Wednesday, January 17, 2018

mean machine

ngayong araw na ito ang unang beses na gumastos ako ng malaki. napabili kasi ako ng macbook pro 2017. pangarap ko kasi ito noon pa. grabe napaisip ako sa sandaling pagkakataon habang binabayaran ko na. na wala pa nga yung bonus ko, nagastos ko na. pero masaya naman ako kasi may macbook na ko, pro pa. sana maging worth it naman to sakin.

last week ay nakauwi kami ng asawa ko sa Pinas. naimbitahan kasi kami nung dati kong katrabaho sa hostipal noon na sumaksi sa kanyang sakal sa napakaganda nyang asawa. grabe, bakit nga kaya sa mga oras na ikakasal na yung babae, parang yun ang panahon na siya ay nagiging pinakamaganda sa lahat ng babae. syempre bukod sakin, dahil napakapangit ko noong kinakasal ako. pero pwede na. kahit simple lang ang make up nila ay sila pa rin ang pinakamaganda sa loob ng simbahan sa oras ng kasal nila. anong hiwaga ang bumabalot dito.

napakaganda ng kasalan nila, di maitatanggi ang karangyaan nito. mahusay ang kanilang wedding coordinator dahil sa naging maayos ang bawat detalye ng kasalan. milyon ang halaga ng pagpapamalas nila ng pagmamahalan at pagiging iisa na lamang. sa kasalan na yon ay muli ko ring nasilayan ang mga dati kong kasamahan sa trabaho. hindi pa rin sila nagbago, mas yumaman lang. halos silang lahat kasi ay nagtatrabaho na rin sa iba ibang bansa. pero ganon pa rin sila mga maloko at mabisyo. akalain mo yun, sila yung mga dati kong nakakasama sa pagyoyosi sa dark room namin noon. nahihingian ko ng yosi pag walang wala ako. nakaka duty ko sa night duty. nakakamiss din magtrabaho sa Pinas, kaso lang ang hirap. hirap na sa trabaho, ang baba pa ng sweldo. sarap sana magtrabaho sa Pinas, kasi araw araw mong makakasama ang kumpleto mong pamilya. yun ang hirap na katumbas ng malaking sweldo, yung mapapalayo ka sa pamilya mo. lagi mo maiisip na kung nandyan sila kasama mo, mapapawi na ang pagod sa trabaho. at sa pag uwi mo mula sa buong araw na kayod, meron nang nakahandang masarap na pagkain na paborito mo ang sasalubong sayo kung nasa pinas ka. dahil ofw ka, hanggang kain na lang muna sa labas.

nakapunta rin kami ng asawa ko sa tagaytay, kasama ang pamilya nya. kasama ang pamangkin nyang napaka cute. si Ooy na 6 months pa lamang. kumain kami ng bulalo at maraming crispy tawilis. ang sarap sarap talaga. kinabukasan nun ay umuwi naman kami sa bahay sa QC. commute lang kami, nag bus kami, bus ulit tapos pumila ng higit isang oras sa jeep pero walang dumarating, kaya nag taxi nalang kami. sa mga sandaling yun, nakita namin ang kapal ng mga taong gustong makasakay pauwi pero walang masakyan. kabilang naman kami dun. ang hirap ng trnsportasyon sa Pinas.

0 kumento:

Post a Comment

where have you been. Ive been so alone. i dont know how ive lasted this long.

 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo