Saturday, February 3, 2018

isiping mabuti

sa wakas ay natapos na ang buwan ng enero. pakiramdam ko ay napakahaba ng mga araw nito. pebrero na naman, kung sa iba ay valentine's day ang agad maaalala sa buwang ito sa pinas, dito naman sa lugar na kinaroroonan namin ay chinese new year ang pinaka inaabangan. sarap din nun, kasi may mamimigay ng hong bao. may holiday na tatlong araw, syempre wala kaming pasok kaya long weekend na tambay pahinga mula sa nakakapagod na trabaho. wala pa kami naiisip puntahan pero mukhang dito lang kami sa bahay namin. maglalaro ang asawa ko ng ps4 at ako naman manonood ng koreanovela. ok naman na kami sa ganon, wala pa gastos. pero sa totoo lang, gusto ko sana umuwi sa pinas. kung di lang sana mahal ang pamasahe tapos tatlong araw lang dun. hndi kasi sulit. meron namang panggastos, kaya lang nakakapanghinayang. sayang pera. peak season yata kaya mahal ang pamasahe sa eroplano. ipapadala nalang sa mga mahal sa buhay ang pampamasahe kesa umuwi. buhay ofw. naiisip ko din na pumunta ulit sa japan sa susunod kong leave. 1 week ulit dun. sarap kasi dun. pero naiisip ko din, sa south korea naman mamasyal. naghanap ako sa youtube ng mga vlogger na nagpupunta sa south korea pero konti lang sila. mas madami pumupunta sa japan?.. ganda kasi dun. mas nananaig ang pagiging otaku ko kaysa koreanovela. anime pa rin kaysa sa kdrama. susuportahan kaya ako ng asawa ko sa iniisip kong gawin?.. ok lang kung hindi, kasi tama naman sya mahal din bumiyahe papunta dun, hotel pa at plane ticket na isesettle. ubos pera nanaman. pero kikitain naman namin ulit yun, memories ang mahalaga. hahaha, nagiisip ako ng magandang palusot na gumastos ng malaki nanaman. binibili nga ang pangarap. sobrang mahal pa. kung gusto mo talaga matupad, kailangan magbuwis ng kaukulang kabayaran. sobrang hirap. isipin mo nalang kapalit ng sandaling ligaya, malaki ang halaga.

Wednesday, January 17, 2018

mean machine

ngayong araw na ito ang unang beses na gumastos ako ng malaki. napabili kasi ako ng macbook pro 2017. pangarap ko kasi ito noon pa. grabe napaisip ako sa sandaling pagkakataon habang binabayaran ko na. na wala pa nga yung bonus ko, nagastos ko na. pero masaya naman ako kasi may macbook na ko, pro pa. sana maging worth it naman to sakin.

last week ay nakauwi kami ng asawa ko sa Pinas. naimbitahan kasi kami nung dati kong katrabaho sa hostipal noon na sumaksi sa kanyang sakal sa napakaganda nyang asawa. grabe, bakit nga kaya sa mga oras na ikakasal na yung babae, parang yun ang panahon na siya ay nagiging pinakamaganda sa lahat ng babae. syempre bukod sakin, dahil napakapangit ko noong kinakasal ako. pero pwede na. kahit simple lang ang make up nila ay sila pa rin ang pinakamaganda sa loob ng simbahan sa oras ng kasal nila. anong hiwaga ang bumabalot dito.

napakaganda ng kasalan nila, di maitatanggi ang karangyaan nito. mahusay ang kanilang wedding coordinator dahil sa naging maayos ang bawat detalye ng kasalan. milyon ang halaga ng pagpapamalas nila ng pagmamahalan at pagiging iisa na lamang. sa kasalan na yon ay muli ko ring nasilayan ang mga dati kong kasamahan sa trabaho. hindi pa rin sila nagbago, mas yumaman lang. halos silang lahat kasi ay nagtatrabaho na rin sa iba ibang bansa. pero ganon pa rin sila mga maloko at mabisyo. akalain mo yun, sila yung mga dati kong nakakasama sa pagyoyosi sa dark room namin noon. nahihingian ko ng yosi pag walang wala ako. nakaka duty ko sa night duty. nakakamiss din magtrabaho sa Pinas, kaso lang ang hirap. hirap na sa trabaho, ang baba pa ng sweldo. sarap sana magtrabaho sa Pinas, kasi araw araw mong makakasama ang kumpleto mong pamilya. yun ang hirap na katumbas ng malaking sweldo, yung mapapalayo ka sa pamilya mo. lagi mo maiisip na kung nandyan sila kasama mo, mapapawi na ang pagod sa trabaho. at sa pag uwi mo mula sa buong araw na kayod, meron nang nakahandang masarap na pagkain na paborito mo ang sasalubong sayo kung nasa pinas ka. dahil ofw ka, hanggang kain na lang muna sa labas.

nakapunta rin kami ng asawa ko sa tagaytay, kasama ang pamilya nya. kasama ang pamangkin nyang napaka cute. si Ooy na 6 months pa lamang. kumain kami ng bulalo at maraming crispy tawilis. ang sarap sarap talaga. kinabukasan nun ay umuwi naman kami sa bahay sa QC. commute lang kami, nag bus kami, bus ulit tapos pumila ng higit isang oras sa jeep pero walang dumarating, kaya nag taxi nalang kami. sa mga sandaling yun, nakita namin ang kapal ng mga taong gustong makasakay pauwi pero walang masakyan. kabilang naman kami dun. ang hirap ng trnsportasyon sa Pinas.

Saturday, December 2, 2017

ikaw

ngayon na ang araw na pinakahihintay mo. ang pagtitipon nyo para sa isang gabi ng kasiyahan. ang ilang araw mong pinaghandaan. pinagi-ensayuhan. ang dahilan ng gabing gabi na mong pag uwi sa akin. sana manalo kayo sa pagsasayaw mo. para makapag hong kong tayo. sana manalo ka ulit sa raffle nyo.

sa ilang taon nating pagsasama ay lalo akong nahuhulog sa napakalalim mong pagkatao. minsan di ko maintindihan dahil sobra mong talino pero since mas pinili ko na makasama ka habambuhay, sumusunod nalang ako sa agos mo na alam ko namang hindi makakasama sa ating dalawa. natutuwa ako dahil patuloy mo pa rin ako napapagtyagaan. sa mga mababaw kong dahilan at pagiisip. salamat sa Kanya, binigyan ako ng isang tulad mo. magpapatuloy tayo sa ganito, tayong dalawa. tulad ng hinihiling natin noon na nagkatotoo na ngayon, hinding hindi na magkakalayo. ngayong nalalapit na ang ika tatlong taon natin ng pagsasama, sana matupad na ang hiling natin. ang tunay na magpapatibay sa atin. pagsubok man yon kung iisipin, pero sigurado masaya yun. magiging masaya tayo at buo. patuloy lang natin hintayin ang tamang oras ng kanyang pagdating. sabi mo nga, lahat may perfect timing. sana dumating na. ang pareho nating pinananabikan.


dear nyanko sensei,

sobrang ganda mo, di maalis ang paningin ko sa'yo. lagi mo ako napapangiti ng sobra habang naaalala ko kung paano ka napa sa akin na. salamat sa kanya kasi di nya ako sinasagot nung tinatanong ko sya, tapos bigla kang lumitaw, at ikaw na ang huling piraso na ipinagbibili nila. at tamang tama para sa akin. tunay nga sigurong para ikaw sa akin. 😍😍😍😍😍



Tuesday, October 7, 2014

sana

a-update sa pangyayari sa araw araw. teka nga pala, nabanggit ko na bang may kasalang magaganap. mangyayari ito bago magpasko, ikatatlong araw bago magsimbang gabi. 12-13-14. quirky date. pakiwari ko ay swerte to kaya sinabi kong ito na lang. 

nakabalik na ko ng Pinas mula pa nung june. sobrang saya ko nakawala na ko sa hell. di ko pa hinagap na makakauwi ako napaiyak ako sa sobrang lungkot nun sa pagaakalang di nga nila ako papayagan. nakiusap ako at nagsumamo hanggang sa naawa sila at tuluyan na akong pinalaya. 

pero bago ako umuwi, dumaan muna ako sa bansang kinaroroonan nya. nasabik din ako sa muling pagkikita. hinandogan nya ko ng isang singsing na may dyamante. sobrang na touch ako. pero sabi ko di naman yun kailangan at nag abala pa sya. pero nung sinabi nyang kailangan daw kasi yun sa video kaya nya ko binigyan, ako'y napahiya. wala lang. 

nakaattend din ako sa wakas matapos ang mahabang panahon ng isang gig. ang bazooka rocks 3 kung saan bumibida ang nga zombies. bumida rin ang mga bandang taga ibang bansa. sobrang saya salamat may sumama sa trip ko nun, si kuya arvin. lupit lang. 

halos patapos na preparation sa kasalan at paubos na rin ang panghanda. pero ayos lang. matapos lang to, wala ng problema. legal na at may karapatan ng magsama. sana.

Saturday, March 29, 2014

tabi

pangarap ko magbuo ng banda. sobrang hilig ko sa musika. sa bawat bagay na ginagawa ko ay may kaukulang kanta. lalo na pag nagsasawa na ko sa ginagawa ko at talaga namang ayoko na. noong ako ay nag-aaral pa lamang, hindi ko maalis ang pananabik sa panonood sa mga musikerong tumutugtog. sobra akong humahanga at nalulusaw ang aking puso sa panonood sa kanila. isang salita lang ang nararamdaman. inggit. kasi pangarap ko na sana ako rin maging katulad nila. humawak ako ng gitara. hinihiram ko lang yun noon sa kapitbahay namin. paminsan minsan ay sa pinsan kong madamot. hayop yon. natuto ako sa sariling sikap. walang nagtuturo at patago. dahil pinapagalitan ako ng aking ama. dahil sa kagustuhan kong tumugtog ay hindi ako masyadong nasa bahay. kaya naman ako ay napagdudahan na naglalakwatsa lamang at hindi talaga pumapasok sa eskwela. maling mali ito. dahil sa eskwelahan ako nakakatugtog. pagkatapos ng klase at sa mga oras ng recess. at mas masaya kapag absent ang teacher. sa mga panahong yon nagiging masaya na nagagawa ang totoong gusto. nahumaling ako sa mga tugtugan ng magkolehiyo. ginagabi sa paguwi na sanhi ng pagdalo sa mga ito. nagkaroon ng mga bagong kaibigan na may kaparehong hilig. unti unting nawala ang interes sa pag aaral. hindi naman sa pagkukuwan pero hindi ako bumabagsak. lagi lamang pasang awa. pasado pa rin. pinagkatiwalaan ako ng aking mga magulang sa katotohanang yon. kaya hindi na nila ako pinapakialaman. ngunit nung nag finals, bumagsak ako. mabuti nalang at uso ang mga removal exams. ilang subjects na minor at isang major din ang ni removal ko.  buti at nahabol. tres pa rin. ayun, naipakita ko sa mga magulang ko na kahit naging ganon, hindi ko sila nabibigo sa aking pag-aaral.

Saturday, January 25, 2014

salamat sa poon

natapos na pala ang taong 2013. wala naman masyadong nangyari, puro trabahong walang humpay lang. sa sobrang walang oras sa pansarili ay di ko na nagawang magblog pa muli. pero ok lang. salamat sa poon at muli ako nakatawid sa bagong taong ito. sabik ako sa taong ito. dahil ngayong taon, makakauwi na ako sa bahay namin. kahit mukhang made-delay yung uwi ko dahil understaff sa ospital ay makakauwi pa rin naman. matatapos sa taong ito ang pagiging independent ko. ang noong inaasam asam ko na ngayon ay ayoko na. mahirap pala. mahirap pa lang maging ofw. baka hindi na muna ako umulit. ang hirap nang ako lang magisa. walang ibang magiisip kung ok lang ako dahil syempre mas iniisip nila ang sarili nila. pero  pag minsan naman ay napapansin din nila ako. kapag siguro  naalala nila na andito rin pala ako. dahil tahimik lang ako at di nagsasalita. hindi naman masama ang loob ko sa kanila. wala naman talagang ibang magaalalay sakin kundi sarili ko lang. pero kung nasa bahay ako, nanjan ang mama ko. pinapakain ako, may pagkain na agad sa paggising ko. di ko na kailangang magmadali kasi may nakahanda na. pumapasok ako dati ng nakakain na ako ng almusal pag nasa bahay ako. pero ngayon, hindi na. tanghalian na ang unang kain ko at sobrang late pa, dahil kapag wala ng pasyente saka pa makakakain. pero nakakakain naman ako ng doritos o kaya cheetos o lays bago magtanghalian. kaya hindi pa rin ako nagugutom. pumayat na daw ako sabi nung mga katrabaho ko sa ibang section, pero pakiramdam ko, hindi naman. kasi panay naman ang kain ko ng chips. sabi sa chismis ay nakakataba daw ang chips. pero tinimbang ko ang sarili ko sa timbangan at 44kls na lang pala ako na dati nung bagong dating ako dito ay 59kls. naku naman. namimiss ko na ang nanay ko at ang mga lutuin nya.
 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo