Monday, December 11, 2006

ito na ang bago kong blog.. sa pagbabagong buhay na gagawin ay dapat na maging masaya. . pilitin ang makakaya. para lamang sumaya.. dapat na itong umpisahan.. masaya lang dapat..

masaya ako sa aking pagbabalik mula sa pagpunta sa baguio. meh pangyayari kasi na lubos kong ikinatutuwa. sa aking pag-alis. kasama ko ang mga mabubuti kong kaibigan at mga kaklase at mga kaeskwela.

akalain kong makakatabi ko sa bus sa aming pagpunta si sha.. hehe,, ehh sya pa yung gustong tumabi sa 'kin kasi ni-save-an nya ko ng upuan dun pa sa tabi ng bintana tulad ng gusto ko.. ipinaririnig nya sa 'kin ang mga musika sa kanyang discman.. paulit ulit lang naman na walts ng hale at pag-alis ni barbie almalbis ang mga kanta.. hahaha. gusto ko rin naman ito. pero sa 'kin pag di ko kasi gaanong gusto ay adali akong nagsasawa.,

mahaba ang byahe.. pinananabikan namin ang pag-stop over ng bus. para makapagyosi kahit isang stick lang..ang bawat cr naman ay meh kabayaran.. buti nalang hindi ako laging na-ccr..hehehe.

tahiik lang ako sa byahe.. yun daw yung nagustuhan ni sha sa pagtabi sa akin.. hindi daw ako salita ng salita kwento ng kwento at kain ng kain tulad ni master.. hehehe.. sya nag yung nagpapatawa dun..

gabi na nung paakyat pa lang ng baguio..kaya hindi ko tuloy nakita yung mga makikita kapag umaakyat na.. sobrang dilim kasi.. hehehe.

dala ko ang bear na binigay sakin ni jonathan para daw magbantay sa 'kin duon. haha. anu kaya ang magagawa nun.. weird pero ginawa ko na lang para di na nya ako kulitin. at bilang ebidensya,ni-picture-an ko sya doon sa teachers camp..

nung pangalawang gabi ay naglalakad lakad kami.. naglakad kai hanggang akarating ng session road.. habang naglalakad nasa huli kami dalawa ni ralph. anlamig. kahit naka-jacket. kaya hinawakan ko yung kamay nya. mas mainit yung kamay nya kaysa sakin. kaya medyo nababawasan ang panlalamig ko.

balak namin mag-inuman sa may session road.. eh kaya lang meh mga bading dun. sinigawan nya ko. kaya nag-walk out ako at naiiyak ako habang naglalakad. akala ko ako lang yung umalis.. sinundan pala ako ni ralph. tinatanoong nya ko kung san na kami pupunta. hindi nman ako nagsasalita.

umiyak nalang ako. gusto ko na umuwi.


kahit gusto ko sumaya,meh mga mangyayari pa ring magpapalungkot sa 'kin.. hindi inaasahan na biglabigla na lang. ..

0 kumento:

Post a Comment

where have you been. Ive been so alone. i dont know how ive lasted this long.

 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo