Friday, June 27, 2008

rehistradong radiolohiko teknolohista... RRT

nakapasa ako..

isang himala...

salamat sa Diyos.

Amen.


Juvil M. Rapiz, RRT



sa wakas na-release na din yung result. dehydrated na ko kakahintay eh. ayon sa dyaryo manila bulletin front page june 27, 2008.. 516 out of 1,098 ang nakapasa sa nakaraang radiologic technologist licensure exam. at kasali ako sa mga nakapasa.. bwahaha

kaklase ko yung top 1. haha as expected. sobrang talino kasi nun parang nagda-drugs lang lagi hahaha. lagi pa champion sa mga quiz bee. at syempre sa mga exam namin sa school sya parati ang highest. kaya deserve nya talaga. ang galing. 90.60% yung grade nya kaya sya top 1. galing ni kuya leo. bwahaha. ang masaya pa lalo, walang bumagsak kasi lahat kami sa batch namin nakapasa sa board exam na yun. kaya matutuloy na yung outing sa bulacan. ipapasara daw yung buong resort para sa 'min haha ang saya naman nun sana makasama ako. sana payagan ng mga magulang. kahit kasi 21 years old na ko di pa rin ako pinapayagan umalis hehe.

ang saya talaga kasi nakapasa kami lahat. lalo na ko di ko kasi talaga expected na papasa ako. powerful talaga ang prayers kaya lagi na dapat magdadasal. sana magkaroon na ko ng trabaho para magkaroon na ko ng sweldo na pera para pambili ko ng mga madaming pagkain...

sa july 27 pa yung oath taking sa manila hotel. ang tagal pa gusto ko na makita yung lisensya ko at mahagkan. bwahaha di pa nga pala ako nakakapag-register sa prc para dun sa martes pa haha

kailangang kumain ng madami para laging malusog at hindi mahina ang katawan.

APIR!!!!!!!!!

Saturday, June 21, 2008

undo

meh sakit yata ako. kasi nanunuod lang naman ako ng tv. tapos bigla ko na lang naalala yung magiging result ng exam. tapos biglang sumasakit yung tyan ko. para akong natatae. ganon na lang parati. dalawang araw na. lalo kapag yung nakakatawa yung pinapanuod ko, yung wawawi. yung si pokwang. tapos bigla ko na lang maiisip na, tawa ako ng tawa tapos bagsak pala ako. tapos nalulungkot na ko tapos ayun nag-uumpisa nang sumakit tyan ko. :-(

yung araw bago yung exam nagbabasa basa pa rin ako. habang nanunuod ng tv syempre. nang biglang nagring ang telepono. tapos sinagot ko. si go lang pala. yung kaklase ko na sinungaling. na hindi daw sya makakapagboard exam kasi hindi daw sya tinanggap ng prc. yun pala natanggap talaga sya. pero sinabi nya sa 'min na hindi. ayun. nagulat lang ako nung tumawag sya. sabi ko
shocks! april??..
hayun. sabi nya,,
meron ako nakuhang leakage bwahaha punta ka sa dorm ngayundin!
kaya nagpunta naman ako, sabi ko sa nanay ko..
mama alis ako.
sabi nya,,
saan ka pupunta? magkikita lang kayo ni ralph e!
hindi na lang ako nagsalita kasi hindi ko alam sasabihin ko haha..tamang hinala kasi sya parati. ayun. pagkadating ko sa dorm nila nakita ko na yung leak daw haha. ayun binasa ko, pinagpuyatan ko talaga kahit parang mas may kwenta pa yung binabasa kong libro kanina eh binasa ko pa rin.

kinabukasan, exam na.

unang subject yung leak daw.. excited pa ko. ayos.
tapos, pagtingin ko sa test paper
ngek! ano to?!

napapakunot noo nalang ako. kamot sa ulo habang nagsasagot. sana makachamba. sabi ko sa utak ko,,
sinungaling ka talaga gago!
mula nun hindi na ko naniwala sa mga leak na yan. panira ng tahimik na buhay. sarap pa naman sana ng basa ko habang nuod tv tapos bigla nya ko pinapunta haha.

pero ayos lang . madami naman ako natutunan dun haha. isang test paper lang siguro yun na gawa nung prof namin dati. haha kahit isa kasi sa mga tanong dun wala lumabas e. haha

lagi na lang ako nagpa-palpitate. tensyonado. pinagpapawisan ng malamig. natatae.
sana chikan nung machine yung answer sheet ko. sana hindi nya i-invalidate. kasi inayos ko talaga yung pag-shade ko nung mga sagot ko, siniguro ko na walang lagpas din sa parang box. di ko nga lang masyado sigurado kasi naiwan ko yung antipara ko nung first day kakamadali ko. kaya sigurado may lagpas dun. kaya diskumpyado na ko dun,, pero wag naman sana..

bwahaha. magpapakulong ako sa mental pag naalam ko na yung result. taeng tae na ko.

Saturday, June 14, 2008

emily

nakaka bored ang board exam. magdadasal ako sana makapasa ako at ang iba pa. bwahaha! wala na kasi ako pag-asa. kawawa naman ako... kung hindi nga para sa 'kin yun tatanggapin ko. meron pa naman ulit exam sa December. pero ayoko na kasi mag-exam nun. gusto ko ngayon na. ngayon lang. ayoko na umulit. sana makapasa kami lahat para ayos...


The sun has set and the gray sky fade in blue
Been wanting to say goodbye but it leads me back to you
And the rain starts to fall down
As I watch the stars crash into the night
I wish I could turn, turn back the hands of time

As I pick up all the pieces that you have left behind
My heart bleeds your smile and my soul starts to die

Now I'm screaming I'm shouting I can't hear a thing
My eyes burn and blister I can't feel the pain
I don't know why I'm here
I don't know why I'm here

But I simply can't
No I simply can't


si whimpy yung mahilig kumain ng burger sabi ni chito. di ko sya kilala sana makilala ko sya. kanta ng paraluman. astig! Ü

Sunday, June 1, 2008

yehey! birthday ko bukas...Ü

Friday, May 23, 2008

the joy of suffering

sa wakas nakapag-file na din ako sa PRC. nagkaroon pa ng problema buti naayos pa din. ayaw kasi tanggapin yung birth certificate ko na galing sa NSO. kasi daw malabo. naaaninag naman pero confusing daw.. hinanap pa rin yung local na birth certificate ko. hayun, tinawagan ko si mama para ipahatid kay papa. ang bait ng tatay ko ang bilis nya dumating. kaya 11am pa lang nakatapos na ko magfile. tinulungan din ako ng mga kaklase ko. ang galing kasi sila yung nagpila para sa 'kin. sila din yung nag fill up ng iba ko pang mga pi-fill up-an. bwahaha. mga tunay silang kaibigan. kasi hinintay pa nila ako matapos bago sila umuwi kasi tapos na sila.. ang dami dami pini-fill up-an.. tapos meron pa yung nisi-shade ng pencil no.2 tapos yung machine daw magchi-check nun. ang panget ko nga mag-shade ehh, lagpas lagpas. baka isuka lang yun ng machine. haha sana naman makapag-exam ako at sana pumasado kami lahat para ayos! Ü

dahil gutom kami, kumain kami ni cez sa greenwich sa morayta. dami namin kinain, food trip.

tapos nagpunta kami sa dorm nila april. bago kami nakarating dun, naligaw pa kami dalawa. haha. dalawang beses pa lang kasi ako nakapunta dun kaya hindi ko pa alam. ehh sabi ni cez alam nya kaya naglakad kami ng naglakad pagkababa ng jeep. haha tapos bigla nya sinabi na yun din daw yung dinaanan nya nung naligaw sya haha kaya ayun tinawagan nya si karen tapos bumalik kami hanggang naalala na nya yung daan. haha abnuy talaga yun..

malapit na birthday ko.

Friday, May 16, 2008

realize..

natapos na ang pre board. mukhang pasado naman ako. pero ewan ko lang din. baka mabago pa yon. kung ano nalang mapagdesisyunan nila. bahala sila sa buhay nila. bwahaha. salamat sa mga nagdasal na sana pumasa ako. salamat din sa mga humiling na sana hindi ako pumasa. haha. at least pinagdasal pa din ako kahit pano.. sa 'kin naman nakasalalay kung mangyayari nga 'yon.

na check an na kasi. haha. nalaman ko na may isa akong bagsak. yung radsci. sabi nga nila mahirap daw talaga yun. kasi pitong subject ba naman yung pinagsama sa iisang subject na radsci na yon. napatunayan yun sa score kong 40 over 100 sa subject na yon. sayang wala pang tumama sa mga hula ko kahit sampu.

70 percent naman yung average nun kaya ok lang daw. pero pag below 60 percent yun,, eexamin ko yun ulit.

na-realized ko na ganon pala yun.. yehey!

lss ko.......................
realize by colbie caillat

kaka download ko lang sa limewire..wala lang hehe..adik ako.
satin saten lang.Ü
 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo