Saturday, May 7, 2011

Pizza pasta

Nanood ako ng tv tungkol sa pagkain sa europe ang pasta at pizza. Kaya naman ngayon nagcrave ako ng sobra sa pizza at carbonara. Sa shakeys. Aww!


Matapos ang 2 days na off, may pasok nanaman bukas. Nanaman. Paulit ulit. Boring talaga. As in. Sobra. Grabe. Hay!


Nakakalungkot. Unti unti na umaalis yung mga ka batch ko na nagwowork sa hospital. 2 nalang kami matitira c bai at ako. Kasi paalis na si ann nakapagpasa na ng resignation. Punta na syang Dubai. Kami ni bai yung wala pa plano sa buhay na seryoso. Pero yun kuntento na yata yun sa buhay nya.


Gabi nanaman. Maya maya lang umaga na. Ang bilis ng oras. Pero antagal pa rin mag August. Inaabangan ko nanaman ang pagbabalik nya. Na napakatagal pagkatapos ng napakabilis na pagalis magaabang nanaman muli ng kanyang pagdating at aming muling pagkikita. Naiinis ako. Bakit ganon.


Kahit ano mangyari wag kang lilingon.

0 kumento:

Post a Comment

where have you been. Ive been so alone. i dont know how ive lasted this long.

 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo