Sunday, January 20, 2008

super sorry..

nagpagupit ako ng buhok. yung buhok ni mairene ginaya ko haha.

300items na lang.
bagsak na ko dun photochem yun e. wala ako binatbat dun. sakit nga sa ulo, parang occluded na yung maliliit na ugat ng utak ko. tapos nabwiset pa ko kay sir mike kasi ayaw nya ko gawing emcee sa seminar namin sa march..

anu na lang kaya ang mangyayari. kahit man lang sana pagawin nya ko ng intermission number. tsk!

e ang gusto nya, gawin akong cameraman at photographer! ayoko nga. sa food and snacks na lang ako. tapos itatago ko yung mga pagkain para wala na silang kainin. bwahaha! >:)

kanina wala akong spoilage..Ü wahaha ang galing ko..

sana maging ok na naman ang lahat..

..gusto ko kantahan mo ko. yung song na gusto mong ihandog sa 'kin.. tapos dapat gagalingan mo yung pagkanta kahit hindi ka marunong kumanta kasi alam mong para sa 'kin yon kaya dapat gandahan.. yun ang effort. ayun lang. ganon lang kasimple mga gusto ko. alam kong hindi mo naman magagawa kaya ayos lang Ü

Wednesday, January 16, 2008

dartboard

badtrip yung tech na yun. chest lang hindi ko alam? mas higit pa dun yung ginagawa ko sa pinanggalingan kong hostipal. haha, mayabang ako. hinahayaan ko lang sila kasi ayoko makielam. kasi nagagalit din naman sila kapag pinakikielaman sila. walang kwenta. tapos sasabihin nila hindi ako nage-xray,,e pano ako makakakilos e nandyan na naman sila. eepal ba ko. kaya hinahayaan ko na lang sila. tapos meh ganon na pananalita patungkol sa 'kin. kaepalan. e tutal wala naman sila tiwala sa mga intern ehdi bahala sila sa buhay nila. bwahaha!!!

basta sana bumilis pa ng mga araw para matapos na ang lahat...

the reason why i don't smile everytime i see you is that i'm afraid to catch your attention. because i have a killer smile that can hooked anyone. Ü bwahaha so put my cute picture in the center and target like a sniper. stop the boast. go to the comfort room and remove your big head.

Monday, January 14, 2008

ice cream..

natapos ko na ang unang 100 items na exam. 400 items nalang ang natitira para maka-graduate. natural lang sa mga taong bobo na katulad ko ang sobrang mahirapan sa exam na yun. isa ako sa pinakahuli na natapos. tapos na ang lahat ako hindi pa. madami pa akong hindi nasasagutan at wala pa sa kalahati ng kabuuan. kaya dinalian ko na. mabagal kasi talaga ako mag-isip. mas mabilis ang manghula. kaya yun nalang ang ginawa ko. ayoko kasi sa lahat yung napag-iiwanan ako. madalas ko naman ginagawa ang manghula. madalas din akong nakakachamba sa tamang sagot. sa susunod na isangdaang items na exam, ganon ulit. nakasalalay ang lahat sa galing kong manghula.

sinisipon ako at meh konting ubo. hinawaan mo ko... pero ayos lang kasi kahit pano nadadamayan kita sa sakit mo. sana gumaling na tayong dalawa. para makakain na tayo ng ice cream na masarap.Ü

Saturday, January 12, 2008

kape..

tahimik lang akong nakaupo sa upuan. walang pakielam sa mga taong nagdaraan sa aking harapan. sa iisang direksyon lang ako nakatingin at wala itong hangganan. pinalilipas ko ang aking oras sa pamamagitan lamang ng paggawa ng gawaing ito. walang kurap sa pagtitig sa kawalan. hinihipan ng hangin ang aking buhok. nagugulo ito subalit naaayos din. habang nakatingin sa kawalan, kasabay ng hangin ang paglipad ng aking isip. marami na itong nararating. mga masasayang eksena na hindi mawawala sa alaala. habang tumatagal, lumilipas na ang oras. natatapos ang kasayahan. ang lahat ay nagwawakas. meh mga bagay na mapapalitan ng ibang bagay. taong nagbabago ang pag - uugali. nagsasawa. ngunit sa katagalan, ay muling maiisipang gawin ang nakasanayan. muling magiging masaya at magsasawa ulit. walang magawa. kundi mag - isip. patuloy sa pananaginip. hindi mauubusan ng maiisip. kape muna.. Ü

Tuesday, January 8, 2008

fuschia yan!

humahanap ako ng isang pagkakataon para makasamang muli ang isang taong ayoko na sana makasama. hehe kahit kelan talaga ay magulo ang isip ko. wala kasing closure. maayos na pag-uusap. o ano pa man. ayun lang naman at wala nang iba. huling pagkakataon. dati na sya humihiling sa 'kin ng ganon. na magkita kami for old time's sake. pero hndi ako nagpakita kasi natatakot ako. sabi ko isasama ko si ralph e ayaw nya gusto nya kami lang dalawa e ayoko nga.. haha

nung sat meh patient ako na kaapelido nya. nagulat talaga ako kasi baka kamag-anak nya yung bata haha. at naalala ko nanaman sya. wala na kasi sya halos sa isip ko nun tapos lately, bigla nanaman sya pumapasok sa isip ko nang dahil lang sa mga ganung instances. tapos nung gabi, nanuod ako ng 1 vs 100 yung laro ni jay contreras kalaban nya yung 100 na bakla. meh isang question kasi tungkol dun sa indie film na ang pagdadalaga ni maximo oliveros. kung ano daw yung tarbaho nung lalaking crush ni maxi. syempre alam ko yung sagot. pulis yung crush nya. alam ko, kasi pinanuod ko yun at sya yung kasama ko nun pinanuod ko yun. at naalala ko nanaman sya. infairness, ang galing ni idol jay, nanalo ng 2million pesos sa 1 vs 100..natalo nya ang mga nakararaming bakla.haha

natatakot ako kapag nagkita kayo. kasi baka sabihin mo na mahal mo pa rin sya at iiwan mo ko. katulad ng sa mga pelikula. yung magka loveteam na bida na nagkahiwalay tapos nagkaroon sila ng kanya kanyang syota pero in the end iiwan nila sila tapos magbabalikan yung mag loveteam. haha ang kulit..

last song syndrome ang 14 ng silent sanctuary. Ü

Inaayos ko ang iyong isipan
Ngunit di ka naman nakikinig
Lahat na ng bagay ay aking ginawa ngunit
Wala parin

Ilang beses ko bang sasabihin na
Wala nang kwenta ang nakaraan
Pero ngayo'y pinipilit

Ikaw lang ang nais kong makasama
Wala na kong gusto pang balikan
Kahit ako'y papiliin ikaw ay umasa
Gusto kang makapiling

Lagi na lang tayo nag-aaway
Kahit di dapat pag-awayan
Tuwing ika'y lumuluha ako'y nasasaktan
Pag nakikita kang ganyan

Sige na, tahan na, dahil mahal na mahal kita
Ikaw lang kasi, maniwala ka

Ikaw lang ang nais kong makasama
Wala na kong gusto pang balikan
Kahit ako'y papiliin ikaw ay umasa
Gusto kang makapiling

Pero bakit ganyan
Tayo ay napaglalaruan
Siguro nga'y sadyang ganyan

Ibibigay ko ang lahat
Pati na rin ang 'yong pangarap
Sasamahan kita kahit saan
Kahit saan

Ikaw lang ang nais kong makasama
Wala na kong gusto pang balikan
Kahit ako'y papiliin ikaw ay umasa
Gusto kang makapiling


kahit hindi nawawala sa isip ko, kahit lagi ko naaalala, kasi parating meh mga bagay na nagpapaalala sa kanya, wala nang kwenta yun. hindi ko naman talaga gusto sya makasama ulit. ilang beses nya ko ni-txt na magkita kami pero hindi ako pumayag dahil sa'yo.Ü at ayoko rin naman talaga. mas pinili kita..Ü

si paolo na tropa ni jonathan, meh asawa't anak na haha.. ang haba pa ng pangalan nung anak nya, andrie jericho gabriel castro. kamusta naman. natutuwa ako kasi masaya sila Ü

Saturday, January 5, 2008

quiz

nag-umpisa ang taon sa mga quizzes tungkol sa report namin. at ang mga score ko ay pawang bagsak lamang.first day of the year first quiz first failed!Ü

hmm.. pano na lang sa board exam ko.. babagsak din kaya ako.. hala.. sana naman makapasa ako.. para magkalisensya at hindi mahirapan sa paghahanap ng magiging tarbaho ko. bwahaha!

sa bahay nga namin sya nag - new year. pinakain ko sya ng mga pagkain. tapos napainom pa sya ng mga pinsan ko ng tatlo yatang tagay ng alak. e hindi na sya madalas uminom kaya sabi nya iba na daw ang panlasa nya pagdating sa alak. tapos dito na din sya natulog sa bahay. Ü

at kinabukasan, magkasama pa rin kami. maghapon yun. ansaya wala kami pakielam sa oras. sinamahan ko sya hanggang sa magkaroon na sya ng kasama. ayoko kasi ng nag-iisa sya, kung ano ano kasi pinagsasasabi nya habang ka-txt ko sya pag ganon nag-iisa sya. nag-e-emo. haha Ü

dahil sa quiz na yun kung saan bagsak ako, naisipan ko ngayon na magsagot naman ng iba pang quiz at ito ang naging resulta:

***You Are 45% Left Brained, 55% Right Brained***


The left side of your brain controls verbal ability, attention to detail, and reasoning.
Left brained people are good at communication and persuading others.
If you're left brained, you are likely good at math and logic.
Your left brain prefers dogs, reading, and quiet.

The right side of your brain is all about creativity and flexibility.
Daring and intuitive, right brained people see the world in their unique way.
If you're right brained, you likely have a talent for creative writing and art.
Your right brain prefers day dreaming, philosophy, and sports.


Are You Right or Left Brained?
http://www.blogthings.com/areyourightorleftbrainedquiz/



nyeh,hindi pantay ang utak ko..tsk.

***You Act Like You Are 23 Years Old***


You are a twentysomething at heart. You feel like an adult, and you're optimistic about life.
You feel excited about what's to come... love, work, and new experiences.

You're still figuring out your place in the world and how you want your life to shape up.
The world is full of possibilities, and you can't wait to explore many of them.


What Age Do You Act?
http://www.blogthings.com/whatagequiz/


nyeh, mas matanda na pala ako kung umasta sa edad ko. hahaha. garabeh lakas tawa hahaha

di bale quiz lang yan at makakabawi din..Ü
 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo