my money touch the sky. Pano kaya mangyayari yun. Tipid tipid din. Kung literal na iintindihin. Dumadami na yung dahon ng halaman kong nakalubog lang yung ugat sa tubig. Swerte daw kapag nagpatubo ako nun. Salamat naman at nakakahinga yon kahit di nasisilayan ang araw mula nung binili ko. Nalaman kong ayos lang sya nung makita kong tumaas sya ng konti at hindi nalalanta. Sa tubig lng nakadepende yung buhay nya. Hindi ko alam kung pwede ko palitan yung tubig nya. Baka manibago lang sya at hindi masanay at tuluyang mamatay. Kusa nalang bibigay kapag hindi na nakayanan.

Sunday, January 27, 2013

Bangs not dead

humahaba na ang bangs ko. mejo natutusok na yung mata ko. pero naiisip ko na pahabain na to para matapos na lahat ng kalokohan na to. hahaha. since college, may bangs na ko. para magmukhang bata tignan. kasi yung mga bata lang yung kadalasang mag bangs. kaya nakakapagpabata ito sa mga matatanda. kaya sabi nila yung itsura ko mula nung college hanggang ngayon ay di masyadong nagbago. haha. ano nga kaya, papahabain ko na o papagupitan ko na ulit. ilang linggo o buwan ko na rin itong pinag iisipan. ganon ako kabagal mag isip. sana kung ano man yung kalabasan, ay di ko nanaman pagsisihan.

Thursday, January 24, 2013

gaps

napanood ko na ang yes or no 2. kakatats. it makes sense. next time, di ko na hahayaang mawala ka sa tabi ko pagkatapos nito. sandali na lang, hintayin mo pa ako. haha. naalala ko tuloy mga nangyari. nung lagi pang magkasama. tunay ngang malalaman lang ang tunay na kahalagahan ng isang tao sa buhay mo kapag nawala na sya. nung inilalagay ang pagkain sa bibig mo habang nasa pampublikong lugar. di ko alam kung ok lang sayo yon pero di ka naman nagrereklamo. siguro nga ok lang yon.. hehe. tinatamad ako kumain. sana pwedeng di  na lang kumain. pero kailangang kumain para may lakas na gagamitin sa buong araw na pagkilos. ngayong off ko, di muna siguro ako kikilos para di muna kailangang kumain. off naman ako, wala akong gagawin. kaso lang kailangan din ng lakas para huminga. makukuha ang lakas sa pagkain ng tama. para mabuhay. kailangan pa rin pa lang kumain kahit wala namang gagawin. kasi hindi naman gugustuhing hindi na huminga. pag hindi na humihinga, ibig sabihin patay ka na. kain kain din kahit papano.

Sunday, January 20, 2013

loop

akala ko 3 patients lang yun pala plus 5. 35 patients namin ngayon. oh ha sosyal. kakabukas lang parang friday na. ganon lang kadami patient pag friday. kasi pag ordinary day gaya ngayon, nakaka 100 plus na patients kami. back to abnormal na nga. bukas mas dadami pa yan. sana mawala na lahat ng sakit sa mundo. tumawag ako sa bahay at nasa ospital pala yung pamangkin ko. sana mawala na sakit nya. sana makauwi na sya sa bahay namin. hindi ako nakakatulog ng maayos sa kakaisip dun. kaka birthday nya lang nung last week tapos biglang nagkasakit naman ngayon. sana makauwi na ko.

Saturday, January 19, 2013

bot

nagpunta kami sa house party ng boss namin. nakakapagod din. malayo. disyerto  din ang dinaanan. nakakatakot din, gabi na nung umuwi kami walang poste ng ilaw sa daan. buti kabisado na nung driver namin, di na sya naligaw. nagpicture din ako ng konti mejo maganda din yung bahay nila at paligid ng bahay nila. meron silang sariling dagat tapos may bridge na papunta sa isang kwarto sa gitna nung dagat. ganda lang. sosyal. pero siguro, ito na ang una at huli kong punta dun. magbubukas na ang hospital bukas. sana konti pa pasyente. nakalimutan ko na mga protocol kailangan mag refresh kaso pagod ang katawang lupa ko ngayon. pagdating ko nga ay naligo na ko kasi nanlalagkit ako. nakalimutan ko na magpahinga muna bago magbasa ng katawan. ayon, pasma abot ko. sana makatulog ako agad.
 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo