Friday, January 12, 2024

proven

 so lately, nararamdaman ko na. kasi ibang iba na. di na katulad ng dati. kahit pala ganon, ganon pa rin.  kaya pala hindi na nangsasama sa mga lakad nya. isipin man na hindi magagawa ay magagawa pa rin. kaya hindi rin talaga masasabi. hanggang sa mangyari nalang.  kaya hindi na ko naniniwala sa loyalty. reason nalang talaga ang meron. reason kung bakit nagtatagal pa ang mga relasyon. kung kailangan pa ang isa't isa kaya nagi-stay. may reason yun. hindi loyalty yun para sakin. kaya gagawin lahat ng paraan para mag stay kasi may reason kung bakit gustong gawin. 

ok lang naman. kahit na ano, ok lang naman. kung san sya masaya ayos lang sakin. di naman mapipigilan yun. malakas pa rin naman ako. basta kasama ko ang nag iisang bigay Nya. magpapakalakas ako para sa kanya. samin lang dalawa.  

nakakalungkot lang malaman. mapatunayan na nangyayari talaga. ayos lang sakin. kahit ano mangyari sa hinaharap basta kasama ko anak ko. kahit kaming dalawa nalang sa mundo. 😊

Sunday, January 7, 2024

luma

 mabuti naman ang lahat. hanggang sa umabot na sa ganito. napuno nalang ako. kaya naritong muli dahil wala nanamang masabihan. walang gustong makinig. o takot magsalita. maraming gustong sabihin pero ayaw lumabas. mas pinipili nalang manahimik. takot malaman ng ibang tao na mahina talaga ang loob. isa na nga palang maybahay at may isang anak. masaya naman ika nga ng iba ay "worth it". napakatagal na naghintay sa pagdating nya. hiniling sya sa Diyos at nung dumating sya ay walang pagsidlan ang kasayahan. sya ang naging sentro ng aming buhay. ang lahat ng ginagawa ay iniaalay sa kanya. syempre hindi malilimutan ang mahal na Panginoon. at nabubuhay para sa kanya. ngayong magtatatlong taon na sya ay nasasabi ng mga tao sa paligid na sundan na sya. nasasabi nalang na mahirap pala magpalaki ng anak. 

ang totoo ay nawawala ang pagkakakilanlan. nagiging ibang tao pag nagiging ina na. ang dating tatahi tahimik lang ay di na nababagay. kasi kailangang magsalita para makuha ang nais na buhay para sa nagiisang anak. at lahat nga ay gagawin para sa kanya. natutong makipaglaban para sa kanya. naiisip na kailangang gawin lahat para sa kanya. nagiging iba na. pero merong hindi nagbabago. ang dapat na katuwang mo sa pagpapalaki sa kanya. nagbago din naman sya. sa pakikitungo sayo.

hindi lang itsura nya ang nag iba. kasi baby ama na sya haha. ibang iba na sya sa dati. yung dating halos di mapaghiwalay. dating sayo lang ang atensyon nya. yung pag may alam sya ipapaalam nya din syo. yung tuturuan ka nya pag di mo alam. yung pag may ganap sa trabaho nya isasama ka nya. lumang luma na yon. kasi iba na sya. bagong bago na. 

nag iba na sitwasyon. hindi na nya sinasabi mga nangyayari sa araw nya. kung hindi mo tanungin. noon nagoopen up pa. kahit di mo tinatanong. siguro kasi wala pa sya makausap na ka wavelength nya nun. pero ngayon meron na. marami na. kaya bigla nalang nagbago ang lahat. wala ng pakielamanan. masaya na sya. may bago na syang kalaro. may bagong kausap. may bagong kasama. sa buhay. 

hindi naman natin mapipigilan ang mga pagbabago. wala rin naman tayong karapatan na hadlangan ito. nagbago rin ako kaya nagbago rin sya. patas lang. di ko naman sya masisi. nag iba din ako sa paningin nya. 

aaminin ko masama ang loob ko. kasi nag iba na sya. pero naisip ko na nag iba nga rin pala ako. nalungkot lang ako. kasi wala akong masabihan. dito nalang. sasabog na kasi. gugustuhin ko pa rin na manahimik nalang. dito nalang. para patas. kasi ganon din naman yata sya. tahimik lang.

Thursday, May 24, 2018

of its kind of a... whatever!

sa wakas, makikita ko na ang paboritp kong banda. international nga pala sila kaya puro english ang kanta nila. kahit nag iba na sila ng tugtugan ngayon, mahal na mahal ko pa rin sila. tinanggap ko ang pagbabago nila na hindi tulad ng iba na mga poser na nga bashers pa. nilibre pa ko ng aking esposo ng ticket. sarap naman talaga. mejo matagal pa ito sa august pa pero sobrang nasasabik na ako. hay.. PARAMORE!

uuwi na ko ulit sa pinas, kahit isang linggo lang, atleast nakauwi. cecelebrate pa ko ng birthday ko at binyagan ng pamangkin ko. magpapainom ako ng hard. sa duty free ako bibili para mas mura. kasi walang tax. sintax. wala ng mas sasaya pa kasama ko pamilya ko sa araw na yon. sana lang walang maging problemang mangyari. sana ma overcome lahat ng mga mangyayaring pagsubok.

syempre kapag may birthday, may wish. kahit di naman natutupad, humihiling pa rin. at syempre, mas matutupad daw ang wish kapag hindi sinasabi sa iba. kaya sekreto nalang muna, kapag natupad na ay saka ko sasabihin sayo.

napapagod na ko magtrabaho. kayod ng kayod pero wala naman naiipon. sa dami ng mga sinusustentuhan ko, wala ako karapatan magreklamo. kaya nagpapasalamat ako binigyan ako ng Panginoon ng maayos na trabaho para sa kanila. kailangan ko nalang magpalakas ng loob para maging mas matibay sa araw araw na pagsubok sa trabaho. stress eating at its best. kaya pataba na ako ng pataba. hindi na mapigilan. sad face to this.

Saturday, March 10, 2018

deep

hindi maintindihan na pakiramdam. naunahan ko sya. naging masaya na ako. sya rin naman. sobrang saya na nya ngayon. ako rin naman. binigyan kami pareho ng panginoon ng kanya kanyang buhay na tamang tama tugma para sa amin. akalain mo nga naman, sino mag aakala na hindi pala kami ang magkakatuluyan. akala ko talaga di na matatapos yun noon, pero bigla nalang hinayaan nya na lang ako. napuno na siguro sya sa mga ka emo han ko nun. nabalitaan ko nalang na may iba na sya. walang closure. nasaktan ako nun. na hindi ko napapansin ang isang taong umaalalay sakin nun. hindi ako iniiwan kahit ano mangyari. hanggang ngayon kasama ko sya at panghabambuhay na. sobrang nagpapasalamat ako sa panginoon na biniyayaan nya ako ng isang nilalang na ganito. masaya ako para sa kanila nung kinasal na rin sila. mabuti at magkasama na sila sa panghabambuhay. sana ay biyayaan sila ng malulusog na mga supling. sana kami rin ay lubusan ng mabuo ang aming pamilya. sometimes, i go down deep.

Thursday, February 15, 2018

matapos kong mapanood ang final movie instalment ng fifty shades na freed, reaction: ok naman. kaya lang bitin pa rin. nakakakilig pa rin kasi si christian, tapos nakakainggit pa rin si ana kasi meron syang christian. pero parang tinapos lang talaga yung libro. siguro naghahanap ng part 2 na last movie na tulad nila twilight saga at harry potter na may dalawang part yung last movie installment nila. pero ok lang naman. kasama ko manood nito ang mga ka work kong mga pinoy. marami kami, 15 lang naman. inukopa namin ang tatlong hilera ng upuan sa sinehan. syempre nagbook sila ng maaga para sa upuan na yon online. hindi ako nagvolunteer na sumama sa panonood nun, basta nakita ko nalang yung pangalan ko na nasa listahan ng mga sasama sa manonood nun sa group chat namin sa watsapp. kaya hinayaan ko nalang. ok naman din sila kasama kahit binubully nila ako at niloloko. madalas pa sila manlibre ng kape. dahil ngayon ay chinese new year's eve, half day lang kami sa work kanina. iilang pasyente lang din ang dumating, dahil karamihan sa mga pasyente namin ay mga chinese. hindi daw kasi nagpupunta sa mga pagamutan ang mga chinese tuwing bago magkaroon ng mga mahahalagang okasyon para sa kanila. ayos, di masyadong busy. kaya naman muli kami nakanood ng movie nung asawa ko kanina. yung black panther tapos imax 3d pa. maganda yung movie, hightech ang bansang wakanda pero pinapalabas nila sa buong mundo na 3rd world country lang sila at puro sila farmers. dahil marvel movie ito ay hinintay namin matapos ang post movie credits dahil kadalasan na may mga secret scene ang mga movies nila. at na search ko pa sa google na dalawa ang post movie credit scenes ng black panther. so hintay kami at halos lahat din ng mga nanonood ay naghihintay din. so upo lang kami at naghintay, at meron naman nga. nag extra ulit sa pelikula yung may ari ng marvel studios na matanda. pero salamat talaga at merong sariling new year ang mga chinese. kundi dahil dun, walang sanang dalawang araw na holiday at halfday. tapos sunday pa yung kasunod na araw kaya lunes na ang pasok ulit. sarap din. uuwi sana sa pinas kaya lang mahal pamasahe. di bale sa May,  2 weeks naman bakasyon ko sa pinas, ipunin nalang yung pera para dun. sana maging ok lahat.

Saturday, February 3, 2018

isiping mabuti

sa wakas ay natapos na ang buwan ng enero. pakiramdam ko ay napakahaba ng mga araw nito. pebrero na naman, kung sa iba ay valentine's day ang agad maaalala sa buwang ito sa pinas, dito naman sa lugar na kinaroroonan namin ay chinese new year ang pinaka inaabangan. sarap din nun, kasi may mamimigay ng hong bao. may holiday na tatlong araw, syempre wala kaming pasok kaya long weekend na tambay pahinga mula sa nakakapagod na trabaho. wala pa kami naiisip puntahan pero mukhang dito lang kami sa bahay namin. maglalaro ang asawa ko ng ps4 at ako naman manonood ng koreanovela. ok naman na kami sa ganon, wala pa gastos. pero sa totoo lang, gusto ko sana umuwi sa pinas. kung di lang sana mahal ang pamasahe tapos tatlong araw lang dun. hndi kasi sulit. meron namang panggastos, kaya lang nakakapanghinayang. sayang pera. peak season yata kaya mahal ang pamasahe sa eroplano. ipapadala nalang sa mga mahal sa buhay ang pampamasahe kesa umuwi. buhay ofw. naiisip ko din na pumunta ulit sa japan sa susunod kong leave. 1 week ulit dun. sarap kasi dun. pero naiisip ko din, sa south korea naman mamasyal. naghanap ako sa youtube ng mga vlogger na nagpupunta sa south korea pero konti lang sila. mas madami pumupunta sa japan?.. ganda kasi dun. mas nananaig ang pagiging otaku ko kaysa koreanovela. anime pa rin kaysa sa kdrama. susuportahan kaya ako ng asawa ko sa iniisip kong gawin?.. ok lang kung hindi, kasi tama naman sya mahal din bumiyahe papunta dun, hotel pa at plane ticket na isesettle. ubos pera nanaman. pero kikitain naman namin ulit yun, memories ang mahalaga. hahaha, nagiisip ako ng magandang palusot na gumastos ng malaki nanaman. binibili nga ang pangarap. sobrang mahal pa. kung gusto mo talaga matupad, kailangan magbuwis ng kaukulang kabayaran. sobrang hirap. isipin mo nalang kapalit ng sandaling ligaya, malaki ang halaga.

Wednesday, January 17, 2018

mean machine

ngayong araw na ito ang unang beses na gumastos ako ng malaki. napabili kasi ako ng macbook pro 2017. pangarap ko kasi ito noon pa. grabe napaisip ako sa sandaling pagkakataon habang binabayaran ko na. na wala pa nga yung bonus ko, nagastos ko na. pero masaya naman ako kasi may macbook na ko, pro pa. sana maging worth it naman to sakin.

last week ay nakauwi kami ng asawa ko sa Pinas. naimbitahan kasi kami nung dati kong katrabaho sa hostipal noon na sumaksi sa kanyang sakal sa napakaganda nyang asawa. grabe, bakit nga kaya sa mga oras na ikakasal na yung babae, parang yun ang panahon na siya ay nagiging pinakamaganda sa lahat ng babae. syempre bukod sakin, dahil napakapangit ko noong kinakasal ako. pero pwede na. kahit simple lang ang make up nila ay sila pa rin ang pinakamaganda sa loob ng simbahan sa oras ng kasal nila. anong hiwaga ang bumabalot dito.

napakaganda ng kasalan nila, di maitatanggi ang karangyaan nito. mahusay ang kanilang wedding coordinator dahil sa naging maayos ang bawat detalye ng kasalan. milyon ang halaga ng pagpapamalas nila ng pagmamahalan at pagiging iisa na lamang. sa kasalan na yon ay muli ko ring nasilayan ang mga dati kong kasamahan sa trabaho. hindi pa rin sila nagbago, mas yumaman lang. halos silang lahat kasi ay nagtatrabaho na rin sa iba ibang bansa. pero ganon pa rin sila mga maloko at mabisyo. akalain mo yun, sila yung mga dati kong nakakasama sa pagyoyosi sa dark room namin noon. nahihingian ko ng yosi pag walang wala ako. nakaka duty ko sa night duty. nakakamiss din magtrabaho sa Pinas, kaso lang ang hirap. hirap na sa trabaho, ang baba pa ng sweldo. sarap sana magtrabaho sa Pinas, kasi araw araw mong makakasama ang kumpleto mong pamilya. yun ang hirap na katumbas ng malaking sweldo, yung mapapalayo ka sa pamilya mo. lagi mo maiisip na kung nandyan sila kasama mo, mapapawi na ang pagod sa trabaho. at sa pag uwi mo mula sa buong araw na kayod, meron nang nakahandang masarap na pagkain na paborito mo ang sasalubong sayo kung nasa pinas ka. dahil ofw ka, hanggang kain na lang muna sa labas.

nakapunta rin kami ng asawa ko sa tagaytay, kasama ang pamilya nya. kasama ang pamangkin nyang napaka cute. si Ooy na 6 months pa lamang. kumain kami ng bulalo at maraming crispy tawilis. ang sarap sarap talaga. kinabukasan nun ay umuwi naman kami sa bahay sa QC. commute lang kami, nag bus kami, bus ulit tapos pumila ng higit isang oras sa jeep pero walang dumarating, kaya nag taxi nalang kami. sa mga sandaling yun, nakita namin ang kapal ng mga taong gustong makasakay pauwi pero walang masakyan. kabilang naman kami dun. ang hirap ng trnsportasyon sa Pinas.

Saturday, December 2, 2017

ikaw

ngayon na ang araw na pinakahihintay mo. ang pagtitipon nyo para sa isang gabi ng kasiyahan. ang ilang araw mong pinaghandaan. pinagi-ensayuhan. ang dahilan ng gabing gabi na mong pag uwi sa akin. sana manalo kayo sa pagsasayaw mo. para makapag hong kong tayo. sana manalo ka ulit sa raffle nyo.

sa ilang taon nating pagsasama ay lalo akong nahuhulog sa napakalalim mong pagkatao. minsan di ko maintindihan dahil sobra mong talino pero since mas pinili ko na makasama ka habambuhay, sumusunod nalang ako sa agos mo na alam ko namang hindi makakasama sa ating dalawa. natutuwa ako dahil patuloy mo pa rin ako napapagtyagaan. sa mga mababaw kong dahilan at pagiisip. salamat sa Kanya, binigyan ako ng isang tulad mo. magpapatuloy tayo sa ganito, tayong dalawa. tulad ng hinihiling natin noon na nagkatotoo na ngayon, hinding hindi na magkakalayo. ngayong nalalapit na ang ika tatlong taon natin ng pagsasama, sana matupad na ang hiling natin. ang tunay na magpapatibay sa atin. pagsubok man yon kung iisipin, pero sigurado masaya yun. magiging masaya tayo at buo. patuloy lang natin hintayin ang tamang oras ng kanyang pagdating. sabi mo nga, lahat may perfect timing. sana dumating na. ang pareho nating pinananabikan.


dear nyanko sensei,

sobrang ganda mo, di maalis ang paningin ko sa'yo. lagi mo ako napapangiti ng sobra habang naaalala ko kung paano ka napa sa akin na. salamat sa kanya kasi di nya ako sinasagot nung tinatanong ko sya, tapos bigla kang lumitaw, at ikaw na ang huling piraso na ipinagbibili nila. at tamang tama para sa akin. tunay nga sigurong para ikaw sa akin. 😍😍😍😍😍



Tuesday, October 7, 2014

sana

a-update sa pangyayari sa araw araw. teka nga pala, nabanggit ko na bang may kasalang magaganap. mangyayari ito bago magpasko, ikatatlong araw bago magsimbang gabi. 12-13-14. quirky date. pakiwari ko ay swerte to kaya sinabi kong ito na lang. 

nakabalik na ko ng Pinas mula pa nung june. sobrang saya ko nakawala na ko sa hell. di ko pa hinagap na makakauwi ako napaiyak ako sa sobrang lungkot nun sa pagaakalang di nga nila ako papayagan. nakiusap ako at nagsumamo hanggang sa naawa sila at tuluyan na akong pinalaya. 

pero bago ako umuwi, dumaan muna ako sa bansang kinaroroonan nya. nasabik din ako sa muling pagkikita. hinandogan nya ko ng isang singsing na may dyamante. sobrang na touch ako. pero sabi ko di naman yun kailangan at nag abala pa sya. pero nung sinabi nyang kailangan daw kasi yun sa video kaya nya ko binigyan, ako'y napahiya. wala lang. 

nakaattend din ako sa wakas matapos ang mahabang panahon ng isang gig. ang bazooka rocks 3 kung saan bumibida ang nga zombies. bumida rin ang mga bandang taga ibang bansa. sobrang saya salamat may sumama sa trip ko nun, si kuya arvin. lupit lang. 

halos patapos na preparation sa kasalan at paubos na rin ang panghanda. pero ayos lang. matapos lang to, wala ng problema. legal na at may karapatan ng magsama. sana.

Saturday, March 29, 2014

tabi

pangarap ko magbuo ng banda. sobrang hilig ko sa musika. sa bawat bagay na ginagawa ko ay may kaukulang kanta. lalo na pag nagsasawa na ko sa ginagawa ko at talaga namang ayoko na. noong ako ay nag-aaral pa lamang, hindi ko maalis ang pananabik sa panonood sa mga musikerong tumutugtog. sobra akong humahanga at nalulusaw ang aking puso sa panonood sa kanila. isang salita lang ang nararamdaman. inggit. kasi pangarap ko na sana ako rin maging katulad nila. humawak ako ng gitara. hinihiram ko lang yun noon sa kapitbahay namin. paminsan minsan ay sa pinsan kong madamot. hayop yon. natuto ako sa sariling sikap. walang nagtuturo at patago. dahil pinapagalitan ako ng aking ama. dahil sa kagustuhan kong tumugtog ay hindi ako masyadong nasa bahay. kaya naman ako ay napagdudahan na naglalakwatsa lamang at hindi talaga pumapasok sa eskwela. maling mali ito. dahil sa eskwelahan ako nakakatugtog. pagkatapos ng klase at sa mga oras ng recess. at mas masaya kapag absent ang teacher. sa mga panahong yon nagiging masaya na nagagawa ang totoong gusto. nahumaling ako sa mga tugtugan ng magkolehiyo. ginagabi sa paguwi na sanhi ng pagdalo sa mga ito. nagkaroon ng mga bagong kaibigan na may kaparehong hilig. unti unting nawala ang interes sa pag aaral. hindi naman sa pagkukuwan pero hindi ako bumabagsak. lagi lamang pasang awa. pasado pa rin. pinagkatiwalaan ako ng aking mga magulang sa katotohanang yon. kaya hindi na nila ako pinapakialaman. ngunit nung nag finals, bumagsak ako. mabuti nalang at uso ang mga removal exams. ilang subjects na minor at isang major din ang ni removal ko.  buti at nahabol. tres pa rin. ayun, naipakita ko sa mga magulang ko na kahit naging ganon, hindi ko sila nabibigo sa aking pag-aaral.

Saturday, January 25, 2014

salamat sa poon

natapos na pala ang taong 2013. wala naman masyadong nangyari, puro trabahong walang humpay lang. sa sobrang walang oras sa pansarili ay di ko na nagawang magblog pa muli. pero ok lang. salamat sa poon at muli ako nakatawid sa bagong taong ito. sabik ako sa taong ito. dahil ngayong taon, makakauwi na ako sa bahay namin. kahit mukhang made-delay yung uwi ko dahil understaff sa ospital ay makakauwi pa rin naman. matatapos sa taong ito ang pagiging independent ko. ang noong inaasam asam ko na ngayon ay ayoko na. mahirap pala. mahirap pa lang maging ofw. baka hindi na muna ako umulit. ang hirap nang ako lang magisa. walang ibang magiisip kung ok lang ako dahil syempre mas iniisip nila ang sarili nila. pero  pag minsan naman ay napapansin din nila ako. kapag siguro  naalala nila na andito rin pala ako. dahil tahimik lang ako at di nagsasalita. hindi naman masama ang loob ko sa kanila. wala naman talagang ibang magaalalay sakin kundi sarili ko lang. pero kung nasa bahay ako, nanjan ang mama ko. pinapakain ako, may pagkain na agad sa paggising ko. di ko na kailangang magmadali kasi may nakahanda na. pumapasok ako dati ng nakakain na ako ng almusal pag nasa bahay ako. pero ngayon, hindi na. tanghalian na ang unang kain ko at sobrang late pa, dahil kapag wala ng pasyente saka pa makakakain. pero nakakakain naman ako ng doritos o kaya cheetos o lays bago magtanghalian. kaya hindi pa rin ako nagugutom. pumayat na daw ako sabi nung mga katrabaho ko sa ibang section, pero pakiramdam ko, hindi naman. kasi panay naman ang kain ko ng chips. sabi sa chismis ay nakakataba daw ang chips. pero tinimbang ko ang sarili ko sa timbangan at 44kls na lang pala ako na dati nung bagong dating ako dito ay 59kls. naku naman. namimiss ko na ang nanay ko at ang mga lutuin nya.

Wednesday, October 30, 2013

Pwe!

Hindi makahinga. Parang nasasakal. ayoko na. Ang hirap. Baka di ko na kayanin. 12 hours duty araw araw. Half day lang ang off. OMG so GRRRR. pwe! Di ko matanggap na nandito ako. Haha. Ginusto mo yan eh. Kahit ayaw mo na wala ka nang kawala. Natatali ka sa isang sitwasyong wala sa hinagap mong magiging ganito pala. Nakakalungkot na katotohanan.

Wednesday, October 16, 2013

point

today i cooked chicken livers with sotanghon. i can't remember how i did it but it ended up like that. maam abi is a flatmate and she ate it. she said it is good to eat with rice. i told her it is salty. she said it is nice naman. from her saying that made me decide to cook some more in the future. i'm glad that somebody appreciates my cooking. i hope i can share this to my family as well and to ralph mostly because he will be the one to eat my prepared foods in his entire life real soon.

Tuesday, October 15, 2013

Hang

Muli kong ina update ang una kong blogsite. Nostalgic lang. Namiss ko yun. Dun ako natuto ng todo todo s blogging.  Salamat dun sa mga taong nagturo sakin kung pano mag blog. Ang tagal na rin. Mula nun nakakausap ko na yung sarili ko. Tapos pag nagbaback read ako natatawa nalang ako sa mga pinagsususulat kong walang kwenta. Pero kahit walang kwenta yon, gawa ko pa rin yun kaya mahalaga sakin hindi pa rin pinagbububura hanggang sa ngayon. Nilalaman nun ang aking diwa. Ano nga ba yung diwa. May kaklase ako dati nung highschool na lalake na napakakulit. Mapang asar ng sobra. Diwa ang apelido nya. Nang minsang sukdulan na ang panggugulo nya sa first year ng highschool life ko, inaway ko sya at sinabi kong tatanggalan ko sya ng diwa. Hindi ko na talaga maalala kung ano yun.

Tuesday, September 24, 2013

baha

ow! baha nanaman. buti nalang di binabaha sa lugar namin sa quezon city. unang beses na naranasan ko na maglakad sa baha nung college. sa espanya. ust. nung unang tapak sa baha ay hanggang hita, naiyak ako nun. naiisip ko kung gaano kadumi yung lugar na yun nun at paano kung may biglang lubog na daan kaya sobrang lungkot ko lang. pag uwi ko ay sobrang kuskos ng binti ang ginawa ko ng safeguard na sabon. mula nun kapag umulan alam ko na kung gaano kalakas yung ulan na makakapagpabaha sa espanya. kaya pag ganon, mga ilang oras muna ang pinapalipas ko matapos umulan bago magbiyahe. yung oras na pakiramdam ko ay humupa ba na yung baha dun.

Thursday, July 25, 2013

Salamat




Ako ay nagfb at di ko namalayan na akin nai-play ang video na ito. Di ko akalain na ayos yung lyrics. Mga simpleng salita lamang pero rekta sa puntong pagpapahayag ng kasalukuyan kong nararamdaman. Kahit na magkalayo parati ay di ramdam dahil lagi pa rin namang naguusap. Sa anim na taon at apat na buwan na pagiging malayo sa bawat isa ay di nawawala ang komunikasyon at tiwala. Ang sabi nga ng kanta ay salamat sa iyo. Happy monthsary! 

Saturday, July 6, 2013

pg

nagpunta ako sa MOA kasama ang 2 co work. pagkatapos mag pg mode sa friday's ay mamimili na sana kami kaya lang ay nag pray time ang buong mall. pag ganon, nagsasara yung mga stores. kaya walang open. wala kami mabibilhan. mag oopen naman ulit kasi sandali lang naman sila mag pray mga 30 minutes. habang hintay ay naupo muna sa gilid. until makaramdam ako na kailangan ko gumamit ng banyo. dahil nag bottomless ice tea ako sa friday's. pg mode nga. naghanap ako ng banyo pero di ko mahanap so nagpasama ako sa kanilang dalawa. tutal pray time pa naman. walang tigil sa kakalakad hanggang sa makarating sa banyo. so ang design ng mall na yon ay pa oblong at 2 floors lang na malawak. so ending, paikot kami sa mall kakalakad hanggang sa malaman namin na kung san kami nagstart ay mas malapit dun yung banyo kesa sa kabilang bahagi na mas pinili naming lakarin. wala kasing septation sa gitna ng pa-oblong na mall. kakapagod. wala kaming masyadong nabili dahil naubos time namin kakalakad paikot ikot. hanggang sa sinisi ako nung isa kong co work. ang sabi nya kung hindi sana kami kumain ng matagal, sana ay mas naikot namin ng mas matagal yung mall. at mas madaming nabili. ang sabi ko naman sa isa kong ka work ay edi mas napagod kami. pero magkakampi sila. sinisi nya rin ang pagbo bottomless ice tea ko. nag sorry nalang ako para walang gulo. hindi naman sila galit sakin pero ramdam ko ang pagod nila na hindi satisfied kasi hindi nila nabili yung gusto nila kasi wala ng time.

Sunday, June 16, 2013

Isang araw ay pauwi na ako sa bansa galing bakasyon ng dalawang linggo mula sa kalapit lamang na bansa. 3 hrs lang ang byahe. Sasakay ako sa eroplanong dala dala ang pangalan ng kanilang bansa. Unang beses ko sumakay ng eroplano ng mag isa. Nuong papunta ako doon ay kasama ko ang aking tiyahin at pinsan. Habang nasa pila papunta s eroplano ay aking hiniling na sana ay malapit ako sa bintana. Pero hindi, pagdating ko sa upuan ay ako ang nasa gitna. Pero nung mga oras na yon ay wala pa ang pasahero na inaasahang maupo sa tabi ng bintana kaya hiniling ko na sana ay di na sya dumating para lilipat ako dun. Ilang minuto na lang ay malapit na umalis. Last minute na lang, kaso bigla sya dumating. Isang chekwa na tingin ng tingin ng sakin. Inoobserbahan mga ginagawa ko. Habang byahe ay soundtrip lang ako. Nung binigay na yung foods namin, meron ice cream sandwich na dessert. Hindi ko kinain dahil sinisipon ako. Sobrang sakit ng mata ko. Ewan ko pag may sipon ako sumasakit din mata ko. Nung lumapag na ang eroplano at bababa na kami ay tinulungan ako ng isa ko pang katabi na kuhanin sa cabin yung hand carry kong bag. Sa pagkakataong yon, pinagtawanan ako nung pasaherong malapit s bintana dahil nilagay ko yung ice cream sandwich s bulsa ng bag ko. Ang sabi nya ice cream daw yon dapat kinain ko na kanina matutunaw daw. Pakielamero lang. Alam ko namang ice cream yon. Hindi ko inaasahan na sisitahin nya ko. Ayun. Maging aware lang parati. Kasi di natin alam na hanggang sa mga oras na ganon ay merong mga taong hindi inaalis ang tingin nila sa mga ginagawa ko.

Friday, June 7, 2013

Kay dalas na ng mabilis na paglimot sa mga bagay na kakatapos lamang maganap. Pano na kung matanda na ko. Sana may muling magpaalala ng nakaraan. Sabihin ang hindi maamin. Madalas na rin nasasabi ang mga salitang hindi dapat sinasabi. Fuck! Etc.. Mukha ngang problemado. Lamang lang ng tatlo. Sana wag magtuloy sa pagkatalo.

Wednesday, May 1, 2013

manga reader na rin

sobrang bored na. napabili tuloy ng ipadmini na pinangalanang kuronuma na hango sa isang manga na pangalawang natapos at naghihintay nalang sa susunod na episode. isang simpleng tao na may isang motto sa buhay na gumawa ng kabutihan sa isang araw. para naman sakin, isa itong maliit na bagay na maraming nilalaman. dito nagbabasa ng mga manga. unang binasa ang vampire knight. naaliw at nanabik. na parang ayaw ng tumigil at ito na lang ang gustong gawin. pagkatapos nito ay binasa naman ang kimi ni todoke. ahaha. di na mapigilan at may inumpisahan nanamang isa pang manga. dengeki daisy. aliw talaga. kahit inaabot na ng antok sa kakabasa ay pinipilit pa rin magbasa. pero kapag inaantok na eh hindi na naiintindihan kaya natutulog nalang muna. ang sagot sa kawalan ng gawa. sa pagkabored sa trabaho. sa sobrang lungkot na di nawawala. naaliw din. habang nagbabasa ay di napapansin ang mabilis na pagtakbo ng oras. hanggang sa magising sa bangungot na ito. patuloy lang sa pagbabasa ng manga na di maaalis ang paghahalintulad sa sarili ang bawat tauhan.
 
©Suzanne Woolcott sw3740 Tema diseñado por: compartidisimo