
christmas break is now!
ang galing magpapasko nanaman. magiging masaya nanaman ang mga bata. ang pasko ay para sa mga bata.
kahapon ay nag - christmas party sa skul. ang galing ng natanggap ko sa exchange gift namin.. isang P U L P magazine. bwahaha! nagustuhan ko talaga. kasi isang nakakatuwang bagay na alam nung taong magreregalo sa'yo kung ano ang gusto mo. kasi kilalang kilala ka na nya. at alam nyang matutuwa ka sa ireregalo nya..
at nakita ko din sya kagabi at naibigay ko na yung larawan sa kanya.. pinasulatan nya sa 'kin yung likod.. hindi ko alam ang isusulat ko kaya merry christmass nalang. na - mali nga yung spelling ng christmas sa pagkakasulat ko eh pero sabi nya ok lang.. tapos sinamahan ko sya kasi mag - isa lang sya ehh.. tapos nilalagnat pa sya.. haha. dahil isa syang matalik na kaibigan.
nung nagpunta kami sa isang bar sa malate, sumunod sya kahit meh sakit.. tapos tabi kami sa table. haha. tahimik lang sya tapos nagtetxt lang. ako inom lang ako ng alak. pati rin pala sya.. tapos sila ser sumasayaw.. haha.. dahil tahimik sya naisip kong tanungin sya.. kung sino yung i've learn today that i need you more each day nya.. tapos nagturo sya.. sabi ko sino.. sabi nya tinuro na nya.. sabi ko naman, di ko nakita sabihin mo na kung sino.. ayaw nya parin sabihin.. kinukulit ko na sya.. tapos tinuro nya ko. hahaha ako pala! aba teka.. ako? bakit ako.. ayaw nya sabihin sa 'kin kung bakit.. naman. uminom nalang ako ng alak. tapos umalis na sya. nauna sya umuwi..
umalis kami ng bar na yon ng quarter to 3am na.. tamang tama para sa simbang gabi. bangag ako pero nakapagsimba pa ako ng maayos. si april, tulog. bagsak. hahaha.



0 kumento:
Post a Comment
where have you been. Ive been so alone. i dont know how ive lasted this long.