Mula nung malipat sa ibang section ay tuluyan ng naging busy ang may ari ng blogsite na to. Mag isa lang kasi sya sa section na iyon at walang walang kasama. Obvious ba na busy sya. Oo. Tinanong ko pa. Anyway, ngayong may hitech na syang selepono at may wifi na rin ang bahay nila, malamang sa oo, na madalas na nyang maa - update ang blogsite na ito palagi. Kamusta ang summer mo? Eto lusaw na ko. Sobrang init. Parang ang hirap hirap n talagang huminga. Ito na ang global warming. Dati di naman ganito. Yun tipong hindi mo mararamdamang summer nga. At magiinit ka pa rin ng tubig s umaga kasi malamig ang tubig sa pagligo. Pero ngayon, halos maya maya gusto ko na maligo palagi. Nagpunta ako s puerto galera nung holy week at nagpatusta sa ilalim ng nagsusumiklab na sinag ng araw. Pero ang sarap magswimming. Mainit ang buhangin na maputi pero malamig ang tubig dagat. Sarap din. Meh nakilala pa kong tatlong gago dun. Yung isa sa kanila kras ko yung long hair. Kaso bading sila. Masasarap ang pagkain dun at natikman ko ang mindoro sling na parang juice lang talaga. Halos ako lang nakaubos nung isang pitchel nun. Ok naman.
Sa ngayon inaabangan ko maipalabas sa sinehan yung kung fu panda 2. Sabi nung kasamahan ko sa trabaho sa May 19 daw yun ipapalabas. Pagiipunan ko na. Gusto ko sa 3d. Ang saya manood ng ganon. Pero minsan kinakabahan din ako dun sa pang 3d na eyeglasses baka lang kasi may sore eyes yung huling gumamit nun baka mahawa ako. Ayoko magkasakit ng kahit na ano. Lalo na ngayong summer at sobrang init. Parang matutuluyan talaga ako pag nagkasakit ako ngayon.
Sana bumalik ka na dito samahan mo na ako ulit...
Chicken Chow Mein Recipe
1 day ago



0 kumento:
Post a Comment
where have you been. Ive been so alone. i dont know how ive lasted this long.