Monday, January 14, 2008

ice cream..

natapos ko na ang unang 100 items na exam. 400 items nalang ang natitira para maka-graduate. natural lang sa mga taong bobo na katulad ko ang sobrang mahirapan sa exam na yun. isa ako sa pinakahuli na natapos. tapos na ang lahat ako hindi pa. madami pa akong hindi nasasagutan at wala pa sa kalahati ng kabuuan. kaya dinalian ko na. mabagal kasi talaga ako mag-isip. mas mabilis ang manghula. kaya yun nalang ang ginawa ko. ayoko kasi sa lahat yung napag-iiwanan ako. madalas ko naman ginagawa ang manghula. madalas din akong nakakachamba sa tamang sagot. sa susunod na isangdaang items na exam, ganon ulit. nakasalalay ang lahat sa galing kong manghula.

sinisipon ako at meh konting ubo. hinawaan mo ko... pero ayos lang kasi kahit pano nadadamayan kita sa sakit mo. sana gumaling na tayong dalawa. para makakain na tayo ng ice cream na masarap.Ü

1 kumento:

arvin said...

Gudluck sa exams, buti ka pa, gagradweyt na, haay, hehe.

Post a Comment

where have you been. Ive been so alone. i dont know how ive lasted this long.

 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo