natapos na pala ang taong 2013. wala naman masyadong nangyari, puro trabahong walang humpay lang. sa sobrang walang oras sa pansarili ay di ko na nagawang magblog pa muli. pero ok lang. salamat sa poon at muli ako nakatawid sa bagong taong ito. sabik ako sa taong ito. dahil ngayong taon, makakauwi na ako sa bahay namin. kahit mukhang made-
delay yung uwi ko dahil
understaff sa ospital ay makakauwi pa rin naman. matatapos sa taong ito ang pagiging
independent ko. ang noong inaasam asam ko na ngayon ay ayoko na. mahirap pala. mahirap pa lang maging
ofw. baka hindi na muna ako umulit. ang hirap nang ako lang magisa. walang ibang magiisip kung ok lang ako dahil syempre mas iniisip nila ang sarili nila. pero pag minsan naman ay napapansin din nila ako. kapag siguro naalala nila na andito rin pala ako. dahil tahimik lang ako at di nagsasalita. hindi naman masama ang loob ko sa kanila. wala naman talagang ibang magaalalay sakin kundi sarili ko lang. pero kung nasa bahay ako, nanjan ang mama ko. pinapakain ako, may pagkain na agad sa paggising ko. di ko na kailangang magmadali kasi may nakahanda na. pumapasok ako dati ng nakakain na ako ng almusal pag nasa bahay ako. pero ngayon, hindi na. tanghalian na ang unang kain ko at sobrang late pa, dahil kapag wala ng pasyente saka pa makakakain. pero nakakakain naman ako ng
doritos o kaya
cheetos o
lays bago magtanghalian. kaya hindi pa rin ako nagugutom. pumayat na daw ako sabi nung mga katrabaho ko sa ibang
section, pero pakiramdam ko, hindi naman. kasi panay naman ang kain ko ng
chips. sabi sa
chismis ay nakakataba daw ang
chips. pero tinimbang ko ang sarili ko sa timbangan at 44kls na lang pala ako na dati nung bagong dating ako dito ay 59kls. naku naman. namimiss ko na ang nanay ko at ang mga lutuin nya.