Thursday, October 29, 2009

सो.

my eyes are wet. sobbing in tears. but i assured that no one saw me. I'm very sad. it came to my mind the thinking of how do i live with the pain. i really miss him badly. in the airport, i was supposed to cry but i held it until i got home. seeing him walking away from me and waving his right hand goodbye upon entering the entrance for boarding. he is now far from me. it may count a year before I'll see him again. i hope not. because i will follow him soon.

Sunday, October 25, 2009

ere

Muli nanaman akong napaiyak ng titanic. Sa daming beses ko nang napapanuod yun ay paulit ulit pa rin ang nangyayari. Next week hindi ko na makikita si ralph. Isang taon din ang lilipas. Hanggang tatlong taon. Aalis na kasi sya. Sa ibang bansa na sya magtatarbaho. Sa singapore lang naman. kahit kalapit na bansa lang yun, malayo pa rin. Kasi apat na oras ang byahe sa ere. Mag-isa na lang ako. Wala na akong kasama. Sya kasi lagi ko kasama tuwing umaalis ako. Pag manunuod ng gigs. Pag manunuod ng movie. Pag magkakape sa seattles best. Pag maglalaro sa timezone. Katabi ko maglaro ng guitarhero dun. Kalaban ko sa basketball sa paramihan ng pagshoot ng bola. Hindi nya pa rin ako natatalo dun eh. Sa panunuod ng ice skating sa asia mall. Sa lakas trip na paglalakad hanggang espanya. Kasi pwede naman kami mag-jeep pero mas gusto namin maglakad ng mabagal. Sa pagkain ng siomai. Sa pagpunta sa mga lugar na hindi pa namin napupuntahan. Sa kwentuhan. Sa asaran. Na sa bandang huli ako rin ang talo. Pero ako rin yung nagsimula. Sa pagkain ng silvanas. Sa tokyo tokyo. Sa kenny rogers. Sa kfc. Sa jollibee. Sa mcdo. Sa chowking. Sa piCha huT. Sa greenwich. Sa canteen. Kasalo sa hapagkainan sa ever. katabi sa bus. Sa soundtrip. Sa tambay. at sa lahat. Di ko akalain na magkakalayo nga tayo. Pero open naman ako sa usaping yun dati. Di ko lang talaga akalAin. Na mangyayari yun agad. Masyado akong naging dependent sayo. Sana matupad nga ang mga plano natin. Iisipin ko nalang na saglit lang yun. At mabilis na mabilis lang lilipas ang mga oras. At di magtatagal, mapupuntahan din kita. Sana nga maging okey ang lahat. at makakapagsama na din habambuhay. dati gusto ko nga maghiwalay na tayo ng landas. Pero hindi pala ganon kadali yun. Pero dati, naiisipan ko yun gawin. Akala ko nga talaga madali lang. Pero hindi pala. Ang sama sa loob. Lalo na yung matagal na nating pinlano nuon para sa mga susunod na buwan. Na hindi na matutuloy. kung matutuloy man mukhang ako na lang mag-isa ang tutupad. Ang tanging hiling ko lang, sana after 3 years, okey pa rin tayo. Bestfriend ko. Man ko. Buhay ko.

Tuesday, October 13, 2009

daan lang

Yung kapatid kong 6 years old, napakatamad mag-aral. Gusto nya lang makipaglaro sa pamangkin nya na anak ng pinsan ko na kalbo. Alam kong bata pa sya kaya siguro hindi pa talaga masyado nagsi-sink in sa utak nya ang pag-aaral pero bakit ako maaga ako nag-aral pero natuto naman ako. at walang tv nuon at wala akong kalaro at wala pa kaming kapitbahay na may tindahan. Kaya hindi bungal ngipin ko dati kasi walang mabibilhan ng candy. Di katulad ngayon, halos lahat ng bata puro bungal. Iba na ngayon.

Napansin ko na lang ang sarili ko na nanunuod ng nami-miss ko nang panuorin na sailormoon sa youtube. Lagi ko yun pinapanuod dati sa abc5 na ngayon ay tv5 na tuwing sabado alas shete ng gabi.

Nagising ang natutulog kong pag-iisip na kailangan ko maalam ang lahat nuong nasa kinder ako (pakiramdam ko nuon parang antagal tagal kong magkinder). Kasi yung teacher ko nuon, pinahiya ako. meh sinulat sya sa blackboard, math yun eh, tapos tinawag nya ako. Hindi ko kasi sya tinitignan kasi natatakot ako sa kanya kaya siguro tinawag ako. Eh ayoko tumayo at lumapit sa blackboard kasi hindi ko alam yung sagot. Nakayuko lang ako at hindi ko sya pinapansin. Nainis siguro sya kaya binuhat nya ko mula sa upuan ko at dinala sa blackboard. Umiiyak n ko sa harap. Sobrang pahiya talaga ako. Kaya nagsipag na ko mag-aral mula nun. At yun ang naging trauma ko kaya naging sobrang mahiyain ako ngayon. Kasi mula nun naging mahiyain na ako.

Isang beses, naalala ko, parang ayaw ko pumasok. Pero pinilit ako nung tagapagalaga sa 'min dati na bihisan at ihatid sa day care center. Pagdating namin dun, wala ngang pasok. umuwi na lang kami. Nakaramdam nanaman ako ng hiya. Kasi kapag meh nakakita sa 'kin na naka-uniform tutuksuhin ako at pagtatawanan. Pero bago pa kami umuwi nun, ay bumili pa kami sa bakery kaya nagtago ako. Binababa ko lang yung katawan ko at ulo lang yung nililitaw ko sa tindahan para hindi makita na naka-uniform nga ako.

hay buhay...

Ang sarap tumigil sa ginagawa at alalahanin ang kabataan ko habang nagkakape. Salamat sa libreng wifi ng sm north the block. Hahaha.

Monday, October 12, 2009

samasama

kanina umaga na ko nakauwi mula sa painuman sa mandaluyong. Ok naman yung lugar at mura ang isang bucket ng beer at masarap ang pulutan. Pati nga din yung sawsawan nasimot din. Kasama ko ang mga kaibigan ko. Tatlo lang sila. Birthday ng isa. Kaya nagpulong kami para i-set ang gagawing ritwal para sa mga magcecelebrate ng birthday. Inuman. Night duty dapat ako pero nagawa kong hindi pumasok at mag-leave para lang sa okasyon. ayos naman kasi meh isa akong kasamahan na nakisama para makasama ako sa samahan. Sama na. Hehe.

Sunday, September 13, 2009

kamay


Hiling
Silent Sanctuary


Minsan di ko maiwasang isipan ka
Lalo na sa t'wing nag iisa
Ano na kaya balita sayo
Naiisip mo rin kaya ako

Simula nang ikaw ay mawala
Wala nang dahilan para lumuha
Damdamin pilit ko nang tinatago
Hinahanap ka parin ng aking puso
Parang kulang nga kapag ika'y wala

At ihiling sa mga bituin
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin
Ihiling kahit dumilim
Ang aking daan na tatahakin
Patungo...

Ala ala mong tinangay na ng hangin
Sa langit ko na lamang ba yayakapin
Nasan kana kaya, aasa ba sa wala

At ihiling sa mga bituin
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin
Ihiling kahit dumilim
Ang aking daan na tatahakin
Patungo sa iyo, patungo sa iyo

Ipipikit ko ang aking mata dahil
Nais ka lamang mahagkan
Nais ko lamang masilalayan
Kahit alam kong tapos na
Kahit alam kong wala ka na...

At Hihiling sa mga bituin
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin
Hihiling kahit dumilim
Ang aking daan na tatahakin
Patungo sa iyo, patungo sa iyo

Sunday, August 16, 2009

awtistiko

ang totoo nahihiya na talaga ako. kasi ang kapal kapal na ng muka ko. kahit sarili ko hindi makapaniwala. na nagawa ko ang mga bagay na hindi ko naman dating ginagawa. tama na nga siguro yun. simula ngayon, pipilitin ko nang ibalik ang dati. ayoko na ng ganito. ayoko na ulit magbago. sino ang susunod na sasaktan ko?... hanggang kailan ba dapat maging ganito.. ayoko na talaga. gusto ko na ulit mag-isa...

labis akong nalulungkot. at natutuwa. hindi ko alam kung ano ang mas matimbang. nababaliw na ako. hindi ko na rin alam ang gagawin ko. sana autistic na lang ako. tapos lalabas ako ng bahay. tapos hindi ako sinundan ng bantay ko. kaya nawala na ko. dahil autistic ako, hindi na ko nakauwi pang muli ng bahay namin. wala na rin problema ang mga tao sa paligid ko. dahil wala na silang kasamang autistic. magiging masaya na rin sila sa wakas nang dahil sa 'kin. wala nang makulit na hindi makaintindi at may sariling mundo. at ako naman, mag-isa na lang ako. walang kasama. mag-isang palaboy laboy sa daan.

kapag nakaramdam na ko ng gutom, maghahanap ako ng pagkain. mang-aagaw. mamumulot. kahit marumi kakainin ko. hindi ko naman alam na marumi yun eh. kasi nga autistic ako. hehe. tapos meh makikita akong matanda sa paradahan ng mga sasakyan. isinisigaw nya ang mga salitang "san mateo, maly!". papanuorin ko sya. binibigyan sya ng kung ano ng mga nagmamaneho ng dyipni. kumakalansing. at meh humabol pang sumabit na lang sa dyipni. ang galing. kahit mahina na sya, ginagawa nya pa rin yun. minsan sa sobrang bagal nyang lumakad, umalis na lang ang nagmamadaling dyipni para humanap pa ng ibang pasahero nang hindi pa sya nabibigyan ng kumakalansing na barya.

tapos meh makakakita sa akin na isang kalapit bahay namin. niyayaya nya akong umuwi. pero hindi ako sasama sa kanya. kasi nga makulit ako. autistic ako eh...

hanggang sa pang apat na araw ay hindi pa rin ako nahahanap ng pamilya ko. tuluyan na akong nasanay sa lansangan. matulog sa malamig na bangketa. sumakit ang tyan sa nakain kong hindi masarap. pero kinain ko pa rin kasi akala ko masarap. kasi autistic ako.

hanggang sa isang araw napangiti na lang ako bigla. isang maliwanag na bagay ang paparating ngayon. papalapit ng papalapit sa akin. at pagkatapos, isang malakas na ingay ng busina. lalo lang akong naging masaya. nang malapit na sya, bigla akong natumba. ano ito. meh likidong dumaloy sa muka ko. ayaw tumigil. ayaw tumigil. ang ulo ko. patuloy sa pag-agos ang makalat na likido. hanggang sa nawawalan na ako ng lakas. unti unti kong ipinikit ang mga mata ko. hanggang sa walang hanggang kadiliman na lang ang nakita ko...

sana mangyari nga yun sa buhay ko.
 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo