Monday, February 19, 2007

loser..

natapos na ang masasayang gabi ng UPfair.. next year na ulit. at sa huling gabi, nagkasakit din ako. tao din pala. tinablan na ng sakit..

sabi ng nanay ko naengkanto na ko. gusto kong matawa pero hindi makatawa.

kahit nagkasakit ako nasisiyahan pa rin ako. kasi nakita kong muli ang mga paborito kong banda. da best ang silent sanctuary. astig. pati ciudad. unang beses ko silang mapanood. ang saya talaga..

ang galing ng chicosci pag kinakanta nila yung 7 black roses.. tinutog ng the wuds yung inosente lang ang nagtataka. taz yung giniling festival, ang saya. haha.

kahapon meh film showing ng mga indie na short movie lang. ang galing.. yung salat. sabi nya, ang mga tao sa umpisa parang tuldok. walang kuneksyon pero pag meron na at nagkaroon na ng kuneksyon, bumubuo na ng hugis..

ansaya talaga..bwahaha. hindi ko man nakasama yung taong gusto ko sanang makasama sa mga ganung kasayahan, naging masaya naman ako. kasama ang mga itinuturing na totoong kaibigan..

hanggang ngayon di pa tapos ang thesis namin. si genesis talaga yung kagrupo ko na mataba. lagi nya sinasabi na tapos na pero hindi pa naman talaga. nakakabwisit ang yabang nya kasi. ako naman, naniniwala na tapos na. huhuhu.

buti na lang natapos na ang mga exams. finals na. sportfest at college week. nagtry out ako sa chess. tapos natalo ako. haha. mula nun lagi na ko meh dalang magnetic chess board sa skul. tapos nagpaturo sa kin si sharibel magchess. ako nagturo sa kanya, pero lagi akong talo sa kanya.

ang hirap ng buhay. laging akong talo sa lahat ng bagay.

juviL = LOSER..

Sunday, February 11, 2007

circuit breaker

sana masaya ka ngang talaga. ha ha ha. parang maraming beses na nangyayari pero hindi pa rin nagsasawa. darating din nga siguro ang panahong yon. hindi talaga ako maalam kumanta e. ang alam ko nga, ikaw talaga ang nakakagawa nun.. hehe. para sa'yo ay magiging masaya na ako lagi. kahit hindi na tayo magkikita pang muli. mag - iingat ka sana parati. nandirito lang ako sa iyong tabi.. mauulit pa nga kayang muli. ayoko na sana ikaw makita pa ehh. dahil sa kanila. masasaktan lamang ang bawat isa. hindi kasi nila matanggap na tayo'y magkaibigan lamang.. hanggang doon na nga lang. baka kasi tulad ng iba, ako din ay 'yong iwan. ang pangyayaring iyon ay hindi ko na makakayanan. masaya naman tayong dalawa sa ganito. dapat na lang sigurong makuntento.


Photobucket - Video and Image Hosting



nandyan ka nandyan din ako. walang iwanan. mas ok, mas astig!! hehe


ganito sana ang isusulat ko sa valentine card na ibibigay ko sa bestfriend ko na si ralph. ok lang ba yung ganito? hindi ko kasi alam. hehe.

Tuesday, February 6, 2007

7 black roses

When I leave

I wanna wait for the silence

You gave me all youve got

But now I stand here waving at you

And still you smile, youre still looking back

Maybe I just wasnt kind enough

Im fighting urges to fall again,

Yet I stumble

Chorus:

These roses died 3 days since

Black roses died, we said goodbye

These roses died 3 days since

Im sorry, I miss you


How do I remain complete

When all we bled is lost?

We couldve burned the earth and sky

A second chance chance,
The seconds spent

Each others shadow, shouldve known

Im fighting urges to fall again,

Yet I stumble
(Repeat Chorus)


Hear this Im yours

Im at your feet
(Repeat Chorus)


Inside this heart you still remain

But faded letters are erased





marami na nangyari. hindi ko pa nasasabi. nakalimutan ko na nga.

ako lang mag-isa dito sa bahay ngayon. malamig ang paligid. wala akong kasama sa lahat ng oras. pero merong isang tao na handa akong samahan. itinuturing ko syang tunay na kaibigan. pinakikinggan nya lahat ng mga sinasabi ko kahit wala namang kwenta yung mga yun.

nung biernes nagkita kaming dalawa. kasi meh klase sya dapat pero hindi nagklase yung prof nila. nasa third floor ako nun nagrereview para sa exam sa coridor tapos tinawag nya ko mula sa ibaba. haha. pinapaakyat ko sya pero ayaw nya. pinapababa nya ako. hindi ko alam kung bakit mas pinili ko sya puntahan kesa mag-review para sa midterm exam kung saan wala pa akong alam ng hapon na yun gaganapin din. pinakita ko sa kanya yung ni - drawing ko sa note book kong malaki habang nagkaklase yung prof namin sa nucmed. wala kasi ako gana makinig sa prof na yun e. puro kasi kwento at puro kabastusan haha. ni - drawing ko yung mga barkada ko sa skul. sila prinsesa, sharibel, april, jm, angelicka, master, ate donna, karen, at pati yung sarili ko ni - drawing ko din. haha. wala magawa. pinakita ko sa kanila lahat yun. natuwa sila. ilalagay daw nila sa friendster ng grupo ng mga kamote. gusto nya rin daw makita kaya pinakita ko naman sa kanya. ayos daw.. tinutukso ko sya kay april e, kaya sabi ko ang ganda ni april noh.. pero sinabi nya mas maganda ka naman.

pagkatapos nun, umakyat na uli ako sa third floor kasi nakita ko na yung prof ko na paakyat na din. haha. tinitxt ko pa rin sya. tinanong ko sya kung nasa baba pa rin ba sya. sabi nya nasa boarding haws na sya kasi wala na syang kasama. hindi ko alam kung ba't ko siya na - txt na, sana hinintay mo ko sandali lang naman ako mag - exam e. tapos nagreply sya na pwede pa naman kami magkita. itxt ko daw sya pag pababa na ako at pupunta sya ulit sa skul. at ganun na nga. pagkatapos ko mag - exam, uwian na dapat. pero maaga pa. sinamahan nya ko tumambay sa labas ng skul at magyosi. tapos kung ano ano pinag uusapan namin. pati yung puno at pusa tawa kami ng tawa. hanggang 7:45 ng gabi kami nagtambay.

tapos nun, nagutom na ko. nagutom na din sya. kumain kami sa mcdo. pangalawang pagkakataon na namin kumain dun ng kami lang dalawa. habang papunta kami ng esem nun, sinabi ko sa kanya na, kung ano ano nanaman inisip nila. sabi nila tayo daw. sabi nya naman, hindi ba nila alam na ayaw mo sa 'kin. natawa ako. sabi ko nalang sa kanya, hindi naman kita ayaw e. sabay biglang sabi ko na, ayoko sayo. hahaha. tapos lumayo sya. tapos sabi ko, loko lang. nilapitan ko sya at hinawakan ko ang kamay nya. magkahawak kamay kami naglakad patungo sa esem.

hindi ko alam kung ano nangyayari. sabi nya sa kin masaya daw sya pag kasama nya ko. sabi ko naman, pinapasaya mo ko pag nakakausap kita. hindi ko alam kung bakit. panu nangyari yun. dahil kaya sa magkaibigan kami o meh iba pa ibig sabihin.

si ralph ang kaibigan kong tunay. tamad sya pero astig.

=)

Tuesday, January 23, 2007

tsubasa

wala akong iniisip. blangko. kahit alam kong may graded recitation yata bukas ay hindi ako nag-aaral. hindi din naman yun papasok sa utak ko. hindi nya pa kaya mag-absorb ng kahit na ano. wala pa syang gustong gawin sa ngayon. tadhana nga naman. sana maging mabait ka sa tulad kong walang utak. pero kahit naman ano, tatanggapin ko. hindi ko rin naman kasi gustong isipin pa. sana maging maayos ang lahat. ayoko sanang may magawa nanaman akong maling hakbang. sana totoo lang ang magawa ko. gusto ko gamitin ang utak ko pero ayaw magpagamit. hayaan na lang. kahit magmukhang tanga lang.

Sunday, January 21, 2007

nababaliw na ang payaso.

sinabi mo noon
hindi na babalik ang kahapon
ngunit bakit ngayon nandirito pa rin

sinabi nya sa akin
sagabal lang ang damdamin
ang nagmamahal ay mahina din

sagot ba ang kamatayan
sa lahat ng katanungan
ang paningin nya ngayo'y dumidilim

kung Diyos mo'y makasalanan
sasambitin pa ba ang kanyang ngalan
paniniwala nya'y nawawala na rin

kung dati ang problema'y saglit lamang
ngayon ito'y mahirap kalimutan
ang pag - iisip nya'y naging malabo na rin

nawawala na ang kinang at ang kasiyahan
na ngiti sa mukha ay nakalimutan
nagunaw na lahat sa kanyang mundo
kaya ngayon ay
nababaliw na ang payaso

ang mundo nya ay isang teatro
ang buhay nya ay isang entablado
ang uri ng payaso ay tao pa rin

sa kaliwa ang hawak nya'y baraha
sa kanan tangan nya'y gitara
nag - iisip kung alin ang uunahin nya

noo'y nagpapatawa ang payaso
walang pakialam kahit magago
pero bakit naging sensitibo na rin

wala mang bahid ng kalungkutan
pero huwad naman ang kasiyahan
siya'y punong puno ng tuwa't pighati

nawawala na ang kinang at ang kasiyahan
na ngiti sa mukha ay nakalimutan
nagunaw na lahat sa kanyang mundo
kaya ngayon ay
nababaliw na ang payaso

lagi mo na lang sinasalo
ang lahat ng aking ibinabato
pagharap ko sa salamin
nandoon ang payaso't nakatingin sa akin

ano na ba ang kahahantungan
ng payasong anonimo na sa lipunan
hindi na maibabalik pa ang kahapon
ang payaso noon ay hindi na ngayon

wala na siyang pakiramdam
wala na siyang pakialam
wala na siyang tatakbuhan
poot at galit ang nararamdaman

nawala na ang kinang at ang kasiyahan
ang ngiti napawi ng kalungkutan
ako ang payaso ang payaso ay ako
pero di ko alam

nababaliw na ang payaso

nababaliw na ang payaso



natapos na ang lahat. ang tanging maari lamang na maging dahilan ng aking kasiyahan. tulad ng awitin ng aizo. wala na kong dahilan.

Monday, January 15, 2007

shield of him..

sinabi ni Luna sa txt nya nung nitanong ko sya kung anu ang impresyon nya sa 'kin nung una nya kong makita. just for the sake of a conversation. isa kasi syang miembro ng rockommunity kung saan akin ding nasalihan at nagkakaroon kami ng mga pagkikita kitaan at tambayan sa mga bar para sa gig at malls. anu kaya yun.. hmm. nung una nya daw ako makita, ay mukha daw akong goth. dahil tahimik daw ako at parang distant. parang laging deep ang iniisip at kaya ko daw pumatay. at hindi daw ako masaya.. matapos nyang sabihin yun, no offense meant daw kasi sino ba naman daw sya para sabihing hindi ako masaya..

okey lang naman yun. kasi parang tama din naman yung mga sinabi nya. at sa likod ng aking isipan, naiisip ko na para syang isang psychologist. sinabi pa nya na bagay sa 'kin ang kulot. hahaha. too late. napa - straight ko na ulit ehh.. tsk tsk tsk. hehe.

Lagi nga naman akong nag - iisip ng kung ano ano. hindi ko alam kung ano yung mga 'yon. sa gabi nga ay hindi ako nakakatulog ng mas maaga pa sa alas 12 ng gabi.. sa kakaisip ng wala naman at walang kwenta. at kahit na ipikit ko ang aking mga mata at gustuhing matulog na, ay hindi pa rin tumitigil ang isipan sa pag - iisip. at bigla na lang din ako magigising na parang hindi naman talaga ako natulog. paulit ulit lang 'yon. sa pare parehong oras pa. nasasanay na.

naniniwala din kasi ako na kapag nagawa mo na ang isang bagay ng dalawampu't isang beses palagi ay hindi na ito mawawala sa sistema ng buhay mo. maraming beses ko na siguro itong nagagawa nang hindi ko lang napapansin. kaya 'yun ganun.

kagabi ay nagpunta kami sa asia mall. kasama ko si schoolmate ralph anthony. sinamahan nya ko. kami lang dalawa. hindi alam ni jonathan. hindi nya rin kasi ako papayagan kung nagsabi ako. kaya minabuti ko na lang na wag nang ipaalam sa kanya. nagpunta kami dun para sa huling araw ng pyrolympics. at para na rin sa kitaan ng mga rockom dun. sa 2nd floor daw sa foodcourt. pero pagdating naman namin dun, wala sila.. ni - txt ko sila pero di nila ako niti - txtback - an. tinawagan ko si ron. nagsasalita sya pero hindi ko naman naiintindihan. alien.

kaya kumain na lang muna kaming dalawa. bwahaha. pagkatapos lang namin kumain, tsaka na nag - umpisa yung payerworx. yung unang bahagi. ang ganda! ang galing! ang astig! bangis! bwahaha. lahat ng mga tao dun sa carpark na kinalalagyan namin ay wala lang alam sabihin at ang lumalabas lang na salita sa kanilang bibig ay ang salitang wow! kami pa lang dalawa ni ralph at hindi pa namin natatagpuan yung mga rockom. pareho kaming namangha sa aming namamasdang makukulay na kumikislap sa kalangitan. meron pa dun o parang hugis apol..

30 minutes din yatang nagtagal iyon. pagtapos nun, kinukontak ko na rin yung mga rockom. si ate pepot ang nagreply at hindi pa pala sila nakakadating dun. pati si sheen papunta pa lang din.. tapos pinapunta nila kami sa eh mcdo. at nakita ko siya kasama si pete.. tapos dumating na din si sheen. maya maya dumating din si amboy. bwahaha. dumadami na.. tapos nung 10:30 na bumalik na ulit kami dun sa dati naming pwesto para sa huling bahagi ng payrwox display.

pagkatapos tambay ulit. dun sa monumento ng puno na payat sa labas ng mcdo. at nagkita kita na kaming mga naghahanapan lahat. hahaha. naging masaya ang lahat. lalo na ko. bwahaha. kasi sinamahan nya ko. at kami lang dalawa sa unang pagkakataon..

nabalitaan ko na united kingdom ang nagchampion sa pyrolympics..
 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo