Saturday, November 26, 2011

Kaba

Eksena kanina habang pauwi. Habang nagsasoundtrip ako sa aking music playlist at nakaheadset at naka full volume para wala ako marinig sa paligid na nagaabang ng masasakyan, isang babae ang kumalabit sa aking shoulder at kinakausap pala me. Ni pause ko muna ang malakas kong soundtrip at saka ko pinaulit ang sinabi nya. Akala ko ang sasabihin nya lang ay kulang ang pamasahe nya pahinging bente at kinabahan ako kasi bente lang ang pera ko sakto lang pamasahe ay mali akala ko lang pala yun. Dahil concern pala sya sa akin. Sabi nya kasi mag ingat daw ako dahil kanina pa raw ako tinitignan nung tatlong lalake tumitingin daw sa cellphone ko. Na wirdohan ako kasi hindi naman ako nagcecellphone a. Kaya sabi ko sa kanya, wala po akong cellphone. Pero pinipilit nya na yung headset ko daw tinitignan at parang gustong kunin. Umoo nalang ako nung inulit nya na magiingat ako. Tinignan ko yung mga lalakeng sinasabi nya at nakipagtitigan ako. At mukha ngang ako ang tinitignan nila. Nung lingonin ko si ateng concern citizen ay bigla syang nawala. Bigla akong kinabahan. Sobrang lakas lang naman ng tibok ng puso ko. Parang gustong lumabas sa aking dibidib. Nag isip ko. Tumingin tingin sa paligid at mejo marami pa namang taong naghihintay sa pagdating ng bus. Naisip kong bumalik sa loob ng mall pero baka lang sundan ako nung tatlo at parang naging apat pa yata sila at ma corner na ko. Wala lang ako maisip kaya hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. Nagsoundtrip nalang ako ulit habang tinititigan yung mga lalakeng nagtitinginan. Kumalma na ang puso ko. At sumakay na ako ng bus. Di naman sumunod yung mga lalake sakin sa bus. Pero alam kong di pa rin ako safe hanggat di pa ko nakakauwi. At sa wakas nakauwi rin at ngayon ay nakukuwento ko ang eksenang ito.

Malapit na magpasko. Laganap nanaman ang mga ganitong tao. Kaya maging alerto. Alert naman ako lagi. At marunong ako magkarate ng basic lamang. Ingat tayong lahat!

Friday, November 25, 2011

Kung

Nakahiga lang. Pahinga habang meron pang oras magpahinga. Damhin ang sarap na walang pinagaabalahan. Dalawang beses lang to sa isang linggo. Pagkatapos ng limang araw na sunod sunod na trabaho. Walang mangiistorbo at manggugulo. Pahinga ng walang humpay. Sana maging ok ang trabaho niya. Sana matuto na sya para kahit wala na ko, magagawa na nya ng tama ang trabaho namin.

Kahit walang trabaho napapagod pa rin ang isip. Sa kakaisip ng trabahong naiwan. Kung kaya ba nyang tapusin yun at magagawa. Pero hindi sya matututo kapag hindi nya mararanasang mag isang gumawa. Magaling naman syang matuto. Alam kong magagawa nya yun. Sana.

Happy monthsary!
Unang mga salitang nabasa sa paggising. Oo nga pala. Nakalimutan ko. Hindi na rin kasi talaga ito nabibigyang pansin. Dahil wala ka naman. Sa paguwi mo nalang.

Sana magkasama tayo ng matagal. Mga 24 hrs.

Sunday, November 20, 2011

pagmamahal

uy lapit na magpasko. wala pa rin akong ipon. pano na ko nito. hindi ako makapaniwala na ang mga taong lubos kong hinahangaan dahil sa kanilang katatagan ay nabuwal na. hinangaan ko sila dahil hindi lang layo ang pagitan pati timezone magkaiba eh nakuha pa rin nilang magmahalan. ang ibig sabihin nyan ay dinaig nila ang katotohanang yun. para lang sa kanilang pagmamahalan. naisip ko, kung sa kanila nangyari yun, pano pa sa min. pero naisip ko rin na kung ano man mangyari, yun ang dapat. siguro nga ay may sadyang inilaan ang mahabaging neptune na mundo para sa kanila. kung saan sila mas sasaya at hindi na makakaranas ng pahirapan. naniniwala ako dun. sa bandang huli ay magiging maayos din ang lahat para sa kanila.

lalabas lang ang nagsusumiksik na katotohanang, wala akong pang bazaar, pang bili ng vans shoes, pang bancheto at pang inom. malas.

sana meh magkaroon ng mabuting kalooban na mag aaginaldo sa isang babaeng katulad ko na tamad at walang alam.

hangad ko ang kaligayahan ng bawat isa. love & peace! pagmamahal!

Friday, August 5, 2011

Sana naman

Sa wakas nakapag off din. Eto ang mga araw na hinihintay ko linggo linggo. Matapos ang limang araw na pagtatrabaho ang dalawang araw na pahinga ang nagpapasaya sa linggo ko kahit papano. Sobrang stress sa trabaho. Mga pasyenteng makulit, supervisor na maarte, kasamahan sa trabaho na sumbungera na gagawan ka ng kwento kahit wala naman ginagawang iba. Sa panahon ngayon, bakit pa meh mga taong ganon. Hindi makuntento kapag di sila nakakapanggulo ng buhay ng tao. Sa paninira na ginagawa nila, hindi lang iisang tao ang naaapektuhan. Kundi ang lahat ng meh kaugnayan sa taong yun. Ang hirap din pala makisama. Kasi meh mga tao na mahusay sa pakikiharap pero pagkatalikod mo marami na masasabi tungkol sayo.

Sana wag na bumagyo next week. Gusto ko makasama ang taong matagal ko ng hindi nakakasama sa buhay kahit dalawang araw lang. Gusto ko maging masaya at hindi magka hassle pag kasama ko na sya. Eto nalang yung mga araw na nandito sya ulit. Kaya kahit isang linggo lang, pagbigyan nyo ko mahabaging Neptune.

Wednesday, August 3, 2011

Pagkain

Mahina ako sa lahat ng bagay. Mabagal ako mag isip. Takot ako magsalita dahil baka meh masabi lang akong hindi maganda. Sa katunayan, wala lang talaga akong gustong gawin. Kahit ang pagkain ay kinatamaran ko na. Pero minsan lang yun. Dahil wala nang mas sasarap pa sa pagkain.
:-)

Tuesday, August 2, 2011

...

August na. Ambilis naman ng oras. Naiiwanan na ako ng panahon. Uhaw ako sa tulog. Masandal tulog. Babalik ka na ulit. Kahit pano makikita at makakasama kang muli. Kahit sandali lang. Masaya ka na ulit...
 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo