Sunday, May 13, 2012

saya at lungkot

isang araw, kagabi pala ay nag outing kami ng mga kasamahan ko sa radio. kaka resign ko lang dun nung may 10 pero nangako ako na sasama pa rin ako. ang saya sarap ng huling pakikisama ko sa kanila. naubos ko na yung lakas ko. ayun na yata ang huli. na inalay ko sa mga katrabaho ko. nag enjoy ako ng sobra. na excite ako at agad na nag swimming. nakipaglaro ng mataya taya sa kanila. natakot nga lang ako ng konti kasi baka madapa ako sa pool dahil nadulas. awa ng Dyos nadulas nga ako pero sa pool naman bumagsak haha swerte ko lang. nagpahinga muna ako sa pag swimming at kumain ng dinner. pagkatapos magyosi, nagswimming na ko ulit habang umuulan. sarap nun. solid. nagpahinga ako saglit at lumaklak ng alak. hindi na ko masyadong naakakainom kaya hindi na ko sanay. kaya naka isang bote ng san mig light at isang mucho ng red horse lang ako. at kumanta ng isang kanta sa videoke machine. ang haba kasi ng pila sa videoke machine kaya naka isa lang ako. gusto ko sanang damihan eh. sarap mag swimming. solid. mejo marunong na nga ako lumangoy ng langoy aso. babad din sa pool na sobrang amoy chlorine. ang kati lang sa balat at gaspang. bukas naman sa splash island kasama ang pamilya ni ralph. up to sawa naman sa slide. sarap solid naiisip ko pa lang. sana wag umulan. sana yung sakto lang. sana maging okay ang lahat.


hindi pa rin nawawala sa isip ko kahit na nagsasaya ako yung ginawa ko na yon. na di ko naisip na mali pla yun. wala nga kasi ako alam. bobo ako inaamin ko. hindi talaga ako nagiisip. kung nagiisp man sobrang bagal naman. mababa lang aking kapasidad. wala na ko magawa. nangyari na. masaya na sya ayoko na maging malungkot sya ulit. ayoko ng bawiin yung kasayahan nya. na sana di na muli ipagkait ng sino man sa kanya. dalawang taon at kalahati na syang nagdurusa dahil sa ex nyang napakawalang kwenta talaga.na sobrang pinaglaruan lang yung feelings nya ng paulit ulit. kaso lang meron naman isa pang taong sobrang lungkot ngayon dahil dun. alam kong ako yung kaibigan na tinutukoy nya sa post nya. sorry. super sorry. di ko gustong masaktan ka. hindi ko talaga alam na aabot sa ganito. hindi ko naisip kasi wala nga akong isip na pwedeng masaktan ka. sana maging okay na tayo lahat. sobrang lungkot ko. kasi nasaktan kita. mahal kita eh. sorry.. ;(

Wednesday, May 9, 2012

tahimik

nagising sa mahabang tulog. anung oras na ba. isang buwan ang lumipas. naipon na. di ko na masyadong maalala. pasensya ka na. hindi ko na masabi kung pano pero sisikapin ko maulit pa yun upang maging masaya tayo. muli nanaman ako nasasabik sa iyong pagdating. kahit saglit lang magkakasama na ulit tayo. iilang tulog na lang. ang pinakahihintay ay magaganap na. ngunit may kalakip naman itong kalungkutan. ilang taon din yun. iilang taon na masasayang sa mga oras na magkasama na sana tayo. pipilitin kong wag muna ikaw alalahanin. kailangan kong maging matapang para sa isang bagay na pilit kong aabutin. na sana ay magawa ko at maipakita ko naman sa yo na meron din ako kakayanang magawa yung mga gusto ko na tulad ng sayo. mabilis lang naman ang pagtakbo ng oras. mabilis maubos. mabilis mawala. sana nga wala ng mawala. bibilisan ko nalang. para matapos  na agad. nararamdaman ko ang isang pakiramdam na hindi pamilyar. masaya pero malungkot. masaya kasi makakalaya na ko. malungkot dahil wala ka sa kung saan mang mapuntahan ko. lagi kang wala. hindi nga ba tayo pero pinipilit nating maging tayo kaya nangyayari to. ano nga kaya. tahimik ka nanaman.

Wednesday, March 14, 2012

Balik muna ako sa dati kong bahay

Monday, March 5, 2012

Ngayon

Ngayon lang ulit nakadaan dito. Update muna. Busy lang ang utak sa kakaisip ng ibang bagay. Wala namang ginagawa. Nagiisip lang talaga. Off ko ngayon. Wala magawa kaya magbablog ako.. Pero sa ngayon gang dito muna. Siesta muna ako. Mamaya ulit ako blog. :))

Saturday, November 26, 2011

Kaba

Eksena kanina habang pauwi. Habang nagsasoundtrip ako sa aking music playlist at nakaheadset at naka full volume para wala ako marinig sa paligid na nagaabang ng masasakyan, isang babae ang kumalabit sa aking shoulder at kinakausap pala me. Ni pause ko muna ang malakas kong soundtrip at saka ko pinaulit ang sinabi nya. Akala ko ang sasabihin nya lang ay kulang ang pamasahe nya pahinging bente at kinabahan ako kasi bente lang ang pera ko sakto lang pamasahe ay mali akala ko lang pala yun. Dahil concern pala sya sa akin. Sabi nya kasi mag ingat daw ako dahil kanina pa raw ako tinitignan nung tatlong lalake tumitingin daw sa cellphone ko. Na wirdohan ako kasi hindi naman ako nagcecellphone a. Kaya sabi ko sa kanya, wala po akong cellphone. Pero pinipilit nya na yung headset ko daw tinitignan at parang gustong kunin. Umoo nalang ako nung inulit nya na magiingat ako. Tinignan ko yung mga lalakeng sinasabi nya at nakipagtitigan ako. At mukha ngang ako ang tinitignan nila. Nung lingonin ko si ateng concern citizen ay bigla syang nawala. Bigla akong kinabahan. Sobrang lakas lang naman ng tibok ng puso ko. Parang gustong lumabas sa aking dibidib. Nag isip ko. Tumingin tingin sa paligid at mejo marami pa namang taong naghihintay sa pagdating ng bus. Naisip kong bumalik sa loob ng mall pero baka lang sundan ako nung tatlo at parang naging apat pa yata sila at ma corner na ko. Wala lang ako maisip kaya hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. Nagsoundtrip nalang ako ulit habang tinititigan yung mga lalakeng nagtitinginan. Kumalma na ang puso ko. At sumakay na ako ng bus. Di naman sumunod yung mga lalake sakin sa bus. Pero alam kong di pa rin ako safe hanggat di pa ko nakakauwi. At sa wakas nakauwi rin at ngayon ay nakukuwento ko ang eksenang ito.

Malapit na magpasko. Laganap nanaman ang mga ganitong tao. Kaya maging alerto. Alert naman ako lagi. At marunong ako magkarate ng basic lamang. Ingat tayong lahat!

Friday, November 25, 2011

Kung

Nakahiga lang. Pahinga habang meron pang oras magpahinga. Damhin ang sarap na walang pinagaabalahan. Dalawang beses lang to sa isang linggo. Pagkatapos ng limang araw na sunod sunod na trabaho. Walang mangiistorbo at manggugulo. Pahinga ng walang humpay. Sana maging ok ang trabaho niya. Sana matuto na sya para kahit wala na ko, magagawa na nya ng tama ang trabaho namin.

Kahit walang trabaho napapagod pa rin ang isip. Sa kakaisip ng trabahong naiwan. Kung kaya ba nyang tapusin yun at magagawa. Pero hindi sya matututo kapag hindi nya mararanasang mag isang gumawa. Magaling naman syang matuto. Alam kong magagawa nya yun. Sana.

Happy monthsary!
Unang mga salitang nabasa sa paggising. Oo nga pala. Nakalimutan ko. Hindi na rin kasi talaga ito nabibigyang pansin. Dahil wala ka naman. Sa paguwi mo nalang.

Sana magkasama tayo ng matagal. Mga 24 hrs.
 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo