humahanap ako ng isang pagkakataon para makasamang muli ang isang taong ayoko na sana makasama. hehe kahit kelan talaga ay magulo ang isip ko. wala kasing closure. maayos na pag-uusap. o ano pa man. ayun lang naman at wala nang iba. huling pagkakataon. dati na sya humihiling sa 'kin ng ganon. na magkita kami for old time's sake. pero hndi ako nagpakita kasi natatakot ako. sabi ko isasama ko si ralph e ayaw nya gusto nya kami lang dalawa e ayoko nga.. haha
nung sat meh patient ako na kaapelido nya. nagulat talaga ako kasi baka kamag-anak nya yung bata haha. at naalala ko nanaman sya. wala na kasi sya halos sa isip ko nun tapos lately, bigla nanaman sya pumapasok sa isip ko nang dahil lang sa mga ganung instances. tapos nung gabi, nanuod ako ng 1 vs 100 yung laro ni jay contreras kalaban nya yung 100 na bakla. meh isang question kasi tungkol dun sa indie film na ang pagdadalaga ni maximo oliveros. kung ano daw yung tarbaho nung lalaking crush ni maxi. syempre alam ko yung sagot. pulis yung crush nya. alam ko, kasi pinanuod ko yun at sya yung kasama ko nun pinanuod ko yun. at naalala ko nanaman sya. infairness, ang galing ni idol jay, nanalo ng 2million pesos sa 1 vs 100..natalo nya ang mga nakararaming bakla.haha
natatakot ako kapag nagkita kayo. kasi baka sabihin mo na mahal mo pa rin sya at iiwan mo ko. katulad ng sa mga pelikula. yung magka loveteam na bida na nagkahiwalay tapos nagkaroon sila ng kanya kanyang syota pero in the end iiwan nila sila tapos magbabalikan yung mag loveteam. haha ang kulit..
last song syndrome ang 14 ng silent sanctuary. Ü
Inaayos ko ang iyong isipan
Ngunit di ka naman nakikinig
Lahat na ng bagay ay aking ginawa ngunit
Wala parin
Ilang beses ko bang sasabihin na
Wala nang kwenta ang nakaraan
Pero ngayo'y pinipilit
Ikaw lang ang nais kong makasama
Wala na kong gusto pang balikan
Kahit ako'y papiliin ikaw ay umasa
Gusto kang makapiling
Lagi na lang tayo nag-aaway
Kahit di dapat pag-awayan
Tuwing ika'y lumuluha ako'y nasasaktan
Pag nakikita kang ganyan
Sige na, tahan na, dahil mahal na mahal kita
Ikaw lang kasi, maniwala ka
Ikaw lang ang nais kong makasama
Wala na kong gusto pang balikan
Kahit ako'y papiliin ikaw ay umasa
Gusto kang makapiling
Pero bakit ganyan
Tayo ay napaglalaruan
Siguro nga'y sadyang ganyan
Ibibigay ko ang lahat
Pati na rin ang 'yong pangarap
Sasamahan kita kahit saan
Kahit saan
Ikaw lang ang nais kong makasama
Wala na kong gusto pang balikan
Kahit ako'y papiliin ikaw ay umasa
Gusto kang makapiling
kahit hindi nawawala sa isip ko, kahit lagi ko naaalala, kasi parating meh mga bagay na nagpapaalala sa kanya, wala nang kwenta yun. hindi ko naman talaga gusto sya makasama ulit. ilang beses nya ko ni-txt na magkita kami pero hindi ako pumayag dahil sa'yo.Ü at ayoko rin naman talaga. mas pinili kita..Ü
si paolo na tropa ni jonathan, meh asawa't anak na haha.. ang haba pa ng pangalan nung anak nya, andrie jericho gabriel castro. kamusta naman. natutuwa ako kasi masaya sila Ü
Chicken Chow Mein Recipe
1 day ago



2 kumento:
Mahirap din yung palaging umiiwas. Baka kapag nakausap mo na siya, matapos na ang pag-iwas, ang mga alaala, magiging masakit pero pagkatapos nun, wala na, sana.
Huwaw, ano ba itong sinasabi ko, hehe=)
sis, could you do me a favor? please vote for my blog here. thanks in advance!
Post a Comment
where have you been. Ive been so alone. i dont know how ive lasted this long.