Saturday, May 7, 2011

Pizza pasta

Nanood ako ng tv tungkol sa pagkain sa europe ang pasta at pizza. Kaya naman ngayon nagcrave ako ng sobra sa pizza at carbonara. Sa shakeys. Aww!


Matapos ang 2 days na off, may pasok nanaman bukas. Nanaman. Paulit ulit. Boring talaga. As in. Sobra. Grabe. Hay!


Nakakalungkot. Unti unti na umaalis yung mga ka batch ko na nagwowork sa hospital. 2 nalang kami matitira c bai at ako. Kasi paalis na si ann nakapagpasa na ng resignation. Punta na syang Dubai. Kami ni bai yung wala pa plano sa buhay na seryoso. Pero yun kuntento na yata yun sa buhay nya.


Gabi nanaman. Maya maya lang umaga na. Ang bilis ng oras. Pero antagal pa rin mag August. Inaabangan ko nanaman ang pagbabalik nya. Na napakatagal pagkatapos ng napakabilis na pagalis magaabang nanaman muli ng kanyang pagdating at aming muling pagkikita. Naiinis ako. Bakit ganon.


Kahit ano mangyari wag kang lilingon.

S

Iniwan kong bukas ang computer kasi nagdadownload ako. Paggcng ko pucha na disconnect un internet. Hay bwisit

Friday, May 6, 2011

Summer simmer

Mula nung malipat sa ibang section ay tuluyan ng naging busy ang may ari ng blogsite na to. Mag isa lang kasi sya sa section na iyon at walang walang kasama. Obvious ba na busy sya. Oo. Tinanong ko pa. Anyway, ngayong may hitech na syang selepono at may wifi na rin ang bahay nila, malamang sa oo, na madalas na nyang maa - update ang blogsite na ito palagi. Kamusta ang summer mo? Eto lusaw na ko. Sobrang init. Parang ang hirap hirap n talagang huminga. Ito na ang global warming. Dati di naman ganito. Yun tipong hindi mo mararamdamang summer nga. At magiinit ka pa rin ng tubig s umaga kasi malamig ang tubig sa pagligo. Pero ngayon, halos maya maya gusto ko na maligo palagi. Nagpunta ako s puerto galera nung holy week at nagpatusta sa ilalim ng nagsusumiklab na sinag ng araw. Pero ang sarap magswimming. Mainit ang buhangin na maputi pero malamig ang tubig dagat. Sarap din. Meh nakilala pa kong tatlong gago dun. Yung isa sa kanila kras ko yung long hair. Kaso bading sila. Masasarap ang pagkain dun at natikman ko ang mindoro sling na parang juice lang talaga. Halos ako lang nakaubos nung isang pitchel nun. Ok naman.

Sa ngayon inaabangan ko maipalabas sa sinehan yung kung fu panda 2. Sabi nung kasamahan ko sa trabaho sa May 19 daw yun ipapalabas. Pagiipunan ko na. Gusto ko sa 3d. Ang saya manood ng ganon. Pero minsan kinakabahan din ako dun sa pang 3d na eyeglasses baka lang kasi may sore eyes yung huling gumamit nun baka mahawa ako. Ayoko magkasakit ng kahit na ano. Lalo na ngayong summer at sobrang init. Parang matutuluyan talaga ako pag nagkasakit ako ngayon.

Sana bumalik ka na dito samahan mo na ako ulit...

Monday, November 29, 2010

err

nakakapagod na araw. daming nangyari. nakakapagod na isipin. basta buong araw meh ginawa ako. mula paggising ko hanggang ngayon na matutulog na ko. pahinga sana kasi Bonifacio day. sana sa pagpunta ko sa baguio ulit ng december 2-5 makatulog na ko ng mahaba. di ko pa napapanood hp7 part 1. pagbalik nalang galing dun.

Wednesday, November 10, 2010

ralphjuvil

Tuesday, November 2, 2010

anib

sumanib na sa nagkatawang tao ang nilalang na nakakainis. gumandang bigla ang hinaharap. napuno ng pag asa at inspirasyon. hanggang sa mapansing meh kulang pa. isang pyesang magpapakumpleto ng lahat. hindi basta basta mahahagilap. inagaw mo ang lahat sa akin ka!
 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo